CHAPTER 29

15 2 0
                                    

KYLE

I shouldn't be doing this.

Hindi ko dapat inisip na gawin ito sa una palang dahil alam kong kapag nalaman ni Nico ang ginawa ko na ito ay sigurado akong magagalit siya. And I know sa sarili ko na hindi ko kayang gumawa ng dahilan once na nalaman niya itong binabalak ko.

Binagalan ko ang takbo ng sasakyan habang naghahanap ng parking dito sa loob ng mall. I'm planning to meet someone na inarrange para sa akin ni Alison because that guy told her na gusto nitong makipagkita sa akin. Honestly, wala talaga akong ideya kung sino itong lalaki na gustong makipagkita sa akin dahil wala naman sinabi sa akin na clue si Alison.

Nang nakapagpark na ako ay kinuha ko ang bag ko mula sa passenger seat at pinatay ang sasakyan bago lumabas. I fished out my phone inside my backpack habang naglalakad at nakita ang isang message na mula kay Nico.

Asungot:

Darcy, magovernight lang kami sa condo ni Wave. Promise walang babae.

May isang litrato na kasunod ng text message niya. I can't help but smile when I realize how honest he is when it comes to relationship things. Hindi ko lubos akalain na magiging ganitong klaseng tao siya once na naging seryoso siya, I'm just lucky dahil ako ang unang taong nakaranas ng ganitong side ni Nico.

But then I remember kung bakit ako nandito sa mall.

To meet a man.

How ironic is that? Yung ako yung nagsabi at nagduda sa kaniya dahil sa history niya sa mga babae, tapos heto ako ngayon balak makipag kita sa isang lalaki dahil lang sa sinabi kay Alison na gusto akong makita. I just can't seem to wrap my head around kung sino itong mystery guy na ito. At sa dinami dami ng pagkakataon na makipagkita siya sa akin, ngayon niya pa talaga naisipan kung kailan mayroon akong exclusive na manliligaw.

Pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang mangaliwa kay Nico dahil sa kaniya lang ako interesado. Although alam ko naman na everyone has the capability to cheat. Lahat ng tao ay may kakayahan na maghanap ng iba kahit na mayroon na silang kinikitang tao. Nasa sa atin nalang siguro kung pipiliin natin na gawin iyon. It's our decision in the end, our own conscience that will eat us up kung mayroon man tayong ganoon.

Pero just like him, wala na akong ibang taong gustong makasama pa kung hindi siya. If not him, if not Nico, then wag nalang din. Ginagawa ko lang talaga itong patagong pakikipagkita sa iba ay dahil sa request ni Alison sa akin. Isa rin sa naisip ko ay bakit hindi na lang si Alison mismo ang makipagkita sa lalaking ito. Pero sigurado naman ako na hindi magrerequest si mysterious guy kung hindi talaga siya seryoso sa gusto niya.

Tumunog ang cellphone ko at may nareceive na message mula kay Alison. She told me that the guy was already waiting sa loob ng Wolfgang. Napataas ako ng kilay sa isipan. I can feel mayaman itong si mystery guy. Sa dinami rami ng kainan dito sa loob ay talgang sa steakhouse niya pa na iyon napili.

Naglakad ako papunta sa sinabi niyang resto at tumayo sa harap ng frontdesk dito. Nilibot ko ang aking mata sa loob at labas para makita kung sino ang lalaking kikitain ko pero napagtanto ko na wala nga pala akong ideya kung sino siya. Pero if he planned to see me, then dapat siya ang lumapit sa akin kung nakita niya na ako.

Ilang minuto akong pasimpleng tumitingin sa loob pero wala talaga. My phone vibrated on my hand pero lumapit sa akin ang agad ang waitress sa labas at kinausap ako.

"Yes po Sir? Do we have reservations po ba? Or table for what?" nakangiti niyang sambit sa akin na nginitian ko rin.

I raised my hand at nahihiyang yumuko nang kaunti. "Ah, wait lang miss ha. Check ko lang yung kausap ko."

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon