Chapter 27

2 0 0
                                    

I ended up sleeping with Aiden in one hotel room. Sa couch siya matutulog para komportable ako. Baka raw kasi ay hindi ako makatulog ng maayos kapag katabi ko siya. Baka yakapin ko nanaman daw siya.Ang kapal diba?

Nag-almusal lang kami ni Aiden kasama ang three idiots sa hotel restaurant at bumalik na ulit kami sa hotel room upang makapag-ayos ng aming sarili. May iilang make up artists and stylists ang bumisita sa kwarto namin ni Aiden. Pinasadya niya raw ang mga iyon para ayusan ako.

Habang inaayusan ako ay busy rin si Aiden sa pag-aayos ng kaniyang sarili. Hindi ko maiwasang sulyapan siya. Ang gwapo kasi. Napakalinis tignan ng kaniyang buhok na nakabrush up, amoy na amoy kong muli ang matapang niyang pabango. Nakakaadik ito.

Panay ang paroon at parito ni Aiden sa salamin. Hindi siya mapakali at panay ang ayos niya sa kaniyang buhok. Tila nanlambot ang buong katawan ko nang sumulyap siya sa akin habang nagsusuot ng kaniyang relo. Lumandas ang ngiti sa kaniyang labi.

"Gwapo na ba?" he mouthed na parang nahihiya siyang marinig ng makeup artist ang kaniyang tanong.

Hindi ko maiwasang mapangiti at mapabahikhik. Nagtaas kilay ako upang bigyan siya ng sagot. His smile widen and looked away as if nahihiya siya sa naging sagot ko.

Nang natapos akong ayusan ay hindi ako makapaniwala nag makita ko ang sarili sa salamin. Parang hindi ako ito, sobrang ganda ng nakikita kong repleksyon sa salamin. Napaka-elegante kong tignan. Kitang kita ang hubog ng aking katawan sa dress na suot ko, mas tumingkad din ang pagkaputi ko dahil sa kulay nito.

"Perfect, Ms.Carabelle.You are such a wonderful lady!" papuri ng make up artist ko.

"Thanks to you, Kiara." saad ko. I wouldn't be this pretty kung hindi dahil sa kaniya.

Nilapitan ako ni Aiden nang makaalis ang mga nag-ayos sa akin. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at pinasadahan ng tingin ang buong itsura ko. Napatungo ako dahil sa hiya, naconcious tuloy ako bigla na baka pangit ako sa paningin ni Aiden. Baka hindi bagay ang damit sa akin.

"You're stunning, bae." he sweetly said.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Nakagat ko ang labi ko sa kaba. Ang lakas ng tibok ng puso ko at natatakot akong baka marinig iyon ni Aiden. Hindi ko siya magawang tignan dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Hold your head up high, bae. Ang ganda ganda mo kaya." kung kanina ay labis lang ang kaba ko, ngayon ay tila nakalimutan kong huminga.

Sumosobra na sa pag-compliment si Aiden ha. Baka naman tuluyan na akong mahulog sa kaniya niyan.

"Dami mo namang sinasabi, tara na." irap ko saka naunang naglakad. Narinig ko ang pagtawa niya at ilang sandali pa ay sumunod na rin siya sa akin.

Paglabas ko ng room ay saktong lumabas din ang three idiots. Nagulat sila nang makita ako. Pinaulanan nila ako ng papuri. Hindi raw sila makapaniwalang may mas igaganda pa ako.

Hindi namin kasabay ang three idiots sa pagbyahe.May sarili silang sasakyan at ganoon din kami ni Aiden. Inalalayan ako ni Aiden na makasakay ng kotse niya. Minsan ay ginagawa niya naman ito kaya hindi na bago sa akin. Hindi ko lang maiwasan ang pagkalabog ng dibdib ko dahil may mas igagwapo pa pala ang isang Aiden Blake.

Wala akong mahanap na eksaktong salita para madescribe kung gaano siya kagwapo ngayon. Basta napakagwapo!

Pagdating namin sa venue ay maraming bumati kay Aiden.  Mag-uumpisa pa lamang ang kasal at isang garden wedding ito. Nanatili lang ako sa likod ni Aiden habang nakikipagkamayan siya sa kung sino-sinong foreigner na mukhang mga bilyonaryo.

"And this is Alodia Carabelle..." lumingon siya sa akin. His right arm scooped my waist kaya't napaabante ako papunta sa kaniyang tabi. "My girlfriend."

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon