Chapter 6: Lunch
"Anong lunch ang gusto mo Aki?" Tanong ko sa bata pagkarating namin sa engrande nilang kusina.
Tss. Ang bongga nga ng kusina nila pero di din naman nagagamit dahil sa puro take outs at orders lang naman ang kinakain ng mag amang ito.
Nakaupo si Aki sa high stool sa may counter, nakatalikod ito doon dahil sakin siya nakaharap. Bale sinasandalan nito ngayon ang counter.
Kunwa ay nag isip ito. "I don't know."
Ngek. Nag isip pa siya sa lagay na yan ha? Niloloko yata ako ng batang to eh.
"Sige ako nalang ang bahala. Gusto mo ba ng sinigang?"
Nalukot ang noo ng bata. "Sinigang? What's sinigang?"
Ayy. "Hindi mo alam ang sinigang? Hindi ba kayo kumakain nun?" Takang tanong ko pa.
"I don't know Tita Aoi. Maybe I know it but I just don't know what it is."
Huh? Ano raw?
"It's a kind of soup that is maasim." I tried to say.
Tumango tango ito at napangiti. "Oh! I knew it! Lola's cooking it when we were in their house. I like the shrimp."
Alam naman pala nito yun eh. "Yun nalang lulutuin ko. Dyan ka lang ha? Wag kang malikot." Sabi ko bago naglakad papunta sa ref.
Ganun nalang ang pagkadismaya ko ng wala naman akong nakitang kahit anong karne doon. Puro hotdogs lang. Seriously? Pagtingin ko naman sa baba ay karamihan ay mga inumin lang ang nakikita ko.
"Ano ba yan baby wala naman kayong stock dito sa ref niyo. Paano tayo magluluto niyan? Alas onse na gugutumin ka na." Himutok ko pagkatapos kong isara ang ref.
"I don't stock foods on my ref because no one's cooking here."
Bigla akong napasubsob sa isang matipunong dibdib pagkalingon ko dahil sa nagsalita.
Napalayo ako agad ng marealize na si Alex pala yun. Napahawak ako sa ilong ko dahil yun ang nasaktan sa pagkakasubsob ko sa dibdib niya.
"Ang sakit. Bato ka ba?" Reklamo ko kunwari para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman ko ng mga sandaling yun.
'Takte, ang bango niya.'
Kumunot naman ang noo nito. Ang hilig naman nito mangunot ng noo.
"U-uhm.. A-ano na kakainin natin ngayon?" Biglang tanong ko nalang at naglakad na palayo sa kanya. Nilapitan ko si Aki.
"We'll dine out. Change Aki's clothes and if you want you can change too." Sagot nito sakin at ito naman ang lumakad palayo at lumabas na ng kitchen.
Ngumuso ako saka tiningnan si Aki. "Next time nalang kita ipagluluto ng sinigang."
Ngumiti ang bata. "Okay."
Kinarga ko siya. Urgh. Ang bigat niya. (u_u) Dapat pala di ko nalang siya binuhat.
"Pero sabihin muna natin sa daddy mo ng mag grocery tayo." Sabi ko pa.
Pagdating sa may hagdanan ay binaba ko si Aki. "Baba ka na. Bigat mo eh. Baka mahulog pa tayo sa hagdan."
Humagikhik ang bata. Hinawakan ko siya sa kamay at sabay na kaming umakyat.
Binihisan ko si Aki. Pagkatapos ko siyang bihisan ay sinama ko siya sa kwarto ko para ako naman ang magpalit. Iniwan ko siya sandali sa kama bago ako nagtungo sa CR para dun magbihis. Nang matapos ako ay saka na kami lumabas.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romance"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven