Matapos kumain ay sina Elli na ang naglinis. Nagpumilit ako na ako na lang dahil nakakahiya ngunit hindi nila ako hinayaan. Lagot daw sila kay Mr. Rowland.
Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod at panoorin na lang silang mag-hugas ng pinagkainan naming apat. Nakakatawa dahil para silang mga bata. Namiss ko tuloy si Lea.
Hinahanap na niya kaya ako? Sigurado akong katok 'yon ng katok sa unit ko kanina. Wala rin ang phone ko, hindi ko alam kung saan napunta. Hindi ko magawang tawagan o i-text man lang si Lea, sigurado din akong ilang missed calls na ang nagawa non.
Nangalumbaba ako at tinignan ang glass wall na nasa may bar area ng kusina. Kitang kita ko dito ang magandang kalsada sa labas. Nasaan kaya ako?
Matapos maghugas ng tatlo ay gumawi naman sila sa sala at naglaro ng xbox. Nakaupo lang rin ako sa single couch at pinapanood ang nilalaro nila. Lumilipad ang isipan ko dahil hindi ako magkamayaw sa dahilan kung bakit ako nandito. Gusto ko na umalis pero hindi pwede. Tatakas nanaman ba ako?
Wala akong magawa. Para akong engot na nakatunganga lang dito. Kung nasa trabaho ako ngayon ay siguradong sandamakmak na ang nagawa ko.
Tinignan ko ang sarili. Suot ko pa rin pala ang damit ko kagabi. Hindi pa ako nakakaligo.
"Mr. Easton." saad ko at mabilis niyang binitawan ang controller na hawak, ganoon rin naman ang ginawa ng dalawa.
"Drop the formality, Ms. Carabelle, Craig na lang."
"Sa akin din, Ives na lang." taas kilay na saad ni Mr. Juarez.
"Alodia na lang din. Pero saan ba pwede maligo?" nakakahiya man itanong pero kailangan ko maligo.
"Sa banyo." hindi ko alam kung namimilosopo si Ives o sadyang iyon ang genuine niyang sagot.
"Bobo!" kaltok ni Elli na ikinangiti ko. Napakamot naman sa sakit si Ives.
"Di talaga kayo matino eh noh?" saway ni Craig.
"Pero saan nga?" ani ko.
"Sa kwarto ni boss." seryosong sagot ni Craig.
Napaatras ako. Wala na bang ibang pwedeng pagliguan? Talagang doon pa? Baka naman masisante na talaga ako niyan kapag doon ako naligo.
Umiling ako. "Hindi na lang ako maliligo. Iuwi niyo na ako." sabay talikod sa tatlo.
"Ang baho!" napatigil ako dahil sa reklamo ni Ives.
"Ano naaamoy mo?" tanong ni Craig kaya't napalingon na ako sa kanilang tatlo na pinipisil ang kanilang ilong.
"Amoy pawis?" si Elli.
"Hinde eh, parang ang asim ng amoy?" si Ives.
Pasimple kong inamoy ang sarili ko, hindi naman ako mabaho.
"Alodia, maligo ka na kaya?" ani Craig nang lumingon sa akin.
Nang-aasar ba sila? Napairap ako sa hangin at napaupo ulit sa single couch na katapat silang tatlo. Kung mang-asar akala mo naman ay close talaga kami.
Hindi na lang, kesa maligo ako sa kwarto ng amo ko. Baka isipin pa non chumachansing ako sa kaniya, o crush ko siya, o pinagnanakawan ko siya.
"Ikaw rin. Powder room lang ang meron dito sa baba, wala si manang Cha para buksan ang ibang kwarto, kay boss lang ang bukas. Kaya nga dito kami sa sala matutulog mamaya eh." kibit balikat na saad ni Craig at tumango naman ang dalawa bilang pag sang-ayon.
Hindi ko alam kung nagbibiro lang sila o totoo talaga. Ngunit ilang sandali pa ay hinawakan ako ni Elli sa magkabilang balikat at hinila patayo. Inikot niya ako at nakatalikod na ako sa kaniya. Marahan niya akong tinulak paakyat, papunta sa tapat ng pinto ng kwarto ni Mr. Rowland.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomantizmNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...