ALODIA'S POV
3am na pero hindi ako makatulog, hindi ko alam kung bakit. Mabuti na lang rin at nagising ng maaga si manang Cha upang makapaghanda ng kakainin ngayong araw. Ang sabi niya pa ay espesyal daw ang araw na ito para kay Aiden dahil birthday ng mommy nito.
Speaking of Aiden, nasaan na ba siya? Pati ang tatlong tanga ay wala pa. Nasaan sila? Alas tres na ng umaga, oras pa rin ba ito ng trabaho? Ganito ba talaga kapag mga pulis?
Habang masaya kaming nagluluto ni manang ay nadinig ko ang boses ni Aiden.
"Magpapatawag ako ng general meeting and inspection tomorrow sa headquarters." dinig kong saad ni Aiden sa di kalayuan.
Nagpunta ako kung saan ko narinig ang boses niya.Hindi ako nagkamali dahil nandito na silang apat. Tila pagod ang tatlo na nakaupo sa couch. Nakaharap si Aiden sa tatlo kaya't hindi niya ako makita dahil likod lamang niya ang tanaw ko.
Tama nga siguro ang hinala kong mga pulis sila. Magpapatawag daw ng meeting sa headquarters eh.
"Paano si Alodia?" nangunot ang noo ko nang magsalita si Ives. Ano naman ang kinalaman ko sa trabaho nila?
"You'll stay here with her, Juarez." mariing saad ni Aiden.
Ilang sandali pa ay humarap na si Aiden sa gawi ko. Nagulat pa siya at bahagyang napaatras nang makita ako. Mabilis nagbago ang kaniyang ekspresyon. Tinignan niya ako ng may pag-aalala at saka dumiretso sa kusina.
Parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa nitong sinundan si Aiden. Naabutan ko siyang marahas na uminom ng tubig na akala mo ay isang linggo siyang uhaw. Halos mabasag ang baso sa lakas ng paglapag niya nito sa counter top.
Sinubukan kong humakbang paabente upang abutin siya ngunit parang may pumipigil sa akin. Ramdam ko ang mabigat na emosyon ni Aiden ngayon, tila maraming tumatakbo sa kaniyang isipan. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang nangyari pero parang mali yata na makichismis agad ako. Pero gusto ko lang malaman ang dahilan bakit parang pasan niya ang buong mundo ngayon, malay mo naman ay makagawa ako ng paraan to lighten up his mood.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka tumalikod. Mas mabuti na sigurong hayaan ko na munang mapag-isa si Aiden. Siguro ay kailangan niya ng oras makapag-isip isip.
Hindi ko na nagawang makatulog pa dahil gumugulo sa isipan ko si Aiden. Pilit kong hinuhulaan ang dahilan kung bakit problemado siya, iba't ibang teorya na ang naisip ko pero alam kong ni isa doon ay walang tama.
Alas sais na ng umaga nang napansin kong dahan-dahang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Iniluwa nito si Aiden. Bihis na bihis siya at halatang handa na sa general meeting at inspection na mangyayari sa kaniyang heaquarter.
"Aalis ka na?" marahan siyang tumango. Bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. "May problema ka ba?" nabobother talaga ako sa emosyong nakikita ko sa kaniyang mga mata.
Sanay naman akong tahimik, masungit, at malamig makitungo si Aiden pero tila iba siya ngayon. Halo-halo ang emosyon na lumalandas sa kaniyang mga mata. Minsa'y nag-aalala, minsa'y takot, minsan ay parang nangangamba pa siya.
"Don't go anywhere, bae. You hear me?" ngayon ay mas nangingibabaw ang pag-aalala sa kaniyang mga tingin. May paglalambing sa kaniyang boses na nagpalambot sa aking puso.
"Promise me na hindi ka masasaktan, hindi ka aalis. Promise me na pagbalik ko you're still here." hindi ko maintindihan. Lumandas ang takot sa kaniyang mga mata.
Kahit naman umalis pa siya ng tatlong araw ay nandito pa rin ako, as if naman may iba akong choice at lumabas ng bahay na 'to. Isa pa, nabanggit niya kanina na kasama ko si Ives dito, aba talagang hindi ako makakaalis. Regarding naman sa masasaktan ako, hindi ko iyon maipapangako na hindi ako masasaktan dahil minsan ay tatanga-tanga ako.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...