I turned around and the huge door revealed the man I've been waiting for. He's silently standing not so far from me wearing his blank face but worried and teary eyes. I couldn't take a single step. My weary eyes locked on him.
Sa ilang sandaling pagtitinginan ay sa wakas, nagkaroon ako ng sapat na lakas upang humakbang at maglakad palapit sa kaniya. I hugged him tight and he did the same way. Hindi ko na napigilan pang pakawalan ang mabibigat na luhang nagbabadya. Humikbi ako sa kaniyang dibdib dahil sa tuwa. Tila nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib ngayong nandito na si Aiden.
Akala ko nadali na siya. Akala ko he can't make it back here. Akala ko maoospital nanaman siya. Ang daming akala dahil sa takot ko at pag-aalala.
I pulled myself at chineck si Aiden kung may tama ba siya ng bala o kung may malalim ba siyang mga sugat na kailangang gamutin. Napahinto na lang ako nang hawakan niya ang aking dalawang kamay. He slightly leaned to meet my eyes at matamis akong nginitian.
"Stop worrying, bae. I'm fine, I'm okay, I'm alive, I'm here." mahinahon at malambing niyang saad. I know he's trying to calm me pero hindi ko maintindihan kung bakit mas naiiyak ako.
"You scared me to death, Aiden." hikbi ko.
Muli niya akong niyakap at hinalikan sa aking ulo. "Me too, my baby, you goddamn scared me to fucking death."
"Baby?" takhang tanong ko. Narinig ko din siyang tinawag akong baby habang kausap ko siya sa earpiece ni Ives.
"Yes, baby?" tila nang-aasar niyang sambit kaya't bahagya ko siyang sinamaan ng tingin. "Can I call you that?"
"May magagawa pa ba ako eh tinatawag mo na akong ganyan?" saad ko and he chuckled.
Sandaling nawala ang problema ko dahil sa presensya ni Aiden pero mabilis rin namang nanumbalik ang lahat sa katotohanan nang maalala ko si Lea. Agad kaming umakyat ni Aiden sa second floor at doon ay may limang kwarto. Hinila ako ni Aiden papasok sa unang kwarto at doon ay nakita kong naghihintay si Ives.
Nakatungo siya na parang nagdadasal habang nakaupo sa isang bench. Sa kabilang side ng kwartong ito ay may isa pang glass door kung saan kita mo ang kwarto sa loob nito. I shivered when I saw Fonzo doing an operation on Lea. May iba pa siyang kasamang doctor at ang kwartong iyon ay kumpleto sa mga machines at materyales.
Natutop ko ang aking bibig at nagsimula nanamang lumuha. My world shattered again for the nth time habang nasasaksihan ko ang nangyayari kay Lea ngayon. How could I be so careless? Dahil sa akin ay nangyari ito sa kaibigan ko. If Chase is not after me, hindi madadamay si Lea. Hindi siya masasaktan ng ganito.
Nagsimula nanamang manghina ang mga tuhod ko at anytime soon ay babagsak nanaman akong muli. Bago pa man tuluyang manghina ay nasalo na agad ni Aiden ang buong katawan ko. Inalalayan niya akong makaupo sa tabi ni Ives at sinubukan akong pakalmahin.
Walang katapusang takot at kaba ang bumabalot sa puso ko ngayon. Hindi ako makapaghintay na lumabas si Fonzo sa kwartong iyon at sabihin na tagumpay ang operasyon ngunit wala akong kasiguraduhan na magiging maayos ang lahat. Tanging ang sinabi lang ni Lea kanina ang pinanghahawakan ko, ang kakayanin niya.
"What happened?" tanong ni Aiden kay Ives na ngayon ay puno ng pag-aalala.
"She got shot habang tumatakas sila. Sumakay siya ng sasakyan na may tama na ng bala." kumirot ang puso ko nang marinig iyon.
"Do you have any plan, Juarez?" sa puntong ito ay napalingon na ako sa dalawa.
"Avenge her." tila nag-aapoy sa galit ang madilim na mata ni Ives. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang pag-alab ng damdamin niya ngunit naiintindihan kong labis ang pag-aalala niya sa kaibigan ko.

BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...