ALODIA'S POV
I gained my conciousness at napansin ko kaagad na nasa isang hindi ako pamilyar na lugar. Amoy sigarilyo din ang paligid. Nasaan ba ako? Inilibot ko ang aking paningin at nasa isang abandonadong building ako but the walls are white at medyo maliwanag ang paligid.
I slightly moved to check Lea at doon ko lang narealize na nakatali ang buong katawan ko. Putangina. Sinubukan kong magpumiglas sa higpit ng pagkakatali sa akin ngunit bigo ako dahil nasasaktan lang ako sa ginagawa ko.
Bakit ba paulit-ulit ko na lang binabalikan ang ganitong sitwasyon? Ano bang kasalanan ko sa mundo at palagi ko na lang ito nararanasan?
"Oh, gising ka na pala?" Isang boses ang narinig ko sa kung saan kaya't hinanap ng mga mata ko ang may-ari ng boses na iyon.
Damon or should I call him Chase?
Hayop!
Napagtanto kong nakatape din ang bibig ko nang subukan kong magsalita. Wala nanaman akong magawa kundi ang hayaan ang pagkatao kong husgahan at pahirapan ni Damon...Chase. Bakit ba ako na lang palagi?
"Let's see kung ililigtas ka ulit ni Ace." kibit balikat ni Chase habang tumatawa. "You know what, Alodia, you just made your life more miserable by getting involved with Ace." dagdag pa niya.
I'd rather be miserable with Aiden kaysa maging miserable sa kamay ni mo.
Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mainit na likidong nagbabadya sa pagtulo. Wala akong magawa kundi ang umiyak. Hindi ako makakilos o makagalaw man lang para tulungan ang sarili kong maka-alis dito. Pilit ko mang subukan ay walang akong maisip na ibang paraan.
Ilang minuto ang lumipas at pinapanood lang ako ni Chase mula sa di kalayuan. Tahimik niya akong pinagmamasdan habang umiinom ng whiskey. He changed a lot, or should I say ibang iba ang Chase sa Damon na nakilala ko. He's like Aiden, malinis, kagalang galang kung tignan at nakakatakot ang mga mata, pero hindi maitatago ng panlabas niyang kalinisan ang dungis ng mga kamay niya at iyon ang pinagkaiba nila.
"Putangina ka, Chase!" unti-unting nawasak ang puso ko nang marinig ang pamilyar na boses. Nang lingunin ko ang pinanggalingan nito ay doon ko nakita si Lea.
Magkakilala sila? Paanong kilala ni Lea si Chase? May hindi ba siya sinasabi sa akin?
"Au, you're awake." Chase's smiled at bleeding Lea. Puno ng dugo ang kaniyang damit habang hawak siya ng dalawang malalaking lalaki. Nang nagpumiglas siya ay doon ko lang napagtanto na may tama siya ng bala sa kaniyang kaliwang braso.
Napapikit na lang akong muli dahil sa sakit na nararamdaman ko para kay Lea. Hindi ko alam kung papaanong nadamay pa siya dito.
"Don't you dare call me Au, Chase. Sana pinatay na lang talaga kita when I had the chance. Tangina mo!" sa galit ni Lea at sa mga salitang binibigkas niya, ramdam kong may nakaraan sila. May koneksyon sila noon.
Au? Parang narinig ko na ang pangalang iyon, hindi ko lang matandaan kung kailan, saan at kanino ko ito nadinig.
"But unfortunately, hindi mo ako napatay so now that I have the chance, ikaw na ang papatayin ko." Chase evily smiled with his raging eyes. It's full of anger. Gigil na gigil siya.
I wanted to scream when I saw Chase held Lea's neck violently but I couldn't shout dahil sa tape na nasa bibig ko. My tears fell down heavily as I witness how my bestfriend gasp for breath.
Not now, Lea. Not now, Chase please. Leave Lea alone.
Tila nakahinga ako ng maluwag nang tumunog ang phone ni Chase. Binitawan niya si Lea at kinuha ang kaniyang cellphone. May pagkadismaya sa kaniyang mga mata, siguro ay dahil bigo siyang kuhanin ang buhay ng kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
Roman d'amourNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...