Anghel nga. Ang gwapo ng isang 'to. Parang Italian-American ang lahi niya. Kulay asul ang mga mata nito at kagaya kay Mr. Rowland, may matalas itong jawline.
"May I?" tingin niya sa amin ni Lea asking for permission kung pwede ba siyang umupo. Napatingin muna kami ni Lea kay Marco na hindi man lang lumingon.
Magsasalita pa sana ako ngunit mabilis na ngumiti si Lea sa lalaki at tumango. Dahil ang bakanteng upuan ay nasa tabi ni Lea, doon na lang naupo ang lalaki, katapat itong si Marco.
May iilang table na may dalawang bakanteng upuan ngunit di ko alam bakit duto nila napili makisiksik.
"You didn't tell me you have a girlfriend, Marco." nakangising saad ng lalaki sabay tingin sa akin.
"She's not my girlfriend, Fonzo." inis na saad ni Marco. Naka-focus lang siya sa pagkain niya at ni hindi magawang tapunan ng tingin ang lalaking kaharap niya.
"By the way, girls, I am Alfonzo Rizzo. Fonzo for short." pinasadahan niya ng pagtaas ang kilay niya nang banggitin niya ang Fonzo niyang pangalan. Kung hindi ako nagkakamali, Rizzo din ang apelyido ni ma'am Faizah. Asawa kaya siya ni Ma'am?
"Lea." tipid na saad ng kaibigan.
"Alodia." saad ko.
Kunot-noo at takang tumingin sa akin si Fonzo. Ilang segundo niyang pinasadahan ng tingin ang buong mukha ko na para bang inaaral ito. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya't tumungo ako at nag-focus na lang sa pagkain.
"Don't you dare speak, Fonzo." Pagbabanta ni Marco.
Tumango-tango lang si Fonzo and gave me a downward smile as if he knew something about me. Nagsimula siyang lantakan ang pagkain niya at panay ang sulyap niya sa akin. Natahimik na lang rin kaming dalawa ni Lea dahil nahihiya kami sa dalawang lalaki na naki-table.
Panay tinginan lang namin ni Lea habang nagbabangayan ang dalawang lalaki sa tabi namin. Para bang sa mga mata na lang kami nag-uusap. Hindi rin namin maintindihan ang pinag-uusapan ni Marco at Fonzo dahil ibang lenggwahe ito.
"I hate Ace. T*ng*na nun eh, sabi ko inom kami last night but he didn't show up!" bulalas ni Fonzo at napabahikhik naman si Marco. Kanina para silang na-aaway ngayon nagtatawanan na.
Kakilala nila ang boss ko! Of course, si Marco ay dito ay nasa admin office pero itong si Fonzo, mukhang hindi naman siya employee dito. Wala siyag ID.
"He's not like that before. Baka may girlfriend na?" Marco replied.
"Then he must introduce his girlfriend to us! Respeto naman sa mga alak na binili ko para pagsaluhan naming dalawa." mas natawa si Marco sa reklamo ni Fonzo. Parang pinang-gigigilan pa ni Fonzo ang pagkain na akala mo'y iyon ang taong kinaiinisan niya.
"Or maybe he quit drinking." kibit-balikat ni Marco.
"Hell nah, I'm sure the reason is SOMEONE." Binigyang diin ni Fonzo ang huling salita at sabay silang nagbahikikan ni Marco.
Pinanonood lang namin sila ni Lea ng may pagtataka. Bigla naman kaming nilingon ni Marco at nakangiti. Itong kaibigan ko naman ay matamis na nginitian si Marco. Tsk!
"I'm sure the both of you know Rowland." tumango kami at tumango rin si Marco sabay sandal sa backrest ng upuan. Boss niya rin si Mr. Rowland pero kung banggitin nila ang pangalan nito ay parang magkakaibigan sila.
"Boss natin." saad ni Lea.
"Sabihin niyo sa boss niyo, ungas siya." gigil na saad ni Fonzo at sabay silang nagtawanan ni Marco.
Tikom bibig kaming nagtinginan ni Lea. Hindi na kami nakapagsalita dahil sa dalawang lalaki na katabi namin. Parang hindi ko na nga maubos ang pagkain ko dahil sa hiya at parang hindi ko masikmura ang dalawang lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...