KYLE
Tahimik lang ako nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa labas ng bintana. I admit, nalimutan ko talaga na kaarawan ko pala ngayon dahil sa sobrang dami kong ginagawa. With the amount of stress na nakuha ko sa kakaisip at kakahanap ng paraan paano makukuha ang lupa na binigay ko, to the reviews na ginawa on the whole week for the midterm exams.
Iyon siguro ang dahilan bakit ako nagkasakit bigla. Hindi naman ako saktin na tao, pero once na tinablan ang katawan ko ng kakaibang pakiramdam, para talaga akong mamamatay na.
Tumingin ako sa gawi ni Nicholai at bakas sa gwapo nitong mukha ang excitement at saya. Hindi ko alam kung dahil ba sa pupuntahan namin or baka dahil pinadrive ko sa kaniya itong sasakyan ni dad. Pero for whatever reason, I somehow like how the way he smiles.
Ngayon naiintindihan ko na bakit ang daming babae na nahuhumaling sa asungot na 'to.
"Birthday din ni Alison ngayon eh." Simula ko para kahit papaano ay mabasag naman ang nakakabinging katahimikan.
"Oh really? I didn't know honestly." Gulat niyang balik at lumiko papasok sa isang parking lot.
"Yeah. Same kami ng araw pero magkaiba lang ng taon."
It was actually cute to know na parehas kami ng birthday ng kapatid ko pero hindi naman kami twins. Nauna lang ako ipinanganak sa kaniya ng isang taon. We usually celebrate our birthday together either out of the country para magbakasyon or sa bahay lang kapag tinatamad kami parehas. Dad really loves planning for our birthday, kadalasan nga na siya pa ang nauunang magbook at magpareseve ng kung ano ano one week before the actual day. We really love and thankful for our dad because of his efforts despite being a single parent.
"Akala ko nga kayo magcelebrate dalawa eh." Maihina kong sabi at binalik ang tingin sa bintana.
"She never told me about that. Ang sinabi niya lang ay birthday mo ngayon, kaya here I am. Celbrating it with you instead." He softly explained habang nagpaparallel parking.
Celebrate with you instead? Ano daw? Bakit naman birthday ko ang icecelebrate namin dalawa. I mean hindi naman sa nagrereklamo ako or what, pero si Alison yung nililigawan niya kaya dapat lang na siya ang kasama niya in this special day.
Nagsalubong ang aking kilay pero hindi na ko nagsalita pa tungkol sa sinabi niyang celebrate with me. Tsaka paano naman nalaman nito ni asungot na mahilig ako sa museum, eh hindi ko naman sinasabi sa kaniya. Ay, sigurado ako si Alison na naman ang may pakana ng araw na 'to.
Pinatay niya na ang makina ng sasakyan at nag ayos saglit ng buhok gamit ang camera ng kaniyang phone.
"Let's go." Ngumiti siya sa akin at nauna nang lumabas.
Nakita ko siya na umikot sa harap para pagbuksan ako ng pintuan pero inunahan ko na siya rito at binuksan ko na iyon. Muntikan pa nga siya matamaan ng pintuan pero buti nalang ay nakaiwas siya agad.
"Sorry." I whispered at isinarado ang pintuan pagkalabas.
Umikot ako at tumingin sa kaniya. Nahuli ko ang titig niya sa suot kong khaki turn up shorts at silk shirt na puti. Kumunot ang aking noo dahil sa hita ko ang mga mata niya kaya pinitik ko ang daliri ko sa harap niya at gulat siyang napatingin sa akin.
"Ano? Tapos ka na?" nakangise kong sabi sa kaniya.
Nagkamot siya ng ulo at batok habang ang isang kamay ay nakapamulsa. "A-ah yes. Pasok na tayo." Nauna na siyang naglakad kaya sinundan ko nalang ito.
Ang maganda sa museum na ito ay hindi lang puro mga paintings, marami rin klase ng sculptures at fossils na pwedeng makita. May mga interactive areas din na makukulay at magandang kumuha ng litrato. Una namin pinuntahan ang isang area na madilim at tanging mga ilaw na parang bituin lang ang nasa itaas.
