Kinabukasan ay naging maganda ang gising ko. Sa katunayan ay ako ang unang nagising maliban kay Manang Cha na ngayon ay naghahanda ng agahan. Patalon talon akong nagpunta sa kusina.
"Ay palakang buntis!" gulat na saad ni Manang Cha nang bigla akong sumulpot sa tabi niya. "Jusko naman, ma'am Alodia, papatayin mo ako sa gulat."
"Sorry manang" nag-peace sign ako na bahagya niyang ikinatawa.
Tinulungan ko siya maghanda ng almusal. Marunong naman ako mag-luto kaya lang ay hindi kasing galing nito ni manang Cha na kayang magluto ng marami. Akala mo naman fiesta.
Ilang sandali pa ay bumaba na rin ang amo kong pupungas pungas at magulo pa ang buhok. Halatang kakabangon lang. Hindi ko naman maiwasan na tignan siya dahil ang amo ng kaniyang mukha kapag bagong gising. Mas gwapo siya kapag bagong gising.
"What's that manang?" parang bata niyang tanong kay manang Cha habang naghahanda ang katulong ng pagkain sa hapag. Cute.
"Honeymoon eggs po, sir." sabay lapag nito sa hapag ng isang malaking plato na puro honeymoon eggs.
Tumango-tango lang na parang bata si Mr. Rowland. Kukuha na sana siya ng pagkain niya ngunit bigla siyang napahinto at tumingin sa akin.
"What?" paos niyang tanong at ang husky pa ng kaniyang boses.
"Hmm. Thank you." nakangiti akong umupo sa gilid niya. Nasa gitna siyang upuan kaya doon ako naupo sa kanan niya.
"For what?" taas kilay niyang tanong at sandali akong sinulyapan. Unti-unti nanamang gumuguhit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi.
"For letting me visit Mace and Lea." masigla kong sagot na parang bata. Sobrang saya ko lang dahil napagbigyan ako.
He chuckled. Again. For the second time, he chuckled!
"Welcome." masaya niyang saad na parang pinapantayan ang energy ko.
Sa totoo lang, nasasanay na ako. Nasasanay na ako sa bahay na ito, sa mga kasama ko. Kay Craig, Elli, Ives at Mr. Rowland. Ayokong ma-attach pero iyon ang malaking issue ko dahil mabilis akong masanay sa isang tao. Gustuhin ko man na manatiling malamig ang pakikitungo sa kanila at mag-mistulang walang pakiramdam ay hindi ko magawa. Hindi ko na lang namamalayan na naipapakita ko na ang tunay na ako, ang mga nararamdaman ko.
Sinubukan ko naman maging bato pero ewan ko, bukod kay Lea, dito ko rin naramdaman ang aruga na hinahanap ko.
Nagsimula akong kumuha ng pagkain at sakto naman na dumating ang tatlo. Masaya silang naupo sa kaliwang bahagi ni Mr. Rowland at parang mga sugapa kung maglagay ng pagkain sa kanilang plato.
Inilapag ni Manang cha sa tapat ko ang isang baso ng orange juice na nirequest ko kanina.
"Thank you, manang Cha!"
"Thank you, Alodia!" sambit ni Ives sabay hawak sa baso ng orang juice ko. Bago pa niya mahila ay agad kong nahawakan rin ang baso.
"Uy hingi ka na lang kay manang, akin 'to Ives." kunin na niya lahat, huwag lang ang orange juice ko.
"Titikim lang ako eh" nakanguso niyang saad na akala mo naman ay madadaan ako sa pagpapacute niya.
"Kaya nga, titikim ka lang naman pala edi humingi ka na lang kay manang." kunot noo kong sambit.
Hindi naman ako nagdadamot, sadyang paborito ko lang ang orange juice tuwing umaga kasabay ng almusal.
"Let go of that glass, Juarez or I'll shot your damn head now." natahimik ako nang marinig ang pagbabanta ni Mr. Rowland kay Ives. Unti-unti naman na lumuwag ang pagkakahawag ni Ives sa baso ng orange juice ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...