"Nalintikan na." napalingon kaming pareho ni Aiden nang magsalita si Craig.
"Corner boss. Dalawang sasakyan sa Harvard street, dalawang sasakyan sa Geronimo street at dalawa rin sa likod natin. Kahit saan tayong kalye dumaan, wala tayong takas." napakagat akong muli sa aking labi.
Kung hindi ko sinundan si Zephyr, hindi kami macocorner. Kasalanan ko ito.
"Inform, Ferrante." malamig na saad ni Aiden.
Mayroong pinindot si Ives sa may radyo at ilang sandali pa ay narinig mula dito ang boses ni Elli. "Bakit?"
"May nakasunod. May bantay sa magkabilang street." malamig na saad ni Ives.
"Holy shit." malutong na mura ni Elli. Dinig ko pa sa kabilang linya ang paghampas niya sa manibela.
"Nagsend na ako ng alarm sa iba." saad ni Craig.
"Tell them to move fast." tila kalmado lang si Aiden ngunit galit ang mga mata nito at mahigpit ang hawak sa baril.
Hindi ko naiintindihan ang kilos nila. Wala akong ideya sa plano nila at wala akong alam sa kung anong alarm ang binanggit ni Craig. At sino yung iba na sinasabi nila?
Ilang sandali pa ay natatanaw ko na ang dalawang kalye. Ito na siguro ang Harvard at Geronimo street na sinasabi nila. Nilingon ko si Aiden na ngayon ay nagdadagdag ng bala sa kaniyang baril. Ewan ko ba kung bakit ang hot niya sa paningin ko. Sa kabila ng peligro ay nagawa pa talaga ng mga paro-paro sa tiyan ko na magwala.
"Ready na sila boss." may bakas ng tuwa sa boses ni Craig.
"Let's get it on!" seryoso at nakangising saad naman ni Ives.
So anong mangyayari? May karera ba? Anong gagawin ko? Hindi ba nila sasabihin sa akin ang plano? Makikipag-cooperate naman ako.
"Sa Harvard tayo, Ives." halos matumba ang sasakyan nang biglang iliko ito ni Ives sa Harvard street. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kaba.
"In 10 minutes." muling saad ni Craig.
Ang lalaking katabi ko ay mas humigpit ang hawak sa kaniyang baril ngunit chill lang siya. Parang hindi niya rin naririnig si Craig. Ilang sandali pa ay pumikit siya na tila inaantok.
Nalulungkot ako at naguguilty. Dahil sa akin ay kailangan nila kaharapin ito. Hindi ko na sana sinundan pa si Zephyr. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito sila kumilos at magplano. Tila ba gamay na nila ang kilos ng tauhan ni Chase. Isa pang katanungan sa isip ko kung bakit ba parang magka-away si Aiden at Chase?
Ilang sanadali pa ay natutop ko ang aking bibig nang makita ko ang halos nasa benteng armadong lalaki ang nakaharang sa daan. Lahat sila ay naka-itim at nakatutok ang mga baril sa amin. Napabalikwas ako nang magbukas ang pinto sa tabi ni Aiden.
Lalabas siya?! Kaya niya bang labanan ang mga 'yan? Baka wala pang isang minuto ay bumulagta na siya.
"Aiden..." pagpigil ko. Kunot noo niya akong tinignan nag mapahinto siya.
"Stay here, Alodia. Don't worry about me." tila isang pangungumbinsi ang binanggit niya kaya't napatango na lamang ako. Hindi ko magawang hindi mag-alala.
Sumunod na rin sa pagbaba si Craig at Ives, mula sa likuran ay lumitaw na rin si Elli. Nakita kong nagsalita si Aiden ngunit hindi ko ito marinig. Apat lang sila pero ang kalaban nila ay sobra pasa tripleng bilang nila.
Maya-maya lang ay may tatlong itim na sasakyan ang dumating. Maraming armadong lalaki ang bumaba dito at walang pagdadalawang isip na pinagbabaril ang mga armadong lalaki na naka-abang sa amin. Tila isang cue ang pagdating nila dahil nagsimula na rin magpaputok ng baril ang apat. Para akong nanonood ng live na gera. Hindi ko maalis sa aking tingin si Aiden. Bawat kilos niya ay mabilis at mahirap hulaan. Parang sanay na sanay siyang gawin ang ganitong labanan.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...