Chapter 24

4 0 0
                                    

Nanghihina na ang mga tuhod ko ngunit pinilit kong maging malakas. Ayokong maging mahina, hindi na dapat ako maging mahina. Hindi pa naman din ako sigurado kung totoo ba ang mga naiisip ko. Kailangan kong pakinggan si Aiden.

He extended his arms kung nasaan hawak niya ang kwintas ni daddy. "This belongs to you." napapikit ako at marahang humakbang papalapit sa kaniya. Nanginginig kong kinuha ang kwintas at humagulgol.

Daddy please, tell me it's not Aiden.

Aiden let me cry my heart out until I'm done. Nang wala na akong mailuluha ay inalalayan niya akong makaupo sa kaniyang swivel chair.

"Sino ka ba talaga?" kunot noo kong tanong. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nasa tabi ko lamang siya at nakasandal sa kaniyang office table. Nakaupo ako sa kaniyang swivel chair at siya naman ay nakatayo sa tabi ko.

"Matagal kong pinag-isipan kung sasabihin ko ba sa iyo because I'm scared na baka you'll push me away or despise me." Dapat nga ba kitang kamuhian kapag nalaman ko ang totoo?

"I..." umayos siya ng pagkakatayo at tumingin ng diretso sa aking mga mata. "I am a mafia boss, Alodia." nanlaki ang mga mata ko at napaatras sa upuan dahil sa narinig. Teka, tama ba ang nadinig ko? Baka naman nagkamali lang ako.

"I am the boss of Inferno Org, the largest and strongest mafia organization in the world. That's me, Alodia and this is my home." inilahad niya sa hangin ang kaniyang dalawang palad as if he can't do anything about him being a mafia boss.

"Sandali, naguguluhan ako." napapikit ako at tila naging blanko ang aking isipan.

Bahagya niyang ginalaw ang swivel chair na inuupuan ko at hinarap ako sa kaniya. Nakahawak siya sa magkabilang arm rest ng upuan at bahagyang nakayuko upang magtama ang aming mga mata.

"My papa Vlad and your daddy Fabio, they started the Inferno org, Alodia." labis labis ang mga impormasyong naririnig ko. Wala na akong ibang maisip pa kung papaanong bubuuin ang pira-pirasong puzzle pieces sa aking isipan. Parang mas gumulo lang ang lahat.

Hinawakan niya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kaniya. Marahan lamang ito at may pag-iingat. "Listen to me, Alodia. I know it's confusing and complicated but just listen to me and you'll understand everything." nangungumbinsi ang kaniyang mga mata ngunit hindi ko malaman kung dapat pa ba akong makinig sa kaniya dahil sobrang gulo na lahat sa aking isipan.

"Let's start with you." saad ko. Mas maiintindihan ko yata kung sakaniya magsisimula ang lahat.

"You really want to know more about me huh?" biro niya ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ito oras para magbiro siya.

"Just like what I've said, I am the mafia boss of Inferno Org my papa and your daddy started, simply because I am the heir. Pero just to clear Inferno's name, we don't do illegal transactions, prostitutions, killing innocent people o lahat ng mga masasamang bagay na naiisip mo. We fight for what we know is right and I was just 15 when I started training and I officially became a boss when my papa died during my 20th birthday. Sad diba?" he paused and chuckled.

"Chase Stefano, remember him?" he asked and I nodded to give him answer. "He is my bestfriend. Real bud, bro's for life but he changed. He suddenly became the person who hates me the most. He learned na bago mamatay ang ama ko ay nagka-alitan ang papa at si Hernan, his dad. I was there, noong araw na nagpapaulan sila ng bala sa isa't isa."  tumungo siya at umiling.

Just thinking of the young Aiden witnessing such traumatic events pains me.

"They were bad enemies, ang daddy ni Chase ang boss noon ng Vendetta org. They wanted to crash Inferno at angkinin ang buong mundo pero hindi naman papayag ang papa ko at si tito Fabio so they decided to put up a mafia war. Namatay ang daddy ni Chase dahil nabaril siya ng daddy mo."

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon