CHAPTER 24

17 2 0
                                    

NICHOLAI

I still can't believe all these things na narinig ko mula sa mga magulang ko at kay tito Armando. I never knew that I had this kind of past before pero nalimutan ko lang ang lahat. Hindi ko lubusan na maisip na nagawa kong kalimutan ang isang tao na lagi akong nakadikit at laging iniinis, ang isang tao na handa akong protektahan laban sa mapang api na mundo, at ang tao na kaya kong isugal ang lahat para lang mapanatili siya sa tabi ko.

Ito ang minuto at pagkakataon na siguro magtagal ko nang iniintay para lang maintindihan ko kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko para kay Kyle. Now that this moment has arrived, mas lalong naging klaro sa aking isipan na totoo nga na nahuhulog na rin ako sa kaniya ng hindi ko lang namamalayan.

O baka siguro matagal na akong nagsisimulang mahulog dahil sa mga tawa niyang ang sarap pakinggan noong nasa villa kami sa Boracay. O baka naman siguro sa mga mata niyang may dalang kakaibang kislap tuwing tinatamaan ng araw, mga mata na mistulang may kakaibang dilim at misteryo na humahatak sa akin pailalim.

Or maybe because I have already fallen for him ever since we were just kids. That this feeling, warm feeling, has always been inside my heart at natagalan lang ulit bago ko ito muling naramdaman.

Huminga ako nang malalim at sumandal sa bakal na duyan dito sa likod ng garden nila. My parents told me that this duyan was our favorite place na puntahan tuwing galing kaming school at naiisipan na magpahinga dahil sa pagod kakalaro.

Muli kong tinignan ang litrato na binigay sa akin ni dad habang dinuduyan nang marahan ang sarili. It was a portrait picture of me and Kyle na nakaupo mismo dito sa duyan na ito. Nakaupo ako habang si Kyle naman ay nakakandong sa aking hita, nakabalot ang mga braso ko sa kaniyang bewang at yakap yakap mula sa likod.

Naramdaman ko na may sumilay na maliit na ngiti sa labi ko. So this was the kind of person Kyle was before he became the cold and snobish person he is now. Hindi halata sa kaniya na ganito siya kaclingy. Sa itsura pa lang kasi niya na nakakaintimidate talaga ay siguradong hindi mo maiisipan na yumakap, baka nga hawakan lang ang kamay ay hindi rin magagawa sa sobrang katarayan nito.

Napailing nalang ako nang naalala ko yung unang pangyayari na nagdikit ang mga katawan namin. Pansin ko nga nang mga panahon na iyon ay parang sobrang komportable niya sa akin pero hindi niya lang siguro napapansin sa sarili niya. I guess he lost that kind of awareness of being soft dala na siguro ng aksidente na nangyari sa amin.

Binulsa ko sa loob ng jacket and litrato, I stayed for a little while here sa duyan na banayad lang ang paggalaw. The morning sun reflects the clear fish pond, and the refreshing wind calms my mind. Ngayon alam ko na ang balak kong gawin. Sigurado na ako sa gusto ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad pabalik sa loob ng mansyon para umakyat na sa kwarto ni Kyle. Pumanhik ako sa mahabang spiral staircase nila, nakita ko ang isa sa mga kasambahay nila na nakatayo lang sa labas ng pintuan ng kwarto niya at may hawak na tray na may isang baso ng gatas at mga assorted na tinapay.

Nanatili lang akong nakatayo mula sa bukana ng hagdan at pinagmamasdan kung paano mag pabalik balik ng lakad si ate, hindi siya mapakali at parang nagrerehearse pa ata ng sasabihin bago kumatok sa pintuan ng kwarto ni Kyle. I can sense the nervousness in her body language and the way she holds the tray with a little bit shakiness.

Kinagat ko nalang ang ibabang labi para maiwasan na matawa sa itsura niya. I can't blame her though, kasi if I were the kasambahay, kahit ako ay kakabahan sa amo ko lalo na kung ganoon katalim kung tumingin at magsalita. But nah, I ain't afraid nor even nervous around Kyle because I know that cold demeanour is just a façade at hindi naman talaga siya ganoong klase ng tao.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon