Ilang oras na ang lumipas at lulubog na ang araw. Tila hinahabol ng kung sino ang puso ko dahil da bilis ng tibok nito. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung tutuloy ba ako ngayong gabi.
Tama naman si Mace eh, maaaring alam ko nga kung nasaan si Zepyhr, ang mga simpleng impormasyon niya pero hindi ko alam kung papaano siya kumilos at mag-isip. Bago ko tuluyang matapos ang plano kong burahin sa mundo ang walang pusong pumatay kay daddy, kailangan ko muna magmanman at aralin ang kilos niya. Kailangan kong alamin ang kahinaan niya.
Muli akong nag-tipa sa aking cellphone, tinignan ko mabuti ang litrato ni Zephyr mula sa papel na nakita ko sa opisina. Binasa ko ng paulit-ulit ang mga impormasyon niya. Doon ko napagtantong siya ang kanang kamay ni Chase Stefano, isa rin siyang hitman at miyembro ng isang mafia organization.
Si Chase Stefano, narinig ko na ang pangalang iyon kay Aiden pero sinabi niyang hindi ko na dapat pa siyang kilalanin, pero sino nga ba talaga siya?
At teka, miyembro ng isang mafia organization si Zephyr? Totoo ba ang mga ganoong grupo? Ang buong akala ko'y sa palabas at libro lamang nag-eexist ang mga ganon. Hindi ko lubos akalaing totoo pala. Ibig sabihin ay masamang tao talaga si Zephyr. Kung hindi ako nagkakamali, ang mafia ay kayang kaya pumatay ng mga inosenteng tao, sila rin ang nagpapalaganap ng mga illegal ma transaksyon sa loob at labas ng bansa.
Vendetta Organization
Iyon ang pangalan ng mafia organization na kinabibilangan ni Zephyr. Kabilang sa mga impormasyong ito ang mga taong nakasalamuha niya simula 2014 hanggang sa kasalukuyang taon. Mayroon din ditong listahan ng mga lugar na pinaglalagian ni Zephyr, mga taong napatay niya.
Fabio Carabelle
Tila isang malakas na pagsabog ang naramdaman ko sa aking puso nang mabasa ang pangalan ni Daddy sa listahan ng mga napatay ni Zephyr. Napapikit ako at hindi maiwasang maluha.
I'm so sorry, daddy. I'm sorry I wasn't there to save you.
Paglubog ng araw ay nanghiram ako ng kotse ni Mace. Pinuntahan ko ang address ni Zephyr. Hindi ako nakapasok sa village dahil pribado ito kaya't pumarada na lamang ako dito sa labas at nag-abang.
Sa totoo lang ay labis labis ang kaba ko ngayon, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagmamanman ko. Hindi ako sigurado kung may mapapala ba ako sa ginagawa kong ito, basta't isa lang ang alam ko, kailangan ko itong gawin.
Mahigit trenta minutos na ang nakakalipas ngunit wala pa rin akong napapansing kakaiba. Kinuha ko muna ang telepono ko at nagbukas ng social media. Laking gulat ko nang ilang message ang natanggap ko sa instagram mula kay Aiden.
ABRowland: You left your gun.
Isang litrato ang sinend niya. Ito yung baril na binigay sa akin ni Mace.
ABRowland: How are you going to kill Zephyr if you don't have any gun?
ABRowland: Aren't you replying?
ABRowland: If you feel like coming back, my house is open. Just text me or inform the three idiots.
ABRowland: Someone misses you already.
Napangiti ako sa huling mensaheng pinadala niya. May nakakamiss pa rin ba sa akin bukod kay Lea?
Hindi ako nag-abalang magreply sa kaniya. Binalik ko na sa aking bulsa ang phone ko at tinignan ang madilim na kalsada. Ilang sandali pa ay may itim na sasakyan ang lumabas mula sa village, hindi ganoon ka-tinted ang salamin nito kaya't nakita ko kung sino ang nagmamaneho.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto kong si Zephyr ang sakay ng itim na sasakyan. Tinandaan ko ang plaka nito. Agad kong pinaandar ang makina at sinundan ang sasakyan ni Zephyr.Hindi ako masyadong nagpahalata na sinusundan ko siya dahil malilintikan ako kapag nalaman niya ito. Isang mafia si Zephyr, hindi ko alam kung anong pwede kong abutin sa mga kamay niya.

BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...