NICHOLAI
It's already been three weeks since we last talked. I can still vividly remember how confessed his feelings for me habang umiiyak. It was shocking, nakakagulat na isipin na after all this time na pagsusungit niya sa akin ay sa likod pala non ay may nararamdaman na siyang kakaiba.
I was left speechless at that moment kasi hindi ko alam anong sasabihin ko. Although I had some women confessed their feelings to me and I always just shrugged them off since ayoko nga pumasok sa relasyon. But kay Kyle, hindi ko magawang masabi sa kaniya iyon, ni hindi ko nga ata kayang sabihin sa kaniya ang mga salitang palagian at nakasanayan ko na.
He's different. Kahit ako nalilito sa sarili ko bakit hindi ko siya nireject. Do I have feelings na ba sa kaniya? I'm so fucking confused at this point kasi ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam. He made me feel something different na hindi ko nahanap sa kahit sinong babae na nagdaan na sa'kin.
"He's avoiding me, Wave. Bigla niya nalang akong hindi kinausap at pinapansin. Hindi nga siya sumasagot sa mga messages ko eh." Ani ko kay Wave habang sumisimsim ng kape dito sa café sa tapat ng university.
He looked up from his phone and looked at me boredly.
"Of course iiwasan ka niya kasi umamin siya sa'yo. And guess what, you made him feel embarassed kasi wala ka man lang imik." He took a sip of his coffee and returned his attention to his phone.
"Kahit si Alison ayaw din ako pansinin."
Napahilamos ako ng mukha at huminga ng malalim tsaka sumandal sa upuan. This is making me crazy. Mas lalo akong nahihirapan now na parehas silang hindi na ako pinapansin. I understand kung bakit ako iniiwasan ni Kyle, pero si Alison? Why is she avoiding me as well.
Tumunog ang bell sa pintuan at pumasok sila Alexander at Callix. Nakita nila kami at agad na ngumisi nang nakakaloko. I rolled my eyes at them at pinikit ang mata. May dagdag na naman na pasakit sa ulo.
"Nandito lang pala kayong dalawa eh. So ano na balita, hindi ka pa rin pinapansin?" ani Alexander na pilit pinipigilan ang tawa.
Tinignan ko siya ng matalim. "Sasapakin talaga kita tignan mo."
"Chill lang. Tinatanong lang naman eh." Hindi niya na napigilan at tuluyan na natawa.
"Suyuin mo. Ganon lang yun." suhestiyon ni Callix at mas nagpatawa kay Alex.
"Ang problema, sino dun yung susuyuin niya? Yung lalaki o babae na kapatid? Tsaka yan, si Nico, manunuyo? Sa taas ng pride niyan ewan ko lang." si Alex habang hawak sikmura kakatawa.
Tumingin ulit si Wave sa akin at binigyan ako ng seryosong titig. "Sino ba kasi mas gusto mo na ngayon?"
Nakatingin lang silang tatlo sa akin at iniintay ang magiging sagot ko. This is what I love about this circle of friends. Kahit na straight kami, well except kay Wave, we never really judge our friends type and we are very open kung sino man ang matipuhan ng isa sa amin. It's something that we learned the hard way especially nung nawala si Nikolas.
Hay Nikolas. If only you were just here, sigurado ako mas maganda ang magiging advice mo sa akin kaysa sa mga gagong 'to.
"Ano? Gusto mo na rin si Kyle?" nakangising tanong ni Callix.
Tinukod ko ang dalawang siko sa tuhod na nakaparte. I held my head dahil sa gulo ng iniisip.
"I don't know! Fucking hell, I don't know." Halos mangiyak ngiyak ko nang balik sa kanilang tatlo habang hawak hawak ang ulo.
Tinapik ni Wave ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya. His cold stares pierced through me, pero walang wala ang mga titig na 'to sa kung paano ako tignan ni Kyle ngayon. That shorty can stare right through your soul and will make you question anong karapatan mo na tignan siya.
