Chapter 33

1 0 0
                                    

Umiiyak na kumaripas ng takbo si Ms. Crawford sa mga pinagsasabi ni Craig at Ives kaya't pinaghahampas ko ang dalawa. Nagpaiyak pa sila ng tao. Wala naman silang pake at tuwang tuwa pa.

Sabay na kaming tatlo na pumasok sa hospital room ni Aiden. Wala na si Fonzo doon at tanging si Elli at Aiden na lang ang laman ng kwarto. Elli's trying to help Aiden na makaupo.

Pagpasok ko pa lang ay nagtama na ang tingin namin ni Aiden. Matamis niya akong nginitian at sinuklian ko naman iyon. Nang makaupo siya ay malawak niyang dinipa ang kaniyang mga braso na tila ba nanghihingi ng yakap.

Nangamatis ang pisngi ko dahil sa kilig. Ako ba? Sa akin ba siya nanghihingi ng yakap?

"Bae, I missed you. Hug naman oh." parang bata niyang saad.

Mapait akong ngumiti sa kaniya. Sa mga mata ni Aiden, I can see na totoo ang mga pinapakita niya sa akin, ang pagaaruga niya, ang pagprotekta niya, at ang lahat lahat. Hindi ko lang mabasa kung gusto niya ba talaga ako o baka ganito lang talaga siya?

"Ayaw mo ba ako ihug?" malungkot niyang saad na parang bata.

Humakbang ako palapit sa kaniya at tinignan siya sa mata. Ano ba talaga ang tingin mo sa akin, Aiden?

Kahit naguguluhan ang isip ay hindi naiwasan ng puso kong sumaya nang maabot ako ni Aiden at mahigpit na niyakap. Hindi ko magawang suklian ang yakap niya dahil natatakot ako na baka hindi ko na siya magawang bitawan pa.

Habang magkayakap ay narinig kong nagbukas sara ang pinto ng kwarto at nang lumingon ako ay wala na ang three idiots. Tanging si Aiden at ako na lamang ang natitira sa loob.

Nanghihinang tinapik ni Aiden ang bakanteng pwesto sa gilid niya, senyales na nais niya akong maupo kaya't ginawa ko naman iyon. Magkaharap kaming dalawa ngayon at talagang hindi mapakali ang puso ko. Hindi ko maiwasang hindi titigan ang napaka-gwapong mukha ni Aiden.

"Bae..." yumuko siya at tila kinakabahan.

Nangunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. May nararamdaman ba siya? Agad akong kinabahan sa naisip kaya't agad kong hinawi ang baba ni Aiden upang magtama ang mga mata namin.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? May nararamdaman ka? May kailangan ka? Tatawagin ko si Fonzo. Magsabi ka Aiden."

Napatigil ako nang biglang tumawa si Aiden. G*go ba siya? Nakita niya na nga na nag-aalala yung tao tapos tatawanan niya lang.

"I'm fine." nakangiti niyang sambit na nagpalis ng kaba sa aking dibdib.

"May sasabihin ka ba?" ani ko.

Tinignan ako ni Aiden ng diretso sa mata. His eyes were telling me something. Nakakalasing ang makahulugan niyang mga tingin. It is as if he's talking sweetly to me through his blue almond eyes and it makes me so weak. Goddamn, weak na parang hindi ko na kayang kumilos o gumalaw pa sa aking pwesto.

"Bae..." hinawakan niya ang mga kamay ko nang hindi tumitingin sa iba. "You know, I have been looking for you for so long. I looked for you in every places na alam kong pwede mong puntahan. I prayed na sana makita na kita kahit hindi naman talaga ako nagdadasal. I used my power  para mahanap ka but I felt so useless nung hindi kita makita."

What exactly is he talking about? Alam kong hinanap niya ako noong panahong kinulong ako nina Damon/ Chase pero anong gusto niyang iparating? Bakit sinasabi niya sa akin ito ngayon?

"I promised tito Fabio to take care of you. Pinangako kong poprotektahan kita at all cost." Yes, sinabi niya na iyan noon sa akin.

I'm sure my daddy is happy kung nasaan man siya ngayon dahil hindi siya binigo ni Aiden. He's taking good care of me, daddy. He protects me and saves me whenever I'mon the edge of the cliff.

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon