Chapter 30

3 0 0
                                    

ALODIA'S POV

Masaya akong sinalubong ni Ms. Antonio. Kinamusta niya ako at nakichismis na rin kung gaano daw kaganda at ka-engrande ang kasal na pinuntahan namin ni Aiden. Honestly, sobrang ganda ng kasal nina Thyron. Hindi ko rin inasahang pinsan ni Aiden ang bride. Nakakatuwa nga dahil ang pantasyang kasal ng karamihan ay ang kasal ni Thyron. Napakaganda kasi at halatang pinag-gastusan. Parang sobra pa nga sa milyon ang nagastos.

Medyo busy ang lahat dahil kakabalik lang din ni Aiden ngayon sa trabaho. Simula nang makapasok siya sa opisina ay hindi ko na nakitang lumabas siya. Sa loob ng tatlong araw niyang pagkawala, sigurado akong tambak ang mga papeles na pipirmahan niya.

"Ms. Carabelle, pwede bang paki-encode ito? I'm sorry, I know this is not part of your tasks pero sadyang sobrang dami lang inaasikaso. I'm sorry." I smiled nang lumapit sa akin si Ms. Antonio.

"Okay lang po. Wala rin naman po akong ginagawa ngayon." tinanggap ko ang isang folder na inabot niya sa akin.

Umalis na si Ms. Antonio at ako naman ay nagsimula nang  magtipa sa aking laptop. Medyo marami ito pero ayos lang, sana lang dagdag sweldo. Haha, charot!

Pansin ko ang pagkabusy ng lahat. Parang nakakahiya nga kapag wala kang ginagawa, isang rason bakit tinanggap ko ang pakikisuyo ni Ms. Antonio.

Lunch time na ngunit parang walang balak magsikain ang lahat. Nakakahiya tuloy magpunta sa cafeteria dahil baka isipin nila na petiks lang ako, samantalang sila todo effort at di mapakali sa kakatrabaho. Dibale, kaya ko naman tiisin ang gutom ko. Strongest soldier ata ni Lord 'to.

Ilang sandali pa ay biglang dumating si Fonzo at Marco. Nandidilim ang kanilang mga tingin at ang bawat hakbang nila ay napakabigat. Parang handang handa sila sa kahit anong gyera man ang dumating. Nakakatakot ang itsura nilang dalawa. Dire-diretso silang dalawa at hindi man lang nagawang lumingon sa kung saan. Alam kong sa opisina sila ni Aiden pupunta.

Napakibit balikat na lang ako. Hindi naman siguro sila mag-aaway hindi ba?

"Did you send them my reply, Marco?" muli nanaman akong napalingon nang wala pang kinse minutos ay biglang lumitaw si Aiden kasama si Fonzo at Marco. Mukhang nagmamadali at urgent ang pupuntahan nila.

"Yes, boss." tipid na saad ni Marco.

"The contract, Fonzo?" si Aiden.

"I have it hear, Ace." sagot ni Fonzo.

Parang the flash ang tatlo dahil sing bilis ng kidlat ang pagkawala nila sa paningin ko. Eh halos 1 metro ba naman ang bawat paghakbang nila dahil sa mahahabang biyas.

Gaano ba ka-importante ang pupuntahan nila at bakit parang nagmamadali, nag-aalala at nagpapanic sila? Minsan pakiramdam ko nahahaluan ng mafia business itong negosyo ni Aiden lalo na kapag nakikita kong kakaiba ang mga kilos niya, kagaya ngayon. Hindi naman ito ang unang beses na makita ko siyang ganyan, iba lang ang nararamdaman ko ngayon at parang bukod sa negosyo niyang ito, ay may iba pang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon at kilos nila.

Nang uwian na ay sakto namang natapos ko ang pinapagawa ni Ms. Antonio. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikitang bumalik si Aiden. Baka siguro ay nasa bahay na siya. Possibleng umuwi na lang siya diretso dahil sa pagod.

Napakibit balikat na lang ako at bumaba na sa lobby. Nakita ko pa si Lea kaya't excited naming niyakap ang isa't isa.

"Ano te, ako na lang titira sa apartment mo, ilang buwan nang walang tao. Baka pamahayan na ng maligno 'yon." iyon talaga ang bungad ni Lea sa akin.

"Hmm. Sige, paalam ko kay Aiden." ngiti ko. Alam ko kasing siya ang nagdala sa akin doon kaya mas magandang ipaalam ko sa kaniya na si Lea na lang ang mamamahay sa apartment ko.

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon