CHAPTER 12

23 2 0
                                    

NICHOLAI

The exam week was over like that. Ang bilis lang lumipas ng isang linggo na puro exam at halos lahat kami ay nakafocus sa pagrereview. I have to maintain my grades and my status as a consistent dean's lister, mahirap na, baka masabihan pa na babaero na nga hindi pa nagaaral.

Naisipan namin mga boys na maghang out muna sa condo ni Wave dito sa Eastwood at ituloy ang celebration na dapat ginawa namin nakaraan pero bumisita kami kay Nikolas.

We just ordered some takeouts and a few bottles of Black Label na binili nila Alexander and Callix before going here sa condo.

Nakaupo kami sa ma malaking sofa niya here sa lounge area niya, his place is actually the penthouse of this building. And actually sila ang may ari nito kaya it's not surprising to know why ganito kalaki ang tinutuluyan niya.

"You know si Kyle..." si Wave at nagsalin ng alak sa kaniyang baso.

We looked at him interested, especially me since ngayon ko lang naalala na hinatid niya pala si Kyle sa villa nila nung nasa Boracay kami. I never got the chance to ask him about it since pagod din kami sa biyahe lahat and need magreview because of the exam.

"What about him?" ani Alexander at kumuha ng isang piraso ng pizza.

"He was actually the business partner na tinutukoy ko last time." inisang lagok niya ang baso at napangiwi sa pait.

So yung business deal niya pala nung araw na pumunta kami sa cemetery was a business between him and Kyle. I didn't know Kyle has business pala.

"And here's the fucking catch mga dude." Umayos siya ng upo at itinukod ang braso sa dalawang tuhod na nakaparte.

Nakatingin kaming lahat sa kaniya at iniintay siyang magsalita. He playfully smirked at us, "He's rich dude, like sobrang mayaman talaga." Umiling iling siya at ininom ang baso niya na may alak.

"How rich ba?" si Sebastian

Tinuro ni Wave si Sebastian at ngumiti. "Richer than me gago." Natatawa niyang sambit kaya lahat kami ay nanlaki ang mata sa narinig.

I furrowed my brows at tinukod din ang siko sa tuhod.

"What do you mean?" nagtataka kong tanong kay Wave

"His networth, two times than mine. Meaning to say, yung yaman niya is a combination ng yaman naming buong pamilya." Agap nito.

"And that is just his fucking networth alone. Yaman niya lang yun. Hindi pa kasama buong pamilya niya." natatawa siyang umiling at nagsalin ulit ng alak sa baso.

Namilog ang mga mata namin dahil sa narinig. I leaned back against the sofa and placed my hands behind my head. Natulala lang ako sa kisame habang iniintay na magsink in at magregister sa akin ang sinabi ni Wave.

I knew he was a rich kid. Pero hindi ko inasahan na ganoong klase ng yaman pala ang meron siya. I can't somehow comprehend how rich he is at that age, nakakapagtaka kung iisipin na paano siya naging ganoon kayaman agad sa murang eda. He's just around our age, mas bata pa ata kaysa sa amin. Alexander is 21, the oldest in our group, and the rest of us ay mas bata lang sa kaniya ng ilang buwan. But Kyle, his sister told me na he's just 20 pa lang. Damn. Now I understand kung bakit siya pinerahan ng eyyfriend niyang gago, marami pala kasing makukuha kaya pinagsamantalahan niya.

"And eto pa ha." Wave licked his lips at tumingin ulit sa amin.

"The villa na tinuluyan natin doon sa Boracay, he owns that as well. Hindi lang yung business na yun, but also the fucking land. Siya may ari nung resort business pati ng lupa." He exclaimed and raised his hands in full amusement.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon