Prologue

7 0 0
                                    

❗DISCLAIMER❗

THIS IS A WORK OF FICTION. ALL CHARACTERS, EVENTS AND INCIDENTS IN THIS STORY ARE EITHER THE PRODUCT OF AUTHOR'S IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER. ANY RESEMBLANCE TO THE LIVING OR ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENCE. THE FOLLOWING CHAPTERS MAY CONTAIN COARSE LANGUAGES, VIOLENCE AND 18+ EVENTS.

~~~~~~

THIS IS MY FIRST EVER STORY AND I HOPE YOU'LL LIKE IT. FEEL FREE TO CORRECT ME IN THE COMMENT SECTION IF YOU NOTICE ANY MISTAKES. PLEASE DO SUPPORT ME IN THIS! DITO PA LANG SA UMPISA, THANK YOU NA AGAD <3

~~~~~~

Crying alone in this dark room, gusto ko na umalis, gusto ko na lumabas, gusto ko na umuwi pero paano? Subukan ko man pero ganoon pa rin, mahuhuli pa rin nila ako, babalik at babalik pa rin ako dito sa madilim na kwarto na 2 buwan ko nang pinagtitiisan.

Can someone please save me?

Pagod na ako. Pagod na pagod ako sa lahat ng ginagawa nila sa akin. Dalawang buwan na nila akong pinahihirapan, pinapagawa ang mga bagay na kailan man ay hindi ko naisip na magagawa ko ngayon. Nasasaktan ako at napapagod physically, emotionally at mentally. Ano bang pagkakamali ko at nangyayari ito sa akin? Do I even deserve this?

Natatakot ako sa tuwing may sisilip na liwanag mula sa pagbukas ng pintuan dahil para itong isang bagong bangungot nakahaharapin ko. Hindi ko lubos akalain na ganito ang aabutin ko sa kamay ng stepmom ko, si Cindy.

Wala na si daddy. Wala na akong kakampi. Hindi ako pwedeng manatili lang dito sa kwartong 'to dahil hahanapin ko pa ang may sala sa pagkawala ng daddy ko. Igaganti ko siya. Ibibigay ko ang katarungan na nararapat sa pagkawala niya. Buhay ang kinuha sa akin, buhay din ang kapalit.

Napayakap ako sa sarili nang marinig ko ang pag-bukas ng pinto. Iniluwa nito ang nag-iisang anak ng stepmother ko. "Oh, kumain ka Alodia." sabay hagis ni Damon ng isang plato ng pagkain sa lapag.

Kaya pala Damon ang pangalan dahil Demonyo siya. Pareho sila ng nanay niya. Mga walang puso! Pagkatapos mamatay ni Daddy kinuha nila ang lahat na dapat sa akin.

Puno ng galit ang puso ko, punong puno. Hindi ko maiwasan na tignan ng masama ang lalaking nasa harapan ko. Pinapatay ko na siya sa isipan ko, silang dalawa ng nanay niyang kampon ni Satanas.

"Come on, Alodia. Huwag mo na painitin ang ulo ko!" itinutok niya sa akin ang baril niya saka ako napapikit. Kahit anong oras ay pwede niyang kalabitin ang gatilyo at katapusan ko na.

"P*tang*namo!" bulyaw ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sumigaw. Nagugutom na ako at wala na akong lakas pero wala akong gana kainin ang pagkaing dala ni Damon.

Tumalikod sa Damon at lumabas. Marahas niyang isinara ang pinto at nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Napapikit ako sa pag-iisip ng katotohanang wala akong kawala sa impyernong 'to.

Marahas kong tinabig ang pagkain sa harapan ko. Hindi ko kakainin ang kahit ano mang hinanda nila para sa akin dahil hindi ko magagawang lunukin lahat ng pang-aapi, pananakit at pangbabastos nila sa akin.

Hindi ko alam na nakatulog na lang din ako kakaiyak. Lagi naman ganito, pagkatapos kong umiyak ay kusa na lang magpapahinga ang mga mata ko sa pagod.

Nakarinig ako ng kalukos mula sa labas ng kwartong kinaroroonan ko kaya't nagising ako. Kahit walang makita dahil sa dilim ay naglakad ako palapit sa kaluskos na naririnig ko.

"Hindi natin pwedeng iwan 'to, brad." dahan-dahan kong inilapat ang tenga ko sa pintuan upang mas marinig pa ang pinag-uusapan ng kung sinong animal man ang nasa labas ng pinto.

"Wala naman ang mga amo natin. Inaantok at nagugutom na rin talaga ako." saad ng isa pa. Hula ko'y dalawa silang nagbabantay dito.

"Oh siya sige. Bilisan lang natin ah. Huwag mo na lock, babalik naman tayo agad."

"Oo, diyan lang naman sa may gate. May fishball na naglalako eh."

Nakahinga ako ng maluwag. Pagkakataon ko na ba ang makatakas? Marami pa kayang bantay sa labas?

Kahit alam kong delikado ay wala na akong ibang naiisip para makaligtas at makawala sa impyernong 'to, kundi ang tumakas. Alam kong nanganganib ako at pwede nila ulit akong mahuli, pero ayokong palampasin ang pagkakataong ito. Paano kung ito na pala ang araw na para sa akin? Paano kung makakatakas na pala ako?

Kakaba-kaba kong pinihit door knob at marahan na binuksan ang pinto. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ng hallway ngunit walang tao. Lumandas ang saya sa puso ko ngunit pinigilan ko ito dahil narito pa rin ako sa loob ng bahay. Itong bahay na ito ay punong puno nang magagandang ala-ala namin ni Daddy ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Cindy at Damon.

Binaybay ko ang madilim na hallway. Sumilip muna ako sa baba at sinigurong walang tao. Tahimik at naka-off ang lahat ng ilaw. Gumawi ako sa kusina upang sa laundry area dumaan, sa likod ng bahay. Mayroong maliit na gate doon at sana lang ay walang nagbabantay. Nakarating ako sa likod ngunit may isang nagbabantay dito, hindi niya ako nakita dahil nakatalikod siya. Dahan dahan akong kumuha ng bato at mabilis na tumakbo sa bantay. Malakas kong inumpog ang bato sa kaniyang batok dahilan nang pagkawala ng kaniyang malay.

Walang pagdadalawang isip kong binuksan ang gate at sobrang saya ko nang makatapak ako sa kalsadang dalawang buwan kong hindi nakita o nalakaran. Sumabog na ang mga luha kong hindi ko mapigilan.

Sinubukan kong lumakad papalayo at nililingon ang gate na nilabasan ko dahil baka napagtanto na ng ilang bantay na nakatakas na ako.

Kung maraming tao dito sa subdivision ay kanina pa siguro ako pinagtitinginan dahil sa itsura ko. Puro galos, pasa at sugat, hindi ko na nga makilala ang sarili ko dahil sa mga pasa ko sa mukha gawa ng pambubugbog ni Cindy at Damon sa akin. Puro din mantsa ng dugo ang puting t-shirt ko, naka-paa lang at maski ang pagligo ay hindi ko nagawa ng dalawang buwan.

Nabuhayan ako ng pag-asa nang may isang itim na sasakyan ang paparating. Sana ay hindi ito so Cindy at Damon. Umaasa akong hindi sila ito. Please.

Pinara ko ito at agad itong huminto sa tapat ko, dalawang lalaki ang lumabas mula sa itim na van at inalalayan akong sumakay. Mas lalo akong naiyak nang makasakay na sa van at umandar ang sasakyan. Nilingon ko ang bahay ni Daddy at lumandas ang saya ko dahil sa wakas ay nakaalis na ako.

Napahagulgol ako at inilapat ang aking palad sa mukha. Hindi ko akalaing maraming magaganda at masasamang alaala ang iiwanan ko sa bahay na iyon. Mula bata ako noong kasama ko pa si Daddy, pinangako niyang pupunuin namin ang bahay ng puro lang happy memories kahit wala si Mommy sa tabi namin.

Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang tumulong sa akin. Hindi ko man alam kung nasa mabuting kamay na ako, sana, pero masaya ako dahil nakatakas na ako sa impyernong dalawang buwan kong pinagtiisan.








~~~~~

A/N: Thank you for being here <3 You just finished the first part of the story, sana sa mga susunod pang part ay nandon ka rin :)

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon