"Sumunod ka lang sa akin, Alodia." bulong ni Mace habang nagtatanggal kami ng helmet.
Hindi niya ipinasok ang motor sa kalye na puro abandonadong building dahil baka marinig daw ang ugong nito at malintikan kami.
"Kailangan mo 'yan." nanlaki ang mata ko nang abutan niya ako ng pistol. "Kung may mangyari man at sa tingin mo ay nasa panganib ka, umalis ka na. Gamitin mo 'yan, Alodia kung kinakailangan."
Wala akong ideya kung paano gumamit ng baril na 'to. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakahawak ng baril. Saan at paano nakakuha ng ganito si Mace?
"Paano ka?" Paano siya kung aalis ako ng mag-isa?
"Marami na akong napagdaan noong nabubuhay pa si Fabio, Alodia. Huwag mo akong alalahanin dahil kaya ko at alam ko ang dapat kong gawin, sakaling may mangyari." Parang sinuntok ang puso ko nang marinig ang pangalan ni Daddy.
Ano ba talaga si Mace? Ano bang klaseng relasyon ang meron sila ni Daddy bukod sa pagiging kanang kamay niya?
Ngunit hindi ito ang oras para magtanong o maguluhan. Kailangan kong linisin ang isipan ko at mag-focus sa goal ko ngayon.
Dahan dahan at maingat naming binaybay ni Mace ang kalye na hindi ganoon kahaba. Tatlong abandonadong building lamang ang nandito ngunit matataas at mahahaba ang mga ito. Siniguro namin na walang kahit anong ingay kaming magagawa.
Kahit hindi ako marunong gumamit ng baril ay hinawakan ko ito na parang isa ako sa Charlie's angels. Marahan akong sumunod kay Mace habang pinapasok namin ang puting building.
Isang kaluskos ang narinig namin sa di kalayuan kaya't nagtago kami sa likod ng isang pader. Sobra sobra ang kaba ko. Alam kong napaka-delikado nito ngunit hindi ako pwedeng umatras. Tila isang drum ang puso ko sa lakas ng kalabog at natatakot akong marinig iyon ng kung sino mang minamanmanan namin ni Mace.
Hindi pa man kami nakakalabas ni Mace sa pader na pinagtataguan namin ay tatlong lalaki ang mabilis ngunit marahan na pumasok sa abandonadong building. Nanlaki ang mata ko at mas lumaki ang nabubuong takot. Sila ba ang mga tauhan ni Zepyhr?
"Lintik." bulong ni Mace.
Kahit gusto kong magtanong sa kaniya ay hindi ko magawa dahil natatakot akong may makarinig sa boses ko.
"Clear, boss." dinig kong sambit ng isang lalaki habang nakahawak sa isang tenga niya.
Hindi na ako magkanda-ugaga sa kabang nararamdaman ko. Ilang sandali pa ay isang putok ng baril ang narinig ko at napasiksik ako kay Mace dahil sa gulat. Hindi ko alam kung saan eksaktong nagmumula iyon ngunit malapit lang ito sa amin.
Mabuti na lang ay puro halaman dito sa kinaroroonan namin ni Mace kaya't dahan-dahan kaming lumabas mula sa pinagtataguan. Hawak niya ang kamay ko at para kaming mag-amang tumatakas sa mga pulis.
"Mace ano bang nangyayari?" gusto kong umiyak sa takot.
Nakita ba nila kami? Nalaman ba nila na darating kami? Papatayin ba nila kami?
Palabas na sana kami ng kalye ni Mace nang isang lalaki ang papunta sa gawi namin. Fuck. Nakakatakot ang bawat hakbang niya at parang papatay siya ng tao dahil sa mga tingin niya. Hawak niya ang isang pistol na nakatutok sa amin ni Mace.
"Alodia. Pag sinabi kong takbo, takbo." tinutok ni Mace ang baril sa lalaki.
"Paano ka, Mace?" si Mace na lang ang matutulungan ako, hindi ko siya pwedeng iwanan ng mag-isa dito.
Ilang hakbang na lang at lalamunin na nang liwanag ang lalaking naglalakad. Nakatutok lang ang baril niya sa amin, gusto ko siyang makita dahil baka si Zephyr na ito.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...