Pagkauwi sa bahay ni Mr. Rowland ay mabilis akong bumaba ng sasakyan at padabog na isinara ang pinto. Naiinis ako sa kaniya dahil sa pag-eeksena niya sa opisina, siguradong ako ang topic ng mga empleyado bukas. Tsaka ang lakas niya mang-asar, nakakairita.
Napahinto pa ako nang makita sina Ives, Craig, at Ellie sa sala. Kumakain sila ng chips at may tig-iisang canned beer. Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa kwartong tinutuluyan ko.
Mabigat at sobrang sama na ng pakiramdam ko ngunit nag-shower pa rin ako at nagbihis ng pajamas. Wala akong ganang kumain. Magla-lunch time palang kaya. Hindi na ako nakapag-trabaho ng maayos dahil kay Mr. Rowland. Kainis!
Wala pa man akong bente minutos na nakahiga sa kama ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ko, siguro ay dahil na rin masama ang pakiramdam ko.
Hindi ako pwedeng magkasakit sa mahabang panahon dahil kinakailangan kong makapasok sa trabaho. Sirang-sira na ang attendance ko dahil kay Mr. Rowland. Hindi pa nga ako regular eh!
Kaya kung sisisantehin niya ako, ay nako, hinding hindi ako papayag.
~~~~
"Ikaw na par"
"Gago bakit ako? Mukha kaya siyang galit kanina. Nakita mo ba?"
"Bilis na."
Naalimpungatan ako sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto. Napatingin ako sa oras at nakitang 7PM na pala. Sobrang haba pala ng tinulog ko, ni hindi ako nakapag-lunch at naka-inom ng gamot.
Nanghihina akong bumangon at nilandas ang pinto ng kwarto.
"Bilis na gago para kang bakla eh." boses pa lang alam kong si Ives ang nagsasalita mula sa labas.
"Ayoko, natatakot ako. Ikaw na mas close kayo." Si Elli.
"Dalian niyo na diyan, naghihintay si boss Ace." pabulong na saad ni Craig.
Kahit hindi ko sila nakikita ay alam ko kung sino ang nagsasalita. Sila ba naman ang lagi kong nakakausap dito sa bahay na'to eh.
"Ikaw na lang kaya, Craig?" si Ives ulit.
Nangunot na ang noo ko sa ingay nila. Ano bang pinagtatalunan nilang tatlo at para silang mga tanga sa labas?
Pinihit ko na ang door knob at kunot noo kong tinignan ang tatlo na ngayon ay na-estatwa nang makita ako. Sabay-sabay silang umayos ng tayo at ngumiti sa akin.Tumikhim si Ives at para siyang kinakabahan. Siniko niya si Craig na nasa kaliwa niya pati narin si Elli na nasa kanan niya. Siniko naman ng dalawa pabalik si Ives.
Ano bang nangyayari sa tatlong 'to?
"Ano?" taas kilay kong tanong.
"Kain ka na daw. / Tawag ka ni boss / Inom ka daw gamot." sabay sabay na sambit ng tatlo. Ni isang salita ay wala akong naintindihan.
Mas tataas ang temperatura ko sa tatlong 'to. Sumasakit lang rin ang ulo ko sa kanila. Kahit kailan talaga ang tatlong 'to eh.
"Ewan ko sa inyo." nanghihina ngunit iritable kong sambit saka naglakad na pababa.
Nagpunta agad ako ng kusina upang uminom ng tubig, nakita ko si manang Cha na naghahanda ng hapunan. Dahil sobrang busy niya ay hindi niya ako napansin.
Sobrang nanghihina na talaga ako at parang hindi ko na kayang buhatin pa ang katawan ko. Bawat kilos ko ay challenge dahil konting galaw ay tila malaking porsyento ng enerhiya ko ang nababawas. Wala akong nagawa kundi ang umupo sa may kitchen bar at dumukdok doon.
Bumibigat nanaman ang mga talukap ko at parang gusto ko na lang ulit matulog. Ngunit kailangan kong pilitin ang sarili na kumain dahil kailangan kong maka-inom ng gamot.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...