Pagpasok sa trabaho ay naroon agad si Ms. Antonio. Binati namin ang isa't isa saka ako nagsimulang ayusin ang front desk.
Sinimulan kong tignan ang listahan ng mga bibisita ngayong araw. Sabi ni Ms. Antonio, lahat daw ng mga guests na bibisita sa floor na ito ay dumaraan muna sa secretary ni Mr. Rowland saka siya gagawa ng kopya ng listahan at ibibigay ito sa akin. Ako naman ang mag-wewelcome at mag-iinform sa secretary ni Mr. Rowland na narito na ang bisita.
Mamayang alas nuebe pa darating ang unang bisita kaya't aayusin ko na lang muna ang desk, medyo makalat at maalikabok din kasi. Wala bang naglilinis nito? Gaano kaya katagal na walang receptionist dito?
"Then what about, Faizah?" automatic akong napatayo nang mabilis nang marinig ko ang baritonong boses ni Mr. Rowland. Kasama niya nanaman sina Mr. Juarez.
"She wants to see you, boss." dinig kong sambit ni Mr. Easton.
Yumuko ako para magbigay galang. Nai-angat ko ang tingin ko nang sandaling huminto si Mr. Rowland sa tapat ko. Bigla akong nanigas at naestatwa. Bumigat ang bawat paghinga ko sa kaba, nakakatakot nga talaga siya lalo na sa malapitan. Sisante na ba ako?
"Good morning, Ms. Carabelle!" sabay sabay na bati ng tatlo. Peke akong ngumiti dahil nahihiya ako, isa pa nasa harap ko ang boss ko at parang binabantayan ang kilos ko.
"Nah. Ayoko makita si Faizah." lumingon siya sa tatlo na mabilis na tumango. "Do not let Faizah Rizzo enter." mariin na saad ni Mr. Rowland na tilamay pagbabanta sa bawat salitang sinabi niya.
Para akong robot na napatango. Pakiramdam ko ay isang mabigat na trabaho ang pinagagawa niya sa akin. Sino ba si Faizah? Bakit ayaw niyang makita?
Tsk! Para naman akong chismosa, hindi na lang gawin ang trabaho.
Tumalikod na ang apat na matitipunong lalaki at dumiretso sa opisina ng amo namin. Hindi ko maintindihan ang tatlong lalaki na kasama ni Mr. Rowland. Boss ang tawag nila sa amo ko pero kung umasta ay akala mo magkakapatid lang sila.
Wala pang 9AM nang isang babae ang naglalakad papunta sa gawi ko. Nakashades siya at pulang pula ang makakapal niyang labi. Amoy na amoy ang yaman niya dahil sa bag niyang parang kabibili lang at ag mga alahas na nakasabit sa kung saan-saang parte ng kaniyang katawan.
Tinanggal niya ang shades niya at taas kilay na humarap sa akin. Nag-bow ako at bumati. "Excuse me po, may I know your name po?" baka kasi ito si Ma'am Faizah na ayaw papasukin ni Mr. Rowland.
"Oh God! Faizah Rizzo, hindi mo kilala?" irap niya. Sabi ko na eh! Siya nga!
Wala naman palang common sense ang babaeng ito, itatanong ko ba ang pangalan niya kung kilala ko siya?
"I'm sorry Ma'am but Mr. Rowland is not yet available this time. Pinagbawalan niya din po kayo na makapasok." kunwari ay nalungkot ako, mahirap na baka pag-initan niya ako. Mukha pa naman siyang kontrabida sa mga teleserye.
Napairap siya sa hangin at nagtipa-tipa sa kaniyang telepono.
"Damn you, Ace...Papasukin mo ako!...I'm not gonna leave this fucking company of yours...Ace you're pissing me off, stop...Papapasukin mo ko or I'll tell this lady he-Good."
Ang pasmado pala ng bibig nitong Ma'am Faizah eh. Pakiramdam ko may taglay na angas 'to.
"He let me in." saad niya sabay pasok sa loob.
Kibit balikat na lang ang nagawa ko dahil nakausap niya naman ata si boss eh. Pero teka, Ace? Sino si Ace? Hindi Ace ang pangalan ni Mr. Rowland kundi Aiden. Aiden Blake Rowland. Nasaan ang Ace doon?
Nalintikan na.
Tinignan ko ang oras at maaga pa naman, mamaya pa darating ang unang inaasahang guest. Mabilis akong tumakbo papasok at hahanapin ko si Ma'am Faizah. Sigurado akong hindi pa siya nakakalayo at medyo natatandaan ko pa naman ang ilang parte ng floor na ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/373096629-288-k206528.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...