Chapter 16

5 0 0
                                    

ALODIA'S POV

After 7 months, bumabalik nanaman ang bangungot. I saw him. Nakita ko ang taong isa sa mga rason ng trauma at takot ko, ng sugat sa puso ko, ng mga peklat sa buhay ko na kailanma'y habang buhay nandito sa akin.

Pagkarating sa bahay ni Aiden ay agad ko siyang niyakap. Hindi ko man lubos na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, isa lang ang tanging alam ko. I need Aiden, I need him right now. Siya lang ang kilala kong nakapagparamdam sa akin na ligtas ako. Muling nanlambot ang puso ko kasabay ng panghihina ang aking mga tuhod.

I am safe in his arms, iyon ang sigaw ng puso ko.

"Natatakot ako, Aiden. Natatakot ako." hikbi ko sa kaniyang dibdib.

Natatakot akong balikan ako ng mga taong nagbigay bangungot sa akin. Natatakot ako dahil baka kunin nila ako dito. I was once in a bad dream, a nightmare na hindi ko akalaing matatakasan ko.

"You don't have to be scared, bae." kumawala siya sa yakap ay hinawaka ang magkabilang pisngi ko. Bahagya siyang yumuko upang magtama ang mga mata naming dalawa. His looks were soft. He looks fragile dahil sa mga mata niyang naglalambing.

"As long as I am here, you are safe. You don't have to be scared, bae, okay? Nandito ako." mas nanlambot pa ang puso ko sa mga narinig. Marahang hinaplos ng kaniyang hinlalaki ang pisngi ko upang palisin ang mga luha.

Mapait siyang ngumiti sa akin. "Hush now, you're safe with me." para akong batang tumango at muling napayakap kay Aiden.

Ayokong kumawala sa yakap niya. It gives me warmth, it makes me feel more than safe, pakiramdam ko ay malayo ako sa lahat ng sakit. My heart is at ease.

Hinatid niya ako sa aking kwarto ngunit napatigil ako nang makita ang veranda at ang glass door nito. Paano kung habang tulog ako ay may makapasok? Paano kung makuha ako ng kung sino? Alam kong maraming gwardiya sa labas pero paano kung lahat iyon mapatumba ng taong kukuha sa akin?

"Can you stay here?" diretso kong hinarap si Aiden. Nag-init ang pisngi ko nang makita ko ang pagkagulat sa reaksyon. "Joke huwag na la—"

"Sure!" mabilis siyang pumasok sa kwarto at naupo sa kama ko. "If staying here will put your heart at ease, bae, the I'll stay here kahit kailan mo gusto at kahit gaano katagal."

Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa banyo. Nakita ko ang bintana sa may bathtub. Paano kung habang naliligo ako ay may biglang makapasok?

Napaatras ako sa naisip. Halos mapatalon ako sa gulat nang tumama ang likod ko sa dibdib ni Aiden. "Samahan din ba kita maligo?" ngisi niya.

Naramdaman ko ang pag-init muli ng aking pisngi at bahagyang tinulak palayo ang aking amo. Mabilis akong tumalikod at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Bastos!" padabog kong sinara ang pinto.

Mabilis lang akong naligo dahil sa takot na baka nga may makapasok sa bintana ng bathroom. Paglabas ko ng banyo ay payapang nakahiga sa aking higaan si Aiden habang binabasa ang isa mga libro ko. Napatakbo ako nang mabasa ang title ng librong binabasa niya.

Puro kasi seggs ang karamihang parte ng librong iyon ngunit maganda naman ang plot ng storya, kaya nga binili ko eh.

"Akin 'yan!" akmang aagawin ko na sana ito ngunit parang alam niya ang bawat kilos ko dahil mabilis niyang nailayo ang libro.

"I know. Nanghihiram lang ako." nakangisi niyang saad.

Nakakainis naman ang isang 'to. Hindi dapat siya nangingialam ng kahit anong gamit ko noh. Yes, I want him to stay dahil natatakot ako pero hindi ibig sabihin non ay may karapatan na siyang mangialam sa mga personal kong gamit.

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon