Chapter 34

3 0 0
                                    

Nang makarating kami sa bahay ni Aiden ay napahinto ako nang makita si Ms. Crawford na nakaupo sa sala set. May kasama siyang dalawang matanda na sa palagay ko'y magulang niya. Anong pakulo ito?

"Love!" masaya niyang bulyaw nang pumasok si Aiden mula sa main door. Tumayo siya at niyakap si Aiden na walang ekspresyon.

"Ven." mahinang saway ni Aiden saka bahagyang itinulak si Ms. Crawford papalayo.

Napansin ko ang kalabitan ng tatlong idiots, isang senyales na kailangan nilang mawala sa eksenang ito, kaya't nang magsimula silang humakbang palayo ay sumunod ako. Bigo akong makaalis dahil naramdaman ko ang paghawak ni Aiden sa wrist ko.

"Aiden." pabulong kong saway ngunit tila wala siyang narinig dahil hinila niya ako palapit sa kaniya.

Naupo kami sa couch, sa tapat kung nasaan nakaupo ang dalawang matanda na kasama ni Ms. Crawford. Wala naman ring nagawa si Ms. Crawford kundi maupo sa tabi ng dalawang matanda.

This is so awkward. Nakakahiya. Nakakakaba at wala akong ideya kung ano bang eksena ang mangyayari. Anong role ko dito?

I felt Aiden's hand on mine. Pinisil pisil niya ito na para bang he's trying to calm me. Naririnig niya ba ang malakas na kabog ng dibdib ko?

"I am here to clear things out, Mr. Rowland." napahinga ako nang malalim nang magsalita ang matandang lalaki. Ang intimidating niyang tignan at nakakatakot ang lalim at pagkaseryoso ng kaniyang boses. "We have an agreement." dagdag pa nito.

"Did I agree, Mr. Crawford?" malamig na saad ni Aiden kaya't napatingin ako sa kaniya.

Nagpakawala ng maliit na pagtawa ang matandang lalaki. "Pakakasalan mo ang anak ko sa ayaw at sa gusto mo. Iyan ang kasunduan namin ng ama mo, you can't say no, Mr. Rowland. Ako ang may pinakamalaking share sa kompanya mo."

Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak ni Aiden ngunit mas humigpit ang kapit niya. Mukhang alam ko na ang role ko dito.

"As you said, agreement niyo ng papa ko, not with me. Sorry to say this, Mr. and Mrs. Crawford, but I don't like your daughter, neither love her." sa puntong ito ay kay Ms. Venice Crawford ako tumingin only to see her watery eyes na tila binagsakan ng sampong hollow blocks ang puso niya.

"Why, Ace? Dahil ba diyan sa babaeng 'yan?" her sad eyes suddenly turned mad. Tila umaapoy ito sa galit.

"She has a name, Ven." mariing saad ni Aiden.

"Ano bang meron siya na wala ako, Ace? Am i not enough? For God's sake! I have everything" halos pasigaw na sambit ni Ms. Crawford.

"It's not you whom I want to be my wife, Ven kaya umalis na kayo." Ani Aiden at tumayo na. Dahil hawak niya ang kamay ko ay napatayo na rin ako.

"You'll regret this, Mr. Rowland." tila may pagbabanta sa boses ni Mr. Crawford. Inakay niya ang kaniyang asawa't anak palabas ng mansyon ni Aiden.

Nang tuluyang makalabas ang pamilya ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Naghahabol ako ng hangin dahil parang 1 oras akong nagpigil ng hininga.

So they're literally engaged? Engaged na sila noon pa. Eh ano pala ako dito? Extra? Bakit hindi sinabi sa akin ni Aiden? Wala pa namang singsing eh pero pinagkasundo na sila noon pa at ako ang nakasira non. Matutuloy ang kasal kung hindi ako dumating. Baka si Ms. Crawford ang nandito ngayon kung wala ako dito.

"Bae?" nakangiti kong hinarap si Aiden. I just hope hindi niya mabasa sa ekspresyon ko na binabagabag ako ng nangyari ngayon.

"Hmm?"

"Hindi mo kailangan mag-overthink o mag-isip ng kung ano-ano, okay? I never agreed on that engagement thing. Unang beses pa lang nang malaman kong pinagkasundo kami ay ayoko na." he explained.

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon