Tatlong araw ang lumipas at mas naging close pa kami ng three idiots. Lagi na sila bumibisita dito at umuuwi na lang kapag matutulog na ako. Nasasanay na akong makasama silang tatlo. Marami kaming nagagawa gaya ng paghahabulan, swimming dahil may pool pala sa backyard ng bahay ni Mr. Rowland, tinuruan din nila ako mag xbox at mag billiards, ilang horror movies na rin ang napanood namin. Pakiramdamko ay bumalik ako sa pagkabata.
Si Mr. Rowland ay busy palagi sa kaniyang opisina. Bababa lang siya kapag magluluto at kakain ng agahan, tanghalian at hapunan. Nahihiya na nga ako dahil siya ang amo dito pero siya pa ang naghahain ng kakainin naming apat nila Craig.
Minsan ko na sinubukan magluto pero ang ending nasunog ko lang ito. Pinagalitan ako noon ni Mr. Rowland dahil sa pag-aalala niyang masunog ako at masunog ang bahay niya.
"Change your clothes and be ready, pupuntahin natin si Mace at si Lea." gumuhit ang saya sa puso ko nang marinig iyon kay Mr. Rowland.
"Talaga?" nakangiti kong tanong. Tumango siya at napatili ako sa excitement. Nakita ko nanaman ang pagsilay ng maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. Mukhang napapadalas iyon.
Mabilis akong nag-ayos dahil sa excitement. May ilang damit at gamit na rin pala ako dito dahil inutusan ni Mr. Rowland sina Craig na kumuha ng iilang kailangan ko sa apartment. Sinabi ko ngang ako na lang ngunit hindi niya ako pinayagan.
Sa loob ng tatlong araw ay sinubukan ko rin kumbinsihin ang tatlo na tulungan ako makalabas ngunit bigo ako.
Makakalabas na rin ako ngayon sa wakas!
Sumakay kami sa isang puting Lexus LX na sasakyan. Gaano ba kayaman itong si Mr. Rowland at ang dami niyang sasakyan? Lahat ay milyon milyon ang presyo.
Siya ang nagmaneho ng sasakyan at may isa pang sasakyan sa likod namin kung nasaan sina Craig.
Nahihiya na talaga ako dito sa amo ko, nagmumukha kasing ako yung amo niya dahil ako ang pinagsisilbihan niya. Tignan mo, siya pa ang nagmamaneho. Nag-insist ako na ako na lang sana ang mag-drive since empleyado niya naman ako ngunit hindi niya ako hinayaan. Marunong naman din ako mag-drive noh. Byaheng langit nga lang.
"Kanino tayo unang pupunta?" tanong niya habang nakatutok sa daan.
"Kay Lea." nakangiti kong sagot.
"Kay Mace na lang, nasa trabaho pa si Lea." Seriously?!
Napairap na lang ako sa hangin. Nagtanong pa siya kung hindi rin nama pala masusunod ang sagot ko. Lakas ng topak.
Nagtaka ako nang tumapat kami sa isang hospital. Akala ko ba pupunta kami kay Mace? Sa pagkaka-alam ko ay hindi naman doktor o nurse si Mace, hindi rin siya gwardiya ng hospital. Ah...siguro magpapacheck up muna itong amo ko.
"Mace Salvador" saad ni Mr. Rowland nang makarating kami sa nurse station. Ikinagulat ko ito at bulta-bultaheng kaba ang naramdaman ko. Nandito nga si Mace sa hospital. Ano ang lagay niya?
"Room 415 po sir."
Pumasok kami sa isang kwarto at nadatnan ko si Mace na nakahiga sa hospital bed. "Mace!" bulalas ko.
Napaluha ako sa lagay niya. May benda ang kaniyang braso at mukhang nanghihina siya. Anong nangyari?
"Buti at dumating ka, Alodia." nakangiti niyang bungad sa akin kahit nanghihina.
"Bakit nandito ka? Anong nangyari sa iyo?" umiiyak kong tanong.
"Nabaril ako, Alodia pero ayos na ako. Daplis lang naman ng bala." binigyan niya ako ng ngiti para mapanatag ang loob ko. "Salamat, Ace."
Ace? Kilala niya si Mr. Rowland? Ace. Iyon ang tawag ni Ma'am Faizah Rizzo sa amo ko. Sabi ni Elli nickname daw iyon ni Mr. Rowland. Matatawag mo lang ang isang tao sa palayaw niya kapag malapit kayo sa isa't isa. Matagal na ba sila magkakilala ni Mr. Rowland?
BINABASA MO ANG
Mafia Boss: His Guns and Roses
RomanceNot all Mafia Bosses are heartless, ruthless and scary. Aiden Blake Rowland is different. He loves, he feels pain, he cries, he gets weak. He's a mafia boss who later learned that he is capable of loving and giving his whole heart to someone whom he...