CHAPTER 40

28 1 0
                                    

NICHOLAI

It's been already almost a year simula noong naging kami ni Darcy. We already finished this year's semester at sa susunod na pasukan ay third year na kami. The past events these past months were something na hindi ko inasahan na mararanasan. Hindi ko naisipan na isama sa mga plano ko o kahit naisipan na plano ang mga nangyari sa akin, at lalo na sa amin dalawa.

Sinabi na rin namin sa mga magulang namin ang tungkol sa relasyon namin dalawa. And just like what we both suspected, hindi na kami nagtaka kung bakit alam na nila agad dahil simula't sapul pa nga lang ay sila na ang may gusto mismo na magkatuluyan kaming dalawa.

Sino mag-aakala na simula bilang magkaibigan, childhood bestfriends noon, ay bigla nalang na magkikita ulit inn the future dahil hindi pa tapos ang bawat pagtagpo namin sa buhay ng isa't isa.

I was never the poetic type.

Hindi rin naman ako yung tipo na mahilig gumawa at magplano ng mga surprises. Kaya nga nakakabilib at hindi ako makapaniwala sa sarili ko dahil nagawa kong makapag-isip ng kakaibang supresa para sa kaniya, not just once, but many multiple times. Siya na nga rin ang napapagod sa mga naiisip kong pakulo pero hinahayaan niya nalang ako dahil alam ko naman na gusto niya rin iyong mga ginagawa ko.

Maingat akong nagpark sa tapat ng building ng condo namin dalawa para sunduin siya. Right, we also started living together dito sa condo niya dahil mas malaki ang space nito kumpara ng sa akin. Napagdesisyon nalang namin dalawa na hatiin ang gastusin dito dahil alam ko naman na simula noong nawala na ang tradisyon ng pamilya niya ay lagpas kalahati ng mga kayamanan nila ang nawala sa kanila.

That major and life changing event really changed my boyfriend's life. Kaya as much as possible ay gusto ko siyang tulungan sa mga gastusin namin dalawa.

But if I'm being honest, kahit na ganoon ang nangyari sa pamilya niya ay mas mayaman pa rin siya in comparison to Wave.

Sadyang medyo may pagkapraning lang talaga ako minsan kahit na hindi naman ganoon kabagsak ang nangyari sa kanila. Though, the only important thing right now ay yung nasa tabi niya ako at dinadamayan ko siya sa pagbuild ng sarili niyang future without the help of his family's wealth.

I reached my phone inside my pocket and called his number para sabihin sa kaniya na nadito na ako sa baba.

Bago pa ito tumunog at magring ay nakita ko na siya na lumabas sa pintuan ng building at nagmamadaling bumaba ng hagdan habang bitbit ang isang maliit na box. I decided to go out of the car at umikot sa pintuan ng passenger seat at binuksan iyon para sa kaniya.

Sakto ang pagkalapit niya sa pintuan pagkabukas ko. Nakangiti kaming nagtingan dalawa bago siya tumingkayad at binigyan ako ng isang matamis na halik sa pisnge.

"Thank you." he said in his sweet voice before entering the car.

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kakaibang init sa dibdib at napangiti sa sarili. Even after all these times, I still can't help but feel happy everytime he does that. I really love it when he do sweet and cheesy things, and dahil sa palagian niyang pag-gawa ng ganoon ay para akong laging nasa ulap.

Grabe. Kahit na araw-araw kong nakikita ang mukha niya at araw-araw na naririnig ang boses niya, especially kapag dumadaldal siya about his engineering lessons, hindi pa rin ako nauumay at parang wala ata akong balak na magsawa.

His voice and face has always been my stress reliever tuwing gumagawa ako ng business plans. And of course, his sweet antics that never failed to make me smile ang nagiging dahilan kung bakit ako mas lalong nahuhulog pa lalo sa kaniya.

"Huy, yung pinto isara mo na. Umalis na tayo at anong oras na." pagsusungit niya kaya napatangin ako bigla sa kaniyang mukha. His brows were knitted at me pero may maliit na ngiti sa gilid ng labi.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon