CHAPTER 20

99 2 0
                                        

NICHOLAI

The crowd went wild when Wave decided to go to the front para tanggapin ang alok na laro ni Kyle. Hindi ko alam kung bakit ako nakakramdam ngayon ng pagkainis at kaunting pagkadismaya sa nangyayari. I should have expected na hindi niya ako pipiliin kasi siyempre mas close sila ni Wave at alam ko rin naman na may nangyari na sa kanila. I just can't help but feel a little bit hurt about those certain idea, both na mas close silang dalawa and yung fact na may nagyari something between them.

Ngumuso ako at naisipan nalang na lumabas sa bahay na 'to para magpahangin. Tangina, nasa labas na nga tayo tapos mahangin na rin, anong kabobohan yung sinasabi mo Nico. Ang sabihin mo ayaw mong makita na hinihimod ni Kyle yung katawan ng kaibigan mo at naiinggit ka.

Inggit. I don't know if I should envy Wave just because of this stupid game. Hindi inggit itong nararamdaman ko, gusto ko lang talga ng katahimikan sa labas.

I rolled my eyes nang naghiyawan ang mga tao at umiwas na rin ako ng tingin. I can't stand to watch this whole thing. Aalis na sana ako pero may humawak sa balikat ko kaya inis ko itong nilingon.

"Oh gago, san ka pupunta?" ngiting ngiti na tanong ni Alex.

Gusto kong bangasan yung isang 'to para mawala yan nakakabwisit na ngisi sa bibig eh. "Bili lang sa labas." Malamig kong sagot at tinalikuran siya.

"Ay sus! Nagseselos ka lang eh." Aniya at tumawa nang malakas.

Umiling nalang ako dumiretso papunta sa labas ng gate. I even saw Alison and Reina laughing together while drinking sa isang gilid na tago. I don't know what's the catch sa pagitan nilang dalawa since ilang beses ko na rin silang nakikitang magkasama sa university and outside the school, pero wala na akong pakialam doon at wala ng balak alamin pa. Badtrip ako ngayon at gusto ko nalang makaalis sa lugar na 'to.

Mas lalong lumakas ang hiyawan sa loob kaya binilisan ko ang lakad papalabas ng bahay. I fished out the keys of my car habang naglalakad papalapit sa nakapark na black Mazda, pagkapasok ko sa loob ay pinaandar ko na ito agad.

I decided to go sa convenience store para bumili ng malamig na pagkain para naman kumalma yung ulo ko. Mayroon naman palamig doon sa party pero mas gusto ko bumili nalang para makaalis din doon. I turned off the car and went inside. The cashier at the front was looking strangely at me siguro dahil sa itsura ko.

Well guess what ate, si Joker ay sad ngayon dahil nakita niya si Harley Quinn na balak papapakin si Batman kaya pagbigyan mo na.

Nilapitan ko yung malaking ice cream freezer sa loob at kumuha ng isang tub ng ice cream na may peanut. Dumaan na rin ako sa isang isle at hinablot ang malaking balot ng mani saka dumeretso sa counter para magbayad. Bumili na rin ako ng plastic spoon para sa ice cream.

Hindi naman ako nakainom pa mula kanina kasi gusto ko siya makita at yung reaksyon niya kapag nalaman niya kung ano yung costume ko. Pero tangina, imbes na siya yung magulat sa naisip ko, ako pa ata ang nasurprise sa ginawa niyang kagaguhan na iyon.

I was really excited kanina lalo na't noon nakita ko ang reaksyon ng mga boys at sila Athena. Their shocked faces made me laugh so hard nang nalaman nila na partner ang costume namin dalawa ni Kyle. Pero yung excitement ko na yun ay naglaho kaagad at napalitan ng yamot.

Hindi ko rin alam anong trip nilang dalawa ni Reina at bakit ako ang tinawag niya sa harap para makipagbody shots. Yes I like Reina, may gusto pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon, pero this time alam kong paghanga nalang ang nararamdaman ko at hindi na iyon kalalim katulad ng dati.

Kaya nga galit na galit sa akin ang mga gago nung tinaggihan ko ang anyaya ni Reina sa laro niya. I just want to prove some point to myself na kaya kong tanggihan ang babae na gustong gusto ko, para lang sa isang tao na hayok na hayok ako makita at makasama ngayon.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon