Pagkahatid sa akin nina Ives at Elli sa kwarto ay bumagsak agad ako sa higaan. Nakakain at nakainom na ako ng gamot kaya sana naman bukas, maging maayos na kahit papaano ang pakiramdam ko.
Pagkalabas nung dalawa ay siyang pagpasok naman ni Mr. Rowland sa aking kwarto kaya't mabilis kong pinikit ang aking mga mata bago pa magtama ang mga tingin namin. Naramdaman ko ang paglubog ng kutson sa gilid ko kaya't alam kong nasa tabi ko siya. I heard him chuckled and felt his soft hand slightly pinched my small nose.
"Stop pretending, bae." saad nito na nagbigay nanaman ng energy sa mga alaga kosa tiyan. Napapadalas talaga ang ganoong pakiramdam ko kapag malapit siya.
Dahil ma-pride ako, pinanindigan ko ang pagtutulog-tulugan. Ayoko rin mapahiya noh.
"Okay fine, if you want to play asleep, go." muling saad niya habang mahinang tumatawa. Baliw ba siya? May nakakatawa ba kung natutulog ako ngayon? "Sleeptight, bae."
Bae? Bakit bae? Alam ko bea ang tawag sa akin ng ibang tao dahil sa pangalan kong Beatriz. Akala niya siguro Baetriz ang pangalan ko. Haha, boklogs din pala si Mr. Rowland minsan.
Kinaumagahan ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Papasok na ako ngayon dahil kaya ko naman na, hindi na kagaya kahapon na sobrang lupaypay at bagsak ang energy ko. May lagnat pa rin naman ako ngayon pero kaya ko na kumilos.
Pagbaba ko ay nakahanda na agad ang agahan. Ako pa lang at si manang Cha ang gising, pasikat pa lang din ang araw at sigurado akong tulog pa si Mr. Rowland. Eh ang three idiots kaya, nasaan?
"Hello Philippines! Hello Word! Maayong buntag sa inyong tanan, this is Ives Juarez ang macho guapito ng Antipolo!" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw si Ives.
"Punyemas kang bata ka, ako'y paglalamayan dahil sa iyo."
Pati si manang Cha ay nagulat kaya't nakurot siya nito sa tagiliran."Aray, manang! Aray!" natawa nalang ako dahil sa pag-ngiwi ni Ives dahil sa sakit.
"Goodmorning" sabay na bati ni Elli at Craig. Sabay kaming tatlo na naupo sa hapag habang si Ives naman ay nakatayo sa may gilid ni Elli at iniinda ang sakit ng kurot ni manang Cha.
May dalawang putahe pang inilapag si manang Cha bago kami magsimula sa paglalagay ng pagkain sa mga plato namin. Bago pa man makasubo ang lahat ay siyang paglitaw ng aming amo. Bihis na ito at mukhang may lakad. Naka-ayos ang buhok niya at kumikintab pa dahil sa gel. Humahalimuyak din ang ang amoy niyang matapang.
Sandali nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Tila bumagal ang paligid nang naglakad siya papalapit sa akin habang inaayos ang kaniyang relo. Bakit sobrang gwapo?
"Wow may date ata ang bossing." Si Ives.
"Saan lakad boss nang masundan ka at masaksihan ang kalandian mo." natatawang pang-aasar naman ni Elli.
"Parang ngayon lang kita nakitang mag-gel bossing ah." dagdag na biro ni Craig.
"Haha mukha pang naligo ng pabango." Elli.
"Sino bang babae 'yang idedate mo boss para mabigyan ko siya n reminder na dragon ang idedate niya at hindi tao?" Si Ives.
"Talk again and you're all dead." pagbabanta ni Mr. Rowland na tila naging musika pa ang boses niya sa pandinig ko. Epekto ba ng sakit ko 'to?
Di ko alintana ang pang-aasar ng tatlo kay Mr. Rowland. Napako lang ang tingin ko sa mala-anghel na lalaking naglalakad ngayon palapit sa amin.
"Oh ang laway tumutulo." natauhan ako nang magsalita si Elli. Doon ko lamang napagtanto na nakanganga pala ako habang tinititigan ang papalapit kong amo.
![](https://img.wattpad.com/cover/373096629-288-k206528.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
Lãng mạnNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...