Tahimik akong nakaupo sa shotgun seat at nakatanaw sa bintana. Si Mr. Rowland naman ay seryoso sa pagmamaneho. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, halos isang oras na kaming nasa daan. Sa tingin ko naman ay hindi pa kami uuwi dahil iba ang daan na tinatahak namin.
"Fuck!" malakas na napa-preno si Mr. Rowland nang biglang mag-stop ang nasa harapan naming kotse. "Bobo." badtrip niyang bulong sa hangin at itinukod ang kaniyang siko sa may bintana ng driver's seat.
Ito ang unang beses na marinig ko siya magsabi ng bobo dahil palaging english ang wika niya. Ewan ko nga kung bakit ang hot nun sa pandinig ko at may kaunting kiliti sa puso ko. Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling. Siguro nga talaga kailangan ko na magpacheck-up.
Sa hinaba-haba ng byahe naming dalawa ay nakarating na kami sa wakas sa paroroonan. Pinark niya ang kotse niya sa tapat ng isang mamahaling restaurant na never ko pa napuntahan. Napangiwi ako habang pinagmamasdan ang kainan.
"Kakain lang pala dinamay pa ko." bulong ko. Hindi ba siya makakakain ng mag-isa?
"Are you saying something, Alodia huh?" hinarap ko siya at kita ko ang inis sa mga tingin niya.
"Wala. Sabi ko, ang gwapo mo pero bingi." saad ko at hinawakan na ang seatbelt para tanggalin ito ngunit hindi nakikisama sa akin. Tinignan ko ng maayos ang lock ng seatbelt at sinubukang tanggalin ulit. Bakit ayaw?!
"Tss." nagulat ako nang yumuko si Mr. Rowland papunta sa akin at hinawakan ang seatbelt lock.
Sobrang lapit namin sa isa't isa at ilang pulgada lang ay magdidikit na ang mukha naming dalawa. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at ganoon rin naman ako sa mga mata niya. Walang emosyon at malamig ang mga tingin niya ngunit nagbibigay pa rin ito ng kaba sa dibdib ko. Para akong aatakihin sa puso.
Sandali siyang yumuko at leeg naman niya ngayon ang kaharap ko. Napapikit at napasinghot ako sa amoy ng kaniyang pabango. Nanunuot ito sa ilong ko, parang gusto kong amuyin ito hanggang sa maubos.
"Enjoying my scent huh?" nanlaki ang mata ko sa gulat. Tumingin si Mr. Rowland sa akin na bahagyang nakangisi. Nakagat ko ang aking labi para pigilan ang aking pag-hinga.
"Done." saad niya saka bumalik ng maayos na pagkaka-upo sa driver's seat ngunit hindi pa rin nawawala sa labi ang bahagyang pag-ngisi niya.
Lumabas na siya ng kaniyang kotse at ako naman ay nanatili lang dito sa loob. Napa-facepalm na lang ako at nagpapa-padyak habang tikom ang bibig na tumili dahil sa kahihiyang nagawa ko. Hindi ko naman sinasadyang singhutin ang amoy niya, sadyang mabango lang at masarap amuyin.
Parang ayoko na tuloy bumaba at kumain kasama siya dahil nahihiya ako. Pero wala naman din akong magagawa dahil mas nakakahiya kung mananatili ako dito. Baka isipin pa niya na sobrang affected ako sa ginawa ko.
Nang mai-hain sa table ang pagkain ay agad namin iyong nilantakan ni Mr. Rowland. Tahimik lang kaming dalawa, ni wala kaming balak mag-usap. Ang sarap ng pagkain dito kaya lang ay nakakabutas ng bulsa ang presyo. Biruin mo isang steak 12,000 pesos per serving? Ano bang karne ito? Karne ni Barney?
"Alodia." napatingin ako sa amo kong katapat ko lang. Tinuro niya ang gilid ng kaniyang labi na para bang sinasabi na may dumi ako sa gilid ng labi.
Agad ako kumuha ng tissue at pinunasan ito. "Not there, sa kabila." saad niya pa. Kaya pinunasan ko ang kabilang labi ko. "Tss." kumuha siya ng tissue at tumayo. He leaned towards me and held my chin up. Marahan niyang pinunasan ang gilid ng labi ko. "There you go."
I was too stunned to speak. Kahit ang mga tingin ko ay hindi ko magawang maalis sa kaniya. Para siyang may kung anong powers at bigla na lang akong nanigas. Nag-aalburoto din sa kaba ang puso ko, may kung ano rin akong nararamdaman sa tiyan ko gawa nang hawakan niya ang baba ko.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...