Nang makauwi kami sa bahay ni Aiden ay hindi pa rin nagsisink-in sa akin ang lahat. Hindi ko lubos na mapaniwalaang isang mafia boss si Aiden at minsan ding mafia ang aking ama. Paanong hindi ko man lang nalaman iyon noong nabubuhay pa si daddy?
Tulala lamang ako sa kisame habang nakahiga at patuloy na binabalikan ang pagbanggit ni Aiden ng mga katotohanan. Ang akala ko ay matatapos na ang katanungan sa isipan ko pero tila mas nadagdagan lamang. Walang katapusang bakit at paano. Hindi ko alam kung mabibigyan pa ba ng kasagutan ang panibagong mga tanong na nabubuo sa isipan ko.
Kinabukasan ay back to work. Tila humupa na ang chismisan ng ibang empleyado patungkol sa amin ni Aiden. Nabawasan na ang mga matang panay ang paninitig at mga tingin na nanghuhusga sa akin.
"Hera, samahan mo si Alodia humanap ng susuotin for Thyron's wedding day." paglapit ni Aiden kay Ms. Antonio nang makita niya kaming nag-uusap sa front desk.
"Copy, Mr. Rowland!" sumaludo si Hera at tinaasan lang siya ng kilay ng aming amo sabay talikod nito sa amin.
I can't deny na ang cool, ang astig, at mas gwapo si Aiden kapag nasa trabaho siya. He's cold at tila wala sa vocabulary niya ang emosyon. Tahimik siya at ibang-iba sa Aiden na nakikita at nakakasama ko sa loob ng kaniyang bahay.
"Sasamahan mo pa ako sa bahay humanap ng susuotin? Kaya ko na po iyon Ms. Antonio." kumindat ako sa kaniya at natawa naman siya. Hindi niya pwede malaman na kay Aiden ako nakatira noh.
"You're funny, Ms. Carabelle. What he mean is hahanap ka sa mall ng bagong damit at bibilhin ang mapipili mo." paliwanag niya.
"Gagastos pa ako?! Marami naman akong damit eh." pag-nguso ko. Hindi ko pa nga nagagamit ang ilang mga bago kong damit tapos bibili nanaman? Aksaya sa pera.
"Ms. Carabelle, it's okay. Hindi mo naman pera ang gagamitin." ibig sabihin sa kaniya? Nakakahiya naman kay Ms. Antonio kung ililibre niya ako ng damit. Sino ba ako para pag gastusan niya?
"Hindi na po—" hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko ay nagsalita na ulit si Ms. Antonio.
"Hep! Hep! Hep! Huwag ka na umangal, baka magalit ang Mr. Rowland." ngumiti siya ng nakakaloko sa akin bago tumalikod. Tila may laman at may pang-aasar sa kaniyang mga ngiti.
Hindi na ako nakapag-react pa. Nang matapos ang trabaho ay agad akong nilapitan ni Ms. Antonio. Didiretso daw kami ng mall para bumili ng isusuot ko sa kasal ng kaibigan ni Aiden. Inaya ko si Lea para naman hindi ganoon ka-awkward ang vibe.
Si Ives nanaman ang nag-drive para ihatid kami sa mall.
"Hi, Hera!" pagbati ni Ives kay Ms. Antonio. Nagtaka ako dahil sobrang close siguro talaga nila ni Ms.Antonio at ganyan siya bumati.
"Shut up, Ives." iritableng sambit ni Ms. Antonio pagkasakay sa kotse.
Ilang sandali pa ay sumakay na din si Lea katabi ko sa backseat. "Uy may kasama pala kayong bibe?" napahinto ang kaibigan ko at napalingon kay Ives.
"Di mo naman sinabi Alodia na may hito pala dito." napairap sa hangin si Lea.
"Saan tayo?" tanong ni Ives nang paandarin niya ang makina.
"To Ezra's botique." tipid na saad ni Ms. Antonio.
"Speaking of Ezra, kumusta na kaya siya?" si Ives.
"I don't know. Kanina ko lang siya nakausap. Bakit di mo itanong kay Jonah, diba nililigawan mo siya?" natatawang sambit ni Ms. Antonio.
Tahimik lang kami ni Lea dito sa backseat habang pinakikinggan ang usapan ng dalawa sa harap.
![](https://img.wattpad.com/cover/373096629-288-k206528.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...