Habang inilalabas ko ang mga gamit na dadalhin ko ay siyang pagpasok ni Aiden sa aking kwarto dala ang kaniyang damit at maleta. Napakakonti lang ng damit na dadalhin niya, paano naman ang susuotin niya sa araw ng kasal ng kaibigan niya?
Iniwan niya sa gilid ko ang maleta saka dumiretso sa aking kama para ilapag ang mga damit niya. Nag-ikot pa ang paningin niya na tila nagtataka dahil sa dami ng gamit kong nakalabas.
"Are you bringing everything, bae? This is fucking too much for 3 days." bulalas niya. Hindi siya makapaniwala sa nakikita at patuloy na pinagmamasdan ang mga gamit kong nakakalat sa kung saan saan.
"Oo, may problema ka?" taas kilay kong tanong.
"We're not gonna stay there for a month. Bae, ang dami nito. And this..." inangat niya ang isang pouch ng skincare products na dadalhin ko. "Do you really need this?" napangiwi pa siya. Akala niya ba walang kwentang bagay ang skincare products ko?
"Bakit mo ba pinoproblema mga dadalhin ko? Hindi ko naman pinoproblema 'yang kakapiranggot mong gamit." napangiti siya out of disbelief.
"Woman." iiling iling niyang bulong saka nagsimulang buksan ang maleta at balagbag na inilagay doon ang kaniyang gamit. Hindi naman makalat pero kung saan niya trip ilagay, ay doon niya talaga ilalagay.
"Alam mo Aiden, ako na mag-aayos ng lahat. Matulog ka na lang." iritable kong saad. Inilabas ko ang mga damit niyang nasa maleta na.
"Why are you removing my things?" takhang tanong niya.
"Ako na ang mag-aayos. Umalis ka na dito baka isilid pa kita sa maleta." narinig ko ang bahagya niyang pagtawa kaya't sinamaan ko siya ng tingin.
Aba naman at talagang nagawa niya pang tumawa? Kahit malaking tao siya kayang kaya ko siya itupi sa walo at isiksik sa maleta na 'to kapag nag-init ang dugo ko sa kaniya.
"Cute." bulong niya.
Hindi ako sigurado na sa narinig ko kaya hindi ko na siya pinansin pa. Hinayaan ko siyang lumabas ng kwarto ko at inayos ang mga gamit naming dalawa. Natigilan ako nang makita ko ang baril niyang nakapatong sa tuxedo niya. Maganda ito at mukhang bago pa. May gintong linya pa sa may nguso nito. Ilalagay ko pa ba sa maleta ito? Pwede ba 'to sa airport? Baka mahuli kami.
Nag-kibit balikat na lang ako. Marahan kong hinawakan ang kaniyang baril at sandali itong pinasadahan ng tingin. Medyo mabigat ito kumpara sa baril na binigay sa akin ni Mace.
Sinubukan kong iangat ang braso ko at tumikas na parang babaril. Humarap ako sa salamin at tinignan ang sarili. I look cool. Kung namulat lang ako sa mundo ng mga mafia, baka siguro ay hasang hasa ako sa paggamit ng baril. Sana lang ay pinaranas sa akin ni daddy ang mamulat sa mundong ginagalawan niya para naman sa ganon ay mas madali kong mabibigyan ng hustisya ang pagkawala niya.
Nang natapos akong mag-ayos ay nagpahinga na rin ako. Maaga pa raw kaming aalis bukas kaya't maaga rin ako natulog.
Kinabukasan ay hindi na kami nakapag-almusal pa ni Aiden dahil 7AM na kami nagising. Sabi niya ay sa sasakyan na lang daw kami kakain. Kasama rin pala ang three idiots at ngayon ay si Ives ang nagmamaneho.
Si Elli naman ay nasa shotgun seat at tila may pilit na kinokontak sa kaniyang earpiece, si Craig naman ay nasa pinakalikod at nagkakalikot sa kaniyang laptop. Ilang beses ko na sila nakitang ganito. Hanggang ngayon ba ay nagtatrabaho pa rin sila?
"Mr. Rowland." bati ng isang lalaki na hula ko'y nasa 60's. Nagbow siya sa amin. "Handa na po ang lahat. Sasamahan ko po kayo kung saan kayo pwede dumaan."
Hindi nagsalita si Aiden at sumunod lang kami sa matandang lalaki. Medyo mabilis sila maglakad kaya medyo naiiwan ako. Napansin ko ang paghinto ni Aiden. Lumingon siya sa akin na tila hinihintay akong makalapit sa kaniya. Ang bibilis kasi nila maglakad eh. Maiikli lang naman ang biyas ko. Yung dalawang hakbang ko isang hakbang lang sa kanila.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
Roman d'amourNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...