CHAPTER 2

217 7 0
                                        

NICHOLAI

I placed my extra compression shirt inside my duffle bag at ikinawit ito sa aking balikat. The boys invited me na mag gym daw kami before we go the party sa bahay ni Athena.

It's been days after ko mapag isipan na mag file ng candidacy for student union president. Hindi ko naman talaga iniisip na manalo dahil alam ko naman I have no chance against Kyle. Ginawa ko lang naman yun kasi gusto ko siya inisin dahil nayayabangan ako. Wala daw tumatapat sa kaniya eh, edi itry natin subukan. Plus gusto ko rin magpapansin para mapalapit sa kapatid niya.

I'm not sure why I haven't noticed him sa loob ng university especially with him being the student president. Mailap lang siguro na pagtagpuin kaming dalawa, not that I care though. Ngayon ko lang siya narinig and seeing him in person, talagang he's living up to his name as the 'untouchable' guy.

And apparently there are rumors surrounding him na he's a gay man. It's actually pretty obvious dahil halata mo naman sa itsura niya na isa siyang bading. He's features are too feminine kaya siguro napagkakamalan siyang ganoon. Although wala naman akong problema sa mga ganoong tao, I support them pa nga eh. There is just this common misconception na kapag straight ka tapos okay ka lang sa mga bakla ay gusto mo na rin ang mga katulad nila. It really irks me knowing some people think like that.

Sadyang may mga lalaki lang talaga na feminine ang itsura pero straight naman sila. I wouldn't jump in to conclusions about his sexuality based on some rumors, unless siya mismo ang magconfirm non. Which I know hindi niya gagawin, halata naman sa itsura na he's that unbothered about people's opinion towards him.

Hinaplos ko ang aking buhok at inilagay ang sports headband at napagpasyahan nang umalis.

My phone keeps on beeping at nakita ang messages sa group chat namin mga boys.

Alexander:

Nico, dude bilisan mo dali nandito yung hot chick mo last time. Hinahanap ka.

Callix:

Yup, kasama rin yung nakalandian mo sa may Makati last week.

Nicholai:

On my way, hehe

Umiling ako sa sarili at binasa ang ibabang labi. This makes me so excited kaya binilisan ko ang pagpunta sa gym.

Naglalakad palang ako sa pinto ay tanaw ko na agad ang mga kaibigan ko na may kinakausap na babae at kita nga naman na nagpapasikat silang lahat.

Alex is flexing his biceps at pinahawak pa nga sa isang babae na naka pink na sports bra. Si Callix naman panay ang basa ng labi at ngisi sa kausap niya. Surprisingly, si Sebastian ay may kausap na lalaki na nasa treadmills. And of course wala na naman si Wave dahil busy na asikasuhin ang business niya.

Pagpasok ko ay tumingin sa akin ang mga kaibigan ko at ngumise.

"And here's the breakfast girls." Natatawang sabi ni Alexander kaya humagalpak ang lahat.

I gave him my middle finger at naiiling na lumapit sa kanila.

My smile became wider nang nakita ko si Sam na nakatingin sa akin habang papalapit ako sa kaniya.

"Tagal mo ha, clingy ba ng bago?" She smiled at me then places her hands over my shoulder.

I snaked my arms around her waist then pulled her closer to me until our bodies bumped. Inilapit ko ang aking ilong sa kaniyang leeg at inamoy ang pamilyar na pabango nito. I grazed my lips lightly over the side of her neck that made her shiver because of the touch.

"Hoy, mamaya na yan ganiyang work out tangina mo Nicholai." Binatukan ako ni Alexander at humagalpak.

Tinignan ko siya ng masama at hindi man lang natinag sa kakatawa.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon