Chapter 15

5 0 0
                                    

Napayakap ako sa sarili, dumapa sa kama at hinayaan bumaon sa unan ang aking mukha. Tumili ako dahil sa di maintindihang nararamdaman. Hindi ako mapakali at paulit-ulit na nagplay sa isipan ko ang paghalik ni Aiden sa akin. What made him do that? Crush niya siguro talaga ako.

Lumipas ang tatlong araw at tatlong araw din hindi pumasok si Aiden para alagaan ako. Sinubukan ko siyang pilitin na pumasok dahil hindi naman ako baldado o lumpo para pagsilbihan niya, ngunit mas mapilit pa siya sa akin at talagang ayaw pumasok. Ayos naman na ang pakiramdam ko ngayon, papasok na sana pero itong si Aiden, gusto pa ng isang araw na magpahinga ako para raw siguradong ayos ang pakiramdam ko.

Bumaba ako at naupo sa sala, binuksan ko rin ang TV dahil wala naman akong gagawin ngayong araw. Ayos naman na ako pero hindi ko alam bakit kailangan pang magpahinga.

Ilang sandali pa, habang seryoso na ako sa panonood ay siyang pagbukas ng main door at tumambad sa akin si Aiden. Tanghali pa lang at ang aga niya naman yata makauwi mula sa trabaho.

"Aga mo naman, bossing." biro ko. Naupo siya sa single couch na nasa harapan ko at naglapag ng isang paper bag sa center table.

"That's for you, bae. Go check it." malamig niyang saad. Madalas niya na rin akog tawagin na bae.

Tinignan ko muna siya ng pagtataka bago hawakan ang paper bag na nasa harapan naming dalawa. Tinaas niya ang kaniyang kilay bilang senyas na maaari ko itong buksan.

Bagong phone?!

Napangiti ako. Grabe halos dalawang buwan akong walang telepono dahil rin sa amo kong 'to at ngayon may phone na ako. Kaya ko naman bumili nito kung tuloy tuloy lang ang trabaho ko, kasalanan naman ni Aiden bakit hindi ako makabili ng bagong cellphone. Paano hindi na ako nakapagtrabaho ng maayos dahil sa kaniya, ano pang sasahurin ko.

Makokontak ko na sa wakas si Lea! Namimiss ko na ang babaeng 'yon. Sigurado akong gustong gusto niya na akong puntahan kaso nga lang ay hindi ko binigay sa kaniya ang address ng bahay ni Aiden, ayaw ko muna kasing malaman niya na dito ako tumutuloy. Pagagalitan ako nun eh.

"Thank you, Aiden!" nakangiti kong saad at binuksan ang box. Tumambad sa akin ang latest model ng iPhone, hindi ko naman hiniling ito. Ayos na sa akin ang kahit anong telepono basta't matatawagan ko si Lea. Hindi ko lang rin maiwasan ang matuwa dahil sobra sobra na itong bigay ni Aiden.

"No problem, bae." nakangiti niyang tugon. Sumandal pa siya sa backrest ng couch at masaya akong pinanood habang binubuksan ang bagong phone.

Inopen ko kaagad lahat ng social medias ko, sinave ko rin ang number ni Lea at agaran siyang pinadalhan ng message.

"Aiden, picture tayo." masaya kong saad. Mabilis na tumayo ang amo ko at tumabi sa akin.

Ipinwesto ko ang telepono sa harapan naming dalawa. Sumandal si Aiden at ang kaniyang braso naman ay nakapatong sa backrest ng couch kaya't mukhang naka-akbay siya sa akin. Ngumiti ako at si Aiden naman ay parang pasan ang buong mundo dahil sa kaniyang pag-simangot. Muli kong pinindot ang shutter button, umaasang ngingiti si Aiden pero bigo ako.

Naka-limang shots kami ngunit maski isang litrato ay hindi siya ngumiti. Pare-pareho lang naman ang itsura niya. Isang litrato na nakatingin siya sa camera, tapos the rest 4 photos, nakatingin siya sa akin.

"Send it to me. I like it." nakangiwi ko siyang tinignan habang titig na titig siya sa photo naming dalawa.
Hindi gumalaw si Aiden sa kanyang pwesto ngunit ang mga mata niya'y nalipat ang tingin sa akin dahilan nanaman upang mag-alburoto ang puso ko.

"Can we take more?" ngumisi siya ng nakakaloko. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o inaakit niya ako pero dahil nagiging assuming ang puso ko, siempre doon ako sa inaakit niya ako.

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon