Muli kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang picture ng papel na may impormasyon ni Zephyr. Hindi ako nagkakamali, si Zephyr Yule ang nasa likod ni Lea. Sigurado akong kilala ako ni Zephyr at nararamdaman kong nakamasid at nakasunod siya sa amin.
Nanguyom ang kamao ko at galit na tinignan ang litrato ng taong pumatay kay daddy. Ngayong alam ko na kung saan ko siya hahanapin, sisiguraduhin kong bilang na lang ang bawat paghinga niya sa mundong 'to. Wala akong pake kung sa mismong kamay ko pa siya malagutan mg hininga, it's good anyway. Pinatay niya ang daddy, papatayin ko din siya. I'm not scared to get my hands dirty kung para sa tatay ko naman ito.
Agad kong tinext ang numero ni Mace. Hindi man ako sigurado na ito pa rin ang number niya ay nagtext pa rin ako. Sinend ko sa kaniya ang litrato ng papel na puro impormasyon tungkol kay Zepyhr.
Ilang sandali pa ay umawang ang tuwa sa puso ko nang mag-reply si Mace.
From Mace: Saan mo nakuha iyan Alodia? Siya nga si Zephyr, ang pumatay kay Fabio. Pero huwag ka magpadalos dalos ija, kung ano man ang plano mo, hintayin mo ang tamang panahon.
Pero hindi na ako makapaghintay pa, Mace. Gusto ko na bawasan ang sakit at pagdurugo sa puso ko, iyon ay kung mabubura din sa mundong ito ang taong kumitil sa buhay ng daddy ko.
From Mace: Alam ba ni Ace ito Alodia?
To Mace: Hindi na mahalaga 'yon Mace. Ang importante ay alam ko kung saan ko siya matatagpuan. Papatayin ko siya Mace. Papatayin ko siya.
Kasabay ng pagliyab ng galit sa sistema ko ang paglandas ng mainit na likido mula sa aking mata. Tila may kalabit ng saya sa puso ko dahil nakahanap ako ng impormasyon tungkol kay Zephyr ngunit mas nangingibabaw ang pagiging desidido kong maghiganti. Hindi ako papayag na mabubuhay si Zepyhr ng matagal sa mundo, hindi niya deserve iyon.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at pinalis ang aking mga luha. Isa isa kong binuksan ang drawer cabinet na nakikita ko dito sa sala. May baril si Aiden at alam kong kahit saan sa bahay na 'to ay mahahanap ko iyon.
Hindi ako nabigo nang makakita ako ng isang pistol sa drawer na nasa tabi ng couch. Puno ng galit ko itong tinignan. Hindi ko mapigilan ang puso kong umaapaw sa galit at sakit. Agad kong kinuha ang baril at galit na naglakad tungo sa main door.
"Holy fuck! Alodia Beatriz!" isang sigaw ang narinig ko mula sa aking likuran. Hindi niya ako pwedeng pigilan.
Walang ibang tamang panahon maghiganti kundi ngayong gabi.Hinarap ko si Aiden at tinutok ang baril sa kaniya. "Subukan mong lumapit o pigilan ako, ipuputok ko 'to." hindi ko mawari sa sarili na kaya kong tutukan ng baril si Aiden.
Nakita ko ang panginginig ng kamay ko. Nagbagsakan nanaman ang mga luha na akala ko'y ubos na. Marahang inangat ni Aiden sa ere ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko.
"Alodia, put the gun down." mahinahon niyang utos. Umiling lamang ako. Hindi ako mapipigilan ng kahit na sino ngayon. Kailangan kong puntahan at tapusin si Zephyr.
"Please, put the gun down Alodia. Let's talk." marahan siyang humakbang ng isang beses kaya't mas hinigpitan ko ang paghawak sa baril.
Alam ko sa sarili kong hindi ko kayang paputukan ng bala si Aiden. Patuloy lamang sa pag-agos ng mga luha ko sa katotohanang hindi ko kilala ang sarili ko ngayon. Hindi ako ito, hindi ako ganito. Mahina ako at takot sa lahat pero ngayon, ibang iba ako, kailangan kong magbago para maibawi ko si daddy. Para sa kaniya lahat ng 'to.
"I'm going to kill Zepyhr, Aiden. It's now or never!" humihikbi kong saad.
"Put the gun down, Alodia. I understand you, but please ibaba mo muna yung baril. I'll help you with your plan." Ayokong maniwala. Hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinasabi ni Aiden.
![](https://img.wattpad.com/cover/373096629-288-k206528.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...