Chapter 28

3 0 0
                                    

Nagising ako na sobrang sakit ng aking ulo. Fuck! Napahiga na lang ako ulit dahil sa sobrang sakit. Napansin kong iba na ang aking suot kaya't kahit may hang-over pa ay napabalikwas ako sa aking kama.

Put*ng*na?! Nagpalit ba akong damit kagabi? Teka, hindi pwedeng si Aiden ang nagpalit ng damit ko. Jusko! Ikamamatay ko talaga!

Napatakbo ako at humarap sa salamin. Mula ulo hanggang paa ay bihis na bihis na ako. Wala na rin ang make-up ko, maski ang falsies na ikinabit sa akin ay wala na rin. Ahhhhhh!!! Wala akong matandaan na nagbihis ako o nagbura ng make-up!

Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa naalala. Nakagat ko ang aking labi at bumalik sa pagkakaupo sa kama. Hindi si Aiden ang nagbalik sa akin dito sa kwarto! Naaalala kong may kinakausap akong hindi naman si Aiden, buhat niya ako at pilit ko siyang sinasabihan na kailangan ko si Aiden.

Isusumbong ko siya kay Aiden huhu! Lord, hindi na po ako iinom!

Agad akong tumakbo papunta sa pinto ng hotel room at nang buksan ko ito ay saktong iniluwa nito si Aiden. May dala siyang isang tray ng pagkain.

"Sino nagdala sa akin dito? Bakit nakabihis na ako?  Yung make-up ko wala na, pati yung heels ko hindi ko na suot." naiiyak kong saad habang paroon at parito sa loob ng kwarto.

"I'm sure hindi ikaw nagdala sa akin dito. Iba nagdala sa akin dito, Aiden, promise!" humarap ako sa kaniyang at inangat ang aking palad na parang sumusumpa. "Pero kaamoy mo siya, sabi ko pa nga sakaniya huwag niya gayahin ang pabango mo. Aiden bakit mo ako pinabayaan???" naiiyak kong saad muli.

Natigilan ako at sinamaan ng tingin ang lalaking kausap ko nang matawa lamang siya at seryosong pinapanood akong hindi mapakali.

Palagi niya na lang talaga ako tinatawanan eh! Mukha ba akog clown sa paningin niya?

"What else do you remember?" nakangiting tanong ni Aiden ngunit interesado siya sa susunod kong sasabihin.

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi. Wala naman akong ibang naalala eh. Bukod sa hindi si Aiden ang huling kasama ko kagabi at....

"Oh my God!!!" Natutop ko ang aking bibig nang muling may maalala. Mabilis akong tumalon sa kama at nagtago sa makapal na comforter.

Nakakahiya ka Alodia Beatriz!!!!!

"So what do you remember?" naramdaman ko ang paghila ni Aiden sa comforter kaya't mahigpit ko itong hinawakan. Oh please, hayaan mo na ako magtago dahil nahihiya ako.

"Nasusuka ako." I was about to throw up pero may humila sa likod ko.

"Not here, woman." saad ng baritonong boses. Inalalayan niya ako maglakad papunta sa kung saan.

We entered a room. He removed my stilettos once we entered. Nanonood lang ako sa kaniya while trying not to vomit because he told me not here. I felt the cold floor nang matanggal na ang heels ko and I ran to the door na nakikita ko from where I stand.

Yuyuko na sana ako para sumuka ngunit may humila ulit sa akin. "Not there, Bae! That's a fucking closet!" nagpatianod ako sa paghila niya at ilang segundo lang ay nasa harapan ko lang ang toilet bowl. I threw up. Lahat ng gusto kong isuka ay sinuka ko na.

Gosh! Naiiyak na ako. Why am I like this? I feel so helpless. I hate whiskeys now. "Ayaw ko na uminom." I cried out loud nang matapos akong sumuka. "Ayaw ko na. Ang hirap hirap uminom. Bakit masarap pero bakit ako nasusuka pagkatapos? Huhu!" I cried like a baby.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko nanaman ang pag-akyat ng likido mula sa aking lalamunan. I vomitted again. Matapos ay umiyak akong muli. I felt a warm hand caressed my back while I cry.

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon