CHAPTER 18

103 2 0
                                        

NICHOLAI

I slowly returned to my seat habang nagtatablahan pa rin ang mga mata namin ni Kyle. It was an accident! Hindi ko sinasadya na ayusin yung buhok niya na nakaharang sa mata niya. For real, aksidente lang ang ginawa ko na 'yon.

We started to eat out lunch in the middle of some talks and laughter. Hindi ako masyadong sumama sa pag uusap nila at tinuon lang ang atensyon sa kaharap ko.

He's eating some chicken with mashed potato na may kasamang apat na piraso ng muffins. Pansin ko na medyo mahilig siya sa tinapay, kahit na nung kumain kami sa may bay area ay puro breads and pastries ang binili niya plus isang box ng pizza.

Iniiwasan niya ang tingin ko simula palang nong una. Siguro nahihiya 'to kasi nahuli ko siyang nagsinungalin sa akin at hindi pa pala kumakain ng tanghalian. I knew he was lying earlier when I messaged him kaya si Alison ang inaya ko at sinabing isama ang kuya niya.

Now that he's avoiding my gaze, I took this my opportunity to stare at him closely and properly. Tutal nagpakastalker na rin naman ako nung nakaraan, why not sulitin nalang din lalo na't nasa harap ko na siya.

His eyelashes are long enough that everytime he blinks, it brushes below his eyes delicately. He got a small pointy nose with an almost perfect nose bridge na mapagkakamalan mong pinagawa sa doktor, pero hindi, kasi minsan niya nang nasubsob yung ilong niya sa libro dahil nakatulog siya habang nagbabasa sa library. Puffy cheeks na para bang siopao sa taba at ang lambot tignan. Fair and flawless, at halos walang bakas ng kahit anong imperfections. Mapapaisip ka nalang na pinaglaanan talaga ni Lord na gawin siya dahil sa itsura niya.

And of course, his lips. Hindi makakatakas sa paningin ko ang labi niyang maliit pero medyo pouty. Para bang dila ng rabbit yung kulay ng labi niya na laging makintab. Binasa ko ang ibabang labi ko at napalunok bago itinuloy ang pagkain.

His lips are not so very good to look at for a long periods of time. May kung anong pananabik ang humahatak sa akin na parang gustong siilin ito sa mapupusok ng halik, and sigurado ako na hindi maganda ang mangyayari kapag nagtuloy tuloy iyon.

"Uy oo nga pala, may party kami sa bahay ni Athena this coming holloween. Sana pumunta kayong dalawa ni Kyle." Ani Alex kay Alison na bakas sa mata ang excitement.

Inangat ko ang tingin papunta kay Kyle at sabay na nagtagpo ang mga mata namin. We immediately avoided each others' gaze and looked to our food, inikot ikot namin ang tingin pwera lang sa mata ng isa't isa.

Tumikhim si Callix kaya parehas kaming bumaling sa kaniya. He got that playful at mapang asar ng ngisi sa labi. Minasamaan ko siya ng mata pero lalo lang nag angat ang ngisi nito na sinabayan din ni Alex.

"This Saturday yung party, punta ka Mr. President. I'm sure maeenjoy mo yun." mahinahon na sambit ni Wave sa kaniya.

"He doesn't like noisy pla-"

"Sure. Need ba na may costume?" putol ni Kyle sa akin.

Agad ko siyang pinagsalubungan ng kilay. Narinig ko ang hagikgik ni Seb sa tabi ko kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"Yes. Mas better if meron." Sagot ni Wave sa kaniya na tinunguan niya at bumalik sa pagkain.

Naramdaman ko ang paglapit ng mainit na hinga ni Seb sa aking tenga. "Wag ka na kasi umepal. Tinutulungan ka na nga eh." He whispered quitely making sure na ako lang ang makakarinig.

Hindi ko na siya pinansin at tinapos nalang din ang pagkain. Sumandal ako sa upuan at inabot ang cellphone sa bulsa. I opened my messages app at pinindot ang conversation namin ni Kyle.

Nicholai:

Are you sure okay lang sa'yo na pumunta? Okay lang to decline.

Kahit hindi ko iangat ang tingin sa kaniya ay kita kong kinuha niya phone niya sa bulsa at binasa ang message ko.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon