Chapter 19: Visit
Haay ang sarap sa pakiramdam. Sa lahat ng nasa hospital, ako lang yata ang nakakaramdam ng ganito. Don't get me wrong. Hindi naman talaga masaya sa pakiramdam kapag nasa loob ka ng hospital lalo na kung puro naman maysakit o di kaya ay nagpapagaling na mula sa sakit ang naroon. For me being a nurse, it's just normal for me to feel that I belong here. My work is to take care of the patients so that they'll get better anytime soon.
At isa pa, ngayon nalang ulit ako nakatapak sa hospital kung saan ako nagtatrabaho dati. Ang Montenegro Hospital.
Nandito kami para sa monthly check up ni Aki. And come to think of it, hindi ko alam kung bakit regular na pinapa check up ni Alex si Aki. Is it because may sakit siya? Or dahil sinisiguro niya lang na palaging healthy si Aki at walang sakit?
Para sa katulad kong nurse, ang tanga ko naman para hindi muna inalam ang tungkol sa bagay na yun. Parang gusto kong batukan ang sarili ko.
Napabuntong hininga ako bago nangalumbaba sa lamesa ni Kuya Travis. Abalang abala si Fatima kaya hindi ko pwedeng dagdagan ang pagiging abala niya.
Nasa loob kasi ang tatlo, I mean sina Kuya, Alex tsaka si Aki, hindi na ako sumama kasi crowded na. At mas feel ni Alex na siya ang sumama sa anak niya kaya hinayaan ko nalang. At least hands-on siya na tatay kahit na may binabayaran naman na ito para magbantay at mag alaga sa anak nito.
Walang ibang pasyente doon kaya wala din akong ibang mapagtuunan ng atensyon. Ngayon ko lang napag alaman na by schedule pala ang pagpunta ng mga pasyente dito ni Kuya. Minsan talaga, ang tanga ko.
Napaangat lang ako ng tingin ng bumukas ang pinto. Ganun nalang ang pagkakabigla ko ng makita kong si Yana ang pumasok mula roon.
"Yana?!"
"Sumire?!"
Halos magkapanabay na bulalas namin parehas. Medyo nanibago pa ako sa hitsura niya dahil matagal tagal na rin mula ng huli kaming magkita.
Out of habit ay napatayo ako at sinalubong ang yakap nito ng tumakbo ito at lumapit sakin. Kahit na ba sabihin nating hindi ko nagustuhan ang mga naging desisyon niya sa buhay nitong mga nakaraan, ay hindi ko pa rin kayang itapon nalang ang naging pinagsamahan namin. She's still my bestfriend.
"Oh my God Sumire! Tumaba ka!" She hissed pagkatapos niyang bumitaw sa yakap.
Nanlaki naman ang mata ko. "Hala di nga?"
Tumawa ito. "Joke lang. Sexy ka pa din. Mas gumanda ka pa nga eh. Inspired ka ba?" Tudyo nito.
Tinawanan ko nalang din siya. "Duh? Matagal na kaya akong maganda."
"Ay sus. GGSS pa din."
"Same lang kaya tayo."
At nagkatawanan na naman kami. Hinawakan ko siya sa kamay at hinatak patungo sa sofa at naupo.
"Grabe. Ang tagal na nating hindi nagkita kahit na nasa iisang hospital lang naman tayo nagtatrabaho." Sabi ko.
"Oo nga. Magkaiba kasi ang shifts natin tsaka sa ibang department ka naman eh." Anito. "Ay teka nga, nung last text mo sakin hindi ka na nagwowork dito. So anong ginagawa mo dito?" Tanong pa nito.
"Regular check-up ng alaga ko eh."
"So true nga na yaya ka na." She said matter of factly. Maya maya ay ngumisi ito. "Ano ba amo mo?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Syempre tao."
Tumawa ito ng bahagya. "Ikaw talaga. What I mean is, kung hiwalay ba, single parent.." At tinaas baba pa nito ang kilay nito habang nakangisi. I know kapilyahan na naman ang iniisip nito.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Alexandrite Raven: I'll Be By Your Side (#4)
Romansa"No matter what happen, I promise, I'll be by your side. I'll protect you. And remember that I love you." - Alex Raven