Thank you for still being here despite my slowww updates! Please, always take good care of yourselves! Love u all :))
Gym
"Mornin'..."
Muntik nang gumulong ang hotdog sa pinggan ko nang makarinig ako ng kaluskos sa may hagdanan. I sighed in relief when I realized that it was just Miggy, still in his pajamas, hair messy like someone just pulled it, both slippers on the wrong side, while groggily descending on the stairs.
Umismid ako at nagpatuloy sa paglalagay ng pagkain sa piggan ko. Kung hindi siya naglasing at nag-alburuto sa bar, eh di sana ay naihatid ko si Rael pauwi. At sana alam ko na kung saan ito nakatira.
I sighed as I put some fried rice on my plate.
Parang zombie namang naglakad patungo sa kitchen si Miggy habang kinukusot ang mga mata. Gone was the beast Miggy, he just now looks like a lost sheep.
"You're already having breakfast? Anong oras na ba?"
Tinuro ko gamit ng tinidor na may nakatusok pang spam ang wall clock sa gilid. Bulag ba siya? Hindi niya ba nakita na mag-aalasais na ng umaga? At oo! Maaga akong mag-aalmusal kasi maaga rin akong magpapapansin sa boyfriend ko! Bakit? Sinong aangal?
I sighed as I took a seat on the dining table. Kalma Benj. Ang aga-aga pa. At kaibigan mo 'yan. Tapos brokenhearted pa. Kaya pagpasensiyahan mo na lang. Ikaw magpakabait ka na kasi ayos na ulit love life mo. Okay?
"Kain..." Yaya ko rito at nagsimula na akong kumain.
"It's too early..." Reklamo nito pero naupo rin naman sa kaharap kong upuan. I shrugged and just took a sip on my coffee, ignoring his answer.
Sinilip ko ang cellphone ko kung may reply na ni Rael pero wala pa. Tulog pa ba 'to? Akala ko ba maaga ang pasok niya ngayon kasi may nakaschedule siyang pasyente? Maybe he's taking a bath?
"Nasaan si Diego?" Napapaos na tanong nito.
Nginuso ko ang sofa sa living area. Ayan tulog mantika pa ang gago. Stress na stress 'yan sa'yo kanina. Pati nga ako. Kapag ako nagkaroon ng wrinkles may masasakal talaga ako pramis.
"Where are we?" he asked again.
Pagod ko itong nilingon. Anong klaseng alak ba nilaklak nito kagabi?
"Nasa bahay mo. Bakit?" Barumbadong sagot ko.
The idiot smirked and rolled his eyes. Pagkatapos ay nangalumbaba ito sa mesa na tila antok na antok pa. "Akala ko nasa bahay mo, eh. Sobrang feel at home mo kasi. Nagising nga ako kasi ang ingay dito sa kusina. Salamat ha."
I scoffed. "Eh nagugutom ako. Syempre kakain talaga. Alangan naman mag-exercise pa..."
Kumagat ako sa hotdog at nagdesisyong muling magtext kay Rael. Hindi naman ako clingy. I just want to know what he is doing right now. And a simple reply won't hurt, right?
Ako:
I'm having an early breakfast rn. How about you? What are you doing? Work ba? Nasa clinic ka na ba? Want me to bring you some food? Or coffee? Or kahit kiss ko na lang?
"Speaking of exercise... There is a nearby gym here. Pupunta ako mamaya. Kung di ka busy, you can tag along if you want." Pahayag ni Miggy na ngayon ay nagtitimpla na rin ng kape niya.
"Pass," kaagad na sagot ko at eksakto namang may reply na si Rael kaya lalong hindi ko na napagtuonan ng pansin ang sinabi ni Miggy.
Love ♡:
Good morning, too. Sorry for the late reply. Kagigising ko lang. Mamayang 10 pm pa ako pupunta sa clinic. Enjoy your breakfast :)
I had to purse my lips to stop my smile when I saw the smiley face at the end of his reply. Good mood yata? Mukhang maganda 'yong gising ah? But... he ignored my last question though.
BINABASA MO ANG
Double Take
RomanceEverything started when the notorious troublemaker, Benj Ferrera, came back to school after months of being hospitalized due to a car accident and met the transferee turned heartthrob, Rael Villarin, who had been hired by his mother to be his tutor...