Chapter 22

4 0 0
                                    

AIDEN'S POV

I made sure everything is ready. Hindi kami pwedeng pumalpak dito. This plan might be one of the reasons for Chase to give up. Malaki ang mawawala sa kaniya kapag nagtagumpay kami sa plano.

Chase is about to do illegal transactions again, behind the Ximenes company. Doon nila laging ginagawa ang mga illegal transactions nila. One of my men introduced himself as a drug dealer. He was once a drug dealer pero nang makasama siya sa organization namin, he stopped. My men disguised as someone else, gumawa rin kami ng mga pekeng papers and fake proof of his previous transactions para mas kapani-paniwala.

At exactly 11PM, idedeliver na kay Chase ang kilo-kilong droga. It cost 100billion pesos. Each one of us have different targets but we have one goal, it is to make this transaction unsuccessful and pull Chase down to his fucking grave with Zephyr.

Ang goal ko ay mapuruhan si Zephyr, siya muna ang uunahin ko bago ang amo niya. Kailangan ko munang tanggalan ng galamay ang isang insekto bago ito tuluyang burahin sa mundo. Kapag wala na siyang galamay, mahihirapan na siya kumilos.

"Hihintayin na lang natin dumaan sasakyan nila Bryce bago tayo sumugod." Juarez said while checking kung paparating na ba sina Bryce. Si Bryce ang tauhan kong maghahatid ng droga kay Chase.

"Did you plant the bombs well, Easton?" may tiwala naman ako sa mga kaibigan ko pero naninigurado lang ako para maiwasan ang aberya.

We need to do this as fast as we could. Kailangan naming magawa ito ng malinis, nang wala akong galos o tama ng baril. Alodia's waiting for me, hindi niya ako pwedeng makita na duguan. Though, sasabihin ko naman sa kaniya ang lahat ng tinatago ko but I don't want her to be scared.

30minutes had passed. Nandito pa rin kami sa area kung saan namin hinihintay ang pagdaan nina Bryce. Naiinip na ako. What's taking him too long?

"On our way, we took shortcuts. Nakasunod mga tao ni Chase sa amin, delikado na makita nila kayo." after a while, I finally heard Bryce's voice in my earpiece.

"Copy, Bryce. Update kapag nakapasok na kayo. I'm tracking you rin naman." ani Easton.

After 10minutes, Bryce gave us a cue at saka pinaandar ni Juarez ang sasakyan. Walang kaba sa puso ko, I have been doing this since I was 20, and now I'm 26, hindi na ito bago sa akin. The only thing that makes my heart race is Alodia herself, and her being in real bad situation.

Naging pulido ang pagpasok namin. Nagbigay ng cue ulit si Bryce telling us na nasa 5fth floor sila ng white abandoned building. We have to move quietly at siguraduhin na hindi kami makikita dahil may bantay daw sa katapat na abandonadong building. This is damn challenging.

May mga cctv cameras din around the area but gladly, Easton hacked every surveilance camera para hindi kami makita. The only problem is the lights sa mga hagdan, kitang kita kami kapag umakyat kami dito.We have to find another way.

"I'll distract them tapos sugod na kayo." Ferrante said. Just like what I've said, I trust my men. Walang palpak sa mga trabaho nila kaya tumango ako kay Ferrante.

"In 30 seconds, umakyat na kayo. Magbibigay ako ng cue if you need to stop." muli niyang saad and immediately ran away to nowhere. Ilang sandali pa ay ilang putok ng baril ang narinig namin. I bet those bullets are for Ferrante, I am sure na nakita na nila ang tauhan ko.

Habang may putukan ay mabilis kaming umakyat ng hagdan.Nang makarating sa ikaapat na palapag ay biglang nagbigay ng babala si Ferrante to make a stop, so we did.We then found out na may bababa from the 5th floor, nagtago agad kami somewhere in the 4th floor na hindi kami makikita at kung saan madilim.

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon