Chapter 6

3 0 0
                                    

"What are you doing there?" malamig na tanong ni Mr. Rowland. Narito kami ngayon sa opisina ng kaniyang bahay kasama ang three idiots kung tawagin niya.

Tinotoo niya ang sinabing bukas na bukas ay mag-uusap kami at pagkatapos ay sasabihin sa akin ang rason kung bakit ako nandito.

"Saan?" alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya, nagtanong lang ako para sigurado.

"Sa tambayan nila Chase?" nangunot ang noo ko sa sinambit ni Ives. Nagtataka ko silang tinignan.

Si Zephyr ang pinunta ko sa abandonadong building at hindi ang kung sino mang kutong lupa ang binabanggit nila.

"Sinong Chase?" takhang tanong ko.

"Just answer my question, Alodia. I'm starting to lose my patience here." Napatikhim ako nang magsalita ang amo ko.

Losing patience agad eh hindi pa nga kami tumatagal dito ng limang minuto.

Pero bakit gusto nila malaman? Para saan? Tutulungan ba nila ako? Kakampi ba nila si Zephyr? Isusumbong nila ako kapag nalaman nilang balak namin manmanan si Zephyr? May magandang mapapala ba ako dito kapag sinabi ko ang dahilan?

"Eh bakit niyo muna gusto malaman?" taas kilay kong tanong. 

Napasandal ang tatlo sa kanilang upuan at bumuntong hininga. Napahilot naman sa nose bridge ang amo ko. Parang nawawalan na nga sila ng pasensya.

"Just fucking tell us!" bulalas ni Mr.Rowland na halos ikahulog ko sa upuan dahil sa gulat.

High blood agad?

"S-si Zephyr..." sabay sabay na ipinatong ng three idiots ang mga siko nila sa itaas ng tuhod at ipinagsaklob ang kanilang mga palad na para bang handang handa ang mga tenga nila sa bawat salitang sasabihin ko.

"Siya ang pinunta ko." huminga ako ng malalim at pilit ikinalma ang sarili. Ang pag-iisip pa lang sa taong bumaril sa tatay ko ay binubuhay na agad ang galit sa puso ko. "Mamanmanan sana namin siya ni Mace ng gabing iyon."

"Oh God." dinig kong bulong ni Craig. Sa ekspresyon ng mukha niya ay nababasa kong mali ang ginawa ko.

"Kaso biglang...biglang may mga dumating tapos may mga putukan na ng baril." napapikit ako nang maalala nanaman ang lalaking tumutok sa amin ng baril ni Mace. Sariwa pa rin sa akin ang ala-alang iyon.

"Why are you after him, Alodia?" dapat ko bang sagutin ang tanong na iyan? Maganda ba ang idudulot kapag sinagot ko o mas mapapahamak lang ako?

"He..." naramdaman ko agad ang mga nagbabadyang luha. "He killed my daddy. 6 months ago." napatungo ako upang itago ang luhang nag-unahan na sa pagbagsak. Agad ko itong pinunasan.

"I see." pagtango ni Mr. Rowland.

Sandaling natahimik ang buong silid. Nakakabingi ang katahimikan. Tanging himig lang ng aircon ang naririnig at ang mabibigat na paghinga ng aming amo.

Si Mace.

"Si Mace. Kasama ko si Mace noong gabing iyon. Nasaan siya? Nakaligtas ba siya?" nagtinginan ang tatlo. Kunot-noo naman akong tinignan ni Mr. Rowland.

Huwag nila sabihin sa akin na hindi nila alam dahil kasama ko si Mace non. Hindi pwedeng mawala Mace!

"Na-" magsasalita na sana si Ives nang lumapat sa ere ang isang palad ni Mr. Rowland kaya't agad itong napahinto.

"Leave. The three of you." malamig na utos ng aming amo saka mabilis na nilisan ng tatlo ang opisina.

"Mace is fine, Alodia." diretsong sambit ni Mr. Rowland nang makalabas ang tatlo.

Mafia Boss: His Guns and RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon