Chapter 18: Swimming
Medyo wala pa ako sa sarili ko habang inaayusan ko si Aki. Panay ang kwento niya sa akin ng kung ano ano na hindi ko masagot ang iba sa mga tinatanong niya.
"Tita Aoi, are you alright?" Maya maya ay tanong nito habang pababa na kami.
Tiningnan ko siya at kita ang pag aalala sa mukha nito.
"Okay lang ako Aki." At nginitian ko siya to assure him that I'm really okay.
Pagkababa namin ay naabutan namin si Alex sa sala na nakaharap na naman sa laptop nito. Nag angat ito ng tingin ng maramdaman ang presensya namin ni Aki.
Nailang ako kaya nag iwas agad ako ng tingin. Hindi ko na siya binati ng batiin siya ni Aki ng good morning.
Naiilang ako kasi baka iniisip na niyang ang cheap kong babae dahil nakikipaghalikan ako sa kanya. Tsaka natatakot ako na malaman niyang may gusto ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nakakatakot dun pero yun ang nararamdaman ko. Ayokong malaman niya na may nararamdaman ako para sa kanya.
Dumiretso kami ni Aki sa kusina at pinakain ko siya ng umagahan. Ginawa ko ang mga nakagawian ko ng gawin gaya ng pagliligpit ng pinagkainan at ang paghuhugas nun dahil nga wala namang kasambahay sina Alex. Para ngang naging all-around na ang trabaho ko pero okay lang. Masaya naman ako sa ginagawa ko.
Nang matapos ako sa lahat at inaya ko na si Aki na magpunta kami ng sala. Habang ginagawa ko kasi ang gawain sa kusina ay pinapanood ako ni Aki at pagkatapos ay sabay na kaming aalis doon.
Pagdating namin sa sala kung saan naroon si Alex ay agad siyang nilapitan ni Aki.
"Daddy can we go swimming?"
Naupo ako sa di kalayuan at nakikinig sa kanila. Napatingin sa akin si Alex kaya nag iwas na naman ako ng tingin.
"Where?"
"At the pool." Simpleng sagot ni Aki.
"You don't want to go anywhere? Like, we'll go to some beach. Or resort." Ani Alex kaya napatingin ulit ako sa kanila.
Umiling si Aki. "No. I just want to swim at our pool Daddy."
"Okay. If that's what you want. Tita Sumire and I will join you." Nakangiting sabi nito sa bata na ikinalaki ng mata ko.
"Ano? Bakit pati ako? Babantayan ko nalang siya."
"It's more fun for him if we'll join."
Gusto kong mapanguso pero pinigilan ko. Baka isipin pa nito nang aakit ako.
"Okay fine. Tara Aki. Magpalit na tayo ng damit."
Lumapit sakin ai Aki pagkatayo ko at saka kami umakyat.
-
-
-Kitang kita ko ang pagsuyod ng tingin ni Alex sa katawan ko. Parang gusto kong ngumisi dahil nakakunot ang noo nito.
Paano ba namang hindi? Naka tank top lang ako tsaka short shorts. I won't give him satisfaction of seeing me wearing a two piece or one piece. Kahit pa sabihin na gusto ko nga siya hindi ko pa rin kayang ibalandra ang katawan ko sa harap niya. Tama na yung isang beses na napahiya ako noong aksidenteng mahulog ako sa kama ko at nakita niya akong walang suot na bra sa ilalim ng pantulog ko.
Ako naman ang napasuyod ng tingin sa katawan niya at ganoon nalang ang paglunok ko ng sariling laway. Hindi naman na bago sa akin ang makakita ng ganito dahil may dalawa akong kapatid na lalaki na umaapaw din ang hotness sa katawan pero iba pa rin sa pakiramdam ang makakita ng ibang lalaki lalo pa at yung taong gusto mo ang makikita mo ng ganito.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven