It's been 2 days nang madala si Aiden sa private room ng hospital ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay. Paulit-ulit kong tinatanong si Fonzo kung kailan ba gigising ang kumag na 'to dahil sa bawat oras na lumilipas at hindi pa siya nagigising ay katumbas ang mabigat na takot na nabubuo sa puso ko.
Wala akong ginawa buong araw kundi ang hintaying magising si Aiden. Nandito lang ako sa gilid niya at pinagmamasdan siya, naghihintay na idilat niya ang kaniyang mga mata.
"Kumain ka na, Alodia." napalingon ako kay Ives na may dalang tray ng pagkain.
"Wala akong gana, Ives." mapait kong ngiti sa kaniya.
"Kain ka na. Magagalit si boss Ace kapag nalaman niyang hindi ka kumakain." pangungumbinsi naman ni Elli.
"Alodia you have to eat. Sa'yo kumukuha ng lakas si boss, source of power ka raw niyan eh." hindi ko alam kung nagbibiro lang si Craig dahil nagtawanan silang tatlo pero ang boses niya ay tila nagsasabi ng totoo. Nakitawa na lang rin ako.
"Tsaka maligo ka na rin. Amoy digmaan ka na." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Ives. Talaga ba? Inamoy ko ang sarili at mukhang hindi naman ako mabaho.
"Hindi naman eh." saad ko.
"Siempre sarili mo 'yan eh. Dali na, kain ka na muna tapos sasamahan kita umuwi para makaligo ka." ani Elli.
Kahit wala akong amoy sa tingin ko ay kailangan ko na rin talaga maligo. Pero ayokong mawala sa paningin ko si Aiden, ayokong malayo ako sa kaniya. Gusto ko kapag gumising siya ay nandito ako para masiguro ko kung ayos siya.
"Pwede bang kuhaan niyo na lang ako ng gamit?" nahihiya kong tanong sa tatlo. Halos mangamatis pa ang mukha ko dahil sa hiya.
Wala naman naging angal ang tatlo at malugod nilang tinanggap ang paki-usap ko. Kumain na rin ako dahil hindi daw nila gagawin ang gusto ko kung hindi ako kakain. Bilang uto-uto, kumain ako kahit wala akong gana, parang nahihirapan akong lunukin ang pagkain.
Habang naghihintay sa three idiots ay pinunasan ko na rin si Aiden. Ilang araw na din siyang hindi naliligo kagaya ko pero kahit walang ligo ang isang 'to parang fresh na fresh pa rin ang dating.
Hindi ko nanaman maiwasang maaliw sa mahahaba niyang pilikmata kaya't lumapit ako sa kaniyang mukha at tinitigan ito. Ang mga labi niyang namumutla noong una ay nagbalik na sa pagkakulay rosas. Napakagwapo talaga ng lalaking ito, hindi na ako magtataka kung bakit halos ipulupot na ni Ms. Crawford ang sarili niya kay Aiden. Kahit sino ay magkakagusto kay Aiden, itsura pa lang jackpot na.
Ilang sandali ko pang tinitigan ang mala-anghel na mukha ni Aiden nang biglang may kumatok sa pinto. Ang bilis naman ng three idiots makabalik. May turbo ba sila sa pwet?
"Alodia." nagulat ako nang tumambad sa akin si Mace nang buksan ko ang pinto. Nakaupo siya sa wheelchair at base sa suot niyang damit ay mukhang naka-confine din siya dito sa hospital na ito. Sa likod niya ay si Thyron.
"Mace, anong nangyari sa iyo?" jusko! Talagang sabay pa sila ni Aiden na hospital.
"Pwede ba kami pumasok?" ngiwing tanong ni Thyron na tila nahihiya pa.
Mabilis akong tumango at binuksan ng malawak ang pinto upang bigyan sila ng daan para makapasok. Agad na lumapit si Thyron kay Aiden na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Pinasadahan ko namanng tingin si Mace na animo'y nalumpo na.
"Kumusta ka, Alodia? Pasensya na kung wala akong balitang makalap tungkol kay Zephyr at Damon." panimula ng matandang halos mamaos ang boses.
"Ikaw ang kumusta Mace? Si Damon, may alam na ako tungkol sa kaniya pero kailangan ko pang mas kilalanin siya." Alam kaya ni Mace na si Damon ay si Chase Stefano?
![](https://img.wattpad.com/cover/373096629-288-k206528.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomansaNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...