Nawala ako sa mood dahil kay Hannah at Pia na 'yon. Ang dudumi ng mga isip nila. Hindi naman ako malandi at bakit ko naman lalandiin si Mr. Rowland para makuha ang mga gusto ko? Hindi ako magtatrabaho dito kung pineperahan ko naman ang amo ko.
Kahit nawalan ako ng gana ay pinilit ko pa rin maitawid ng maayos ang trabaho ko. Pilit akong ngumingiti sa mga dumadating na guest. Isinantabi ko muna ang inis ko dahil baka masungitan ko pa lahat ng bisita kung paiiralin ko ang pagka-badtrip.
6PM nang makita kong lumabas ng opisina si Mr. Rowland. Hindi ko alam kung saan siya pupunta ngunit kita ko sa madilim niyang mga mata ang galit. Nag-igting pa ang mga panga nito na akala mo'y manunugod ng kalaban.
Nang oras na para umuwi ay wala pa rin si Mr. Rowland. Itetext ko sana siya ngunit naalala kong wala na pala akong phone. Grabe, hindi ko man lang napansin na isang buwan na akong walang telepono. Di bale at uuwi na lang ako mag-isa, marunong naman ako mag-commute.
Pagbaba sa lobby ay naroon si Lea. Tumakbo ako papalapit sa kaniya at inakbayan siya. Halos mapatalon siya sa gulat at bahagya pa akog binatukan.
"Nagiging sadista ka na ah!" biro ko.
"Nang-gugulat ka eh!" irap niya. "Bakit ngayon mo lang ako naisipang sabayan?" umarko ang kaniyang kilay at naghihintay ng sagot.
"Ayaw mo ba? Sige, hindi na lang." akmang tatalikod na ako ngunit mabilis nahawakan ni Lea ang braso ko at hinila papalapit sa kaniya.
"Ang tampuhin ah" natatawang saad ni Lea.
"Sa apartment muna ako uuwi." ngiti ko. Pumalakpak naman sa tuwa si Lea at napayakap pa sa akin.
Wala naman si Mr. Rowland kaya sa apartment na muna ako uuwi. Miss ko na rin ang apartment ko, ang tagal ko nang hindi nakakauwi doon. Nakakaawa ang mga gamit kong hindi napupunasan, baka nilalamon na sila ng alikabok.
Hindi rin naman ako kinakausap ni Mr. Rowland simula kaninang umaga, oh edi bahala siya. Kung ayaw niya ako kausap, hindi ako magpapakita sa kaniya.
Palabas na kami ni Lea ng ABR Corp nang bumuhos ang malakas na ulan. Napangiti ako at tumingala sa madilim na kalangitan. Walang bituin at mabigat ang mga ulap. Hindi ko alam kung bakit gumagaan ang pakiramdan ko sa tuwing umuulan. Pakiramdam ko dinadamayan ako nito maging malungkot.
No choice kami ni Lea kundi lusungin ang ulan. Tumakbo kami papunta sa sakayan ng tricycle. Wala kasing public vehicle ang humihinto sa tapat ng kompanya.
Kahit basang basa na kami ni Lea sa ulan ay patawa tawa lang kami. Para kaming mga bata na pinayagan ng magulang magtampisaw sa ulan. Nakakamiss tuloy maging bata dahil kahit sa maliit na bagay ay nagiging masaya na.
"May kaaway nanaman siguro si manang Josie kaya ganito kalakas ang ulan." bulalas ni Lea nang makasakay kami sa tricycle. Tuwing tinotopak kasi si manang Josie ay kumukulog ng malakas at ilang sandali lang ay uulan na.
Natawa ako dahil sa kalokohan ng kaibigan habang yakap ko ang sarili. Damang dama ko ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa basa kong katawan. Hindi ko mapigilang manginig ng dahil sa lamig, dagdag pa na basang basa ang suot kong damit.
Pagdating namin sa apartment ay nag-aalala kaming sinalubong ni tita Beth. Napakagat labi pa kami ni Lea at nagpigil ng tawa nang naroon din si manang Josie.
Aba't bakit nandito pa siya sa labas? Ang mga gurang ay dapat natutulog na ng ganitong oras.
"Jusko kayong mga bruha kayo, kitang umuulan wala kayong payong?!" galit na saad ni manang Josie.
"Manang Josie, huwag ka na po magalit. Tignan niyo ho kumukulog nanaman." mahinahong saad ni Lea na ikinabahikhik ko.
"Kapag kayo'y nagkasakit, problema iyan!" bulyaw pa ng matanda at winagayway pa sa ere ang walis tambo niyang mas nakalbo pa ngayon.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...