CHAPTER 1

95 3 0
                                    

KYLE

"We're not talking about this today dad."

Tumayo ako mula sa arm chair sa harap ng kaniyang office desk at naglakad palabas ng pinto. He didn't even bother to stop me from leaving so I took that as my sign na pwede akong lumabas. As if kaya niya akong pigilan.

Pang ilan beses niya na sa akin pinagdidiinan na kailngan ko na gumawa ng paraan para mabawi ang lupa na naibenta ko sa mga Suarez out of a stupid decision na nagawa ko dati.

The lot was almost forty hectares wide kaya hindi makapaniwala si dad nang nalaman niya na naibenta ko ito. I admit. I wasn't in my best mind at that time kaya kung ano ano ang naispian kong gawin.

Isang malaking kahihiyan talaga ang ginawa ko na yun after ko mahimasmasan at matauhan. Pero I mean applicable naman siguro sa akin ang paniniwala na 'blinded by love'.

Ah yes. All for love.

Umiling ako tinanggal sa isip ang mga alaala na nagsisimula na naman magpakita ulit.

Binalik ko ang sarili sa dating pustura at pumunta sa may parking lot ng mansion.

As much as I hate this place, medyo nagpapasalamat din ako dahil sa ganitong pamilya ako binigay ng universe. A privileged family is a blessing, at hindi na yun dapat itanggi pa.

Maraming beses ko nang nakita kung gaano kahirap ang buhay at kahit sinong tao ay talagang ipagdarasal na mapunta sa kalagayan ko.

I was about to start my drive to the University for my 7am class nang biglang nagtext sa akin ang vice president ko na si Neil.

Neil:

Pres, big news. Someone is running for the Presiden position sa next election.

Kyle:

Really? Send me the details please.

Pinatay ko muna ang telepono at nilagay sa ibabaw ng passenger seat.

I was actually surprised to know someone was risking their life para sa president position in the student union.

The next election will probably be my third term of being the president kung sakaling mananalo.

For some reason hindi ko nga alam bakit walang kumakalaban sa akin tuwing election days. Hindi naman talaga ako nagexpect na manalo in my first term eh. I just did my campaign and I brought with me my advocacy about student equality. Then ayun, bigla nalang ako nanalo. It was a landslide win by the way.

The moment na nakaupo na ako sa puwesto ay talagang binigyan buhay ko kung ano talaga ang pinangako ko sa mga student ng university.

Hindi naman sa pagmamayabang pero feel ko kaya ako nanalo is because they really liked how I managed to fulfill my advocacy every time.

Nang nakarating na ako university ay dumeretso muna ako sa loob ng council room at nakita si Neil na nag aayos ng mga papers for the next elections.

"I sent the details to you, Pres. And here, hard copy na rin." Inabot niya sa akin ang folder na may laman ng information about sa candidate.

Nakatayo lang sa harap ko si Neil at parang iniintay akong buksan at basahin ang nasa loob nito.

Tinaasan ko siya ng kilay na ikinalaki ng kaniyang mata. Namula din ang kaniyang pisngi at umiwas ng tingin.

"U-uhm. Intayin sana kita, sabay na tayo sa first subject. If okay lang?" Sambit nito habang nakayuko.

Napansin ko na nilalaro niya ang kaniyang kamay na nakatago sa likod habang tinatapik ang sapatos sa lapag.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon