I ran as fast as I can. I need to check kung ayos lang ba si Lea. I texted her pero hindi siya sumasagot. Pakiramdam ko ang bagal bagal ng pag-andar ng elevator kaya't nang makarating ako sa ground floor ay agad akong nagpunta sa reception. Tila nabunutan ako ng tinik nang makitang ayos lang si Lea.
Tumakbo ako papalapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigipit. Hindi ko kakayanin na may mangyaring masama sa kaniya. Mahal ko si Lea na parang isang pamilya, siya ang nakapagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa noong mga panahon na nangangailangan ako ng masasandalan. Siya lang ang naroon, nagtiyaga at sinamahan ako. Kaya sobrang ikadudurog ng puso ko kapag napahamak si Lea.
Hindi ko na napigilang maluha. Dahil sa takot ay napahikbi na lang ako at hindi na napigilan ang pag-iyak.
"Huy ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Lea nang kumalas siya sa pagkakayakap. "Ano nangyari?" dagdag pa niya.
I can't lose her. Siya lang ang nag-iisa kong kaibigan.
"Huwag mo akong titigan lang, Alodia. Ano nangyari sa'yo? Magsabi ka." pag-aalala niya.
Binigyan ko lang siya ng ngiti bago pinalis ang aking mga luha. Umiling naman ako bilang sagot. "Ayos lang ako. Namiss lang kita."
"Namiss? Ang OA mo naman." irap niya. "Ano nga?"
Sasagot na sana ako nang makita kong pumasok si Aiden sa lobby. May kasama siyang babae at si Ms. Crawford iyon. Walang silang komunikasyon, tanging mga sapatos lamang nila ang gumagawa ng ingay ngunit ang kumuha ng atensyon ko ay ang nakayapos na mga kamay ni Ms. Crawford sa braso ni Aiden.
Hindi niya ba kayang maglakad ng siya lang? Kailangan talagang nakayapos pa sa braso ng amo ko? Ano siya baby?
Napangiwi ako nang daanan lang ako ni Aiden at ni hindi man lang lumingon sa akin. Hindi naman siya ganiyan, sa tuwing makikita ko siya ay nakafix na agad ang mga mata niya sa akin. Nagpapakitang gilas ata kay Ms. Crawford.
"Edi wag mo ako lingunin, mabali sana leeg mo." iritable kong bulong nang bahagyang makalagpas sila sa akin.
"Excuse me, bae?" napalingon ako sa aking likuran.
Sandali akong kinabahan dahil baka narinig ni Aiden ang sinabi ko. Humakbang siya papalapit sa akin ng kunot ang noo. Napalunok ako at nilabanan ang nakakalunod niyang mga tingin.
Agad nawala ang kaba ko nang mapagtanto kong pinansin ako ni Aiden. Ewan ko ba at bakit parang uhaw ako sa atensyon niya o hindi lang ako sanay na hindi kami nagkakausap. Tinawag niya pa ako sa pangalang palagi niyang tawag sa akin. BAE.
Talaga ba? Sa harap ng fiancè niya? Ikagagalit ba ni Ms. Crawford kung kikiligin ako?
"Are you saying something?" base sa reaksyon ni Aiden, mukhang narinig niya ang bulong ko.
"Mr. Rowland!" bati ni Lea sa likod ko saka nagbow sa aming amo. "Ah pasensya na po, nag-uusap po kasi kami ni Alodia." saved by the bell!
Nag-arko ang kilay ni Aiden saka muling tumingin sa akin bago siya tuluyang umalis.Napairap naman ako sa hangin nang yumapos muli si Ms. Crawford kay Aiden. I can't deny na maganda siya, sexy, pero para siyang linta kung makadikit sa amo ko.
Sabay na kaming lumabas ni Lea ng kompanya. Muli nanaman kaming sinalubong ni Ives, ngayon ay kasama na niya si Craig. Tila nag-hugis puso naman ang mata ng kaibigan ko at biglang gustong sumama sa akin.
Para masatisfy ang maharot niyang puso ay pinasabay ko na siya sa akin. Sa shotgun seat ako umupo para magkatabi si Lea at Craig sa likod. Natatawa na lang ako dahil panay ang pacute ni Lea. Si Ives naman ay pagka-asim ng mukha na tila naaalibadbaran sa kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...