CHAPTER 38

15 1 0
                                    

NICHOLAI

"Nico! Let's go magsisimula na yung game." Rinig kong tawag sa'kin ni Wave habang nag-iintay sa labas ng parking lot dito sa arena.

We have been preparing for this championship game for months now, at ngayon na gaganapin na ang laro ay hindi ako mapakali. First of all because this game may be the game na maibabalik na namin sa university ang title na champion after 5 years. And secondly, na mas lalong nagpapakaba sa akin, ay dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Darcy.

Napag-usapan kasi namin na magkita nalang dito sa arena since kasabay niyang pumunta yung group ni Reina, saka may final practice rin kami na ginawa kagabi kaya napagkasunduan namin na hindi na magsabay pumunta.

Lumapit sa akin si Wave at tinapik ako sa balikat.

"Sino ba iniintay mo? Kanina ka pa nasa labas." Nakakunot noo niyang tanong sa akin.

I bit my lip at patuloy na hinanp siya sa gitna ng mga taong nagsisipasukan na sa loob. This game is the championship game kaya maraming tao ang nanonood ngayon, but I don't give a single damn about them dahil hindi sila ang gusto kong makita kung hindi yung boyfriend ko.

"Si Kyle ba?" agap na tanong ni Wave kaya napalingon ako sa kaniya.

My brows furrowed, "Nakita mo?". May halong excitement sa aking boses na ikinangiti niya.

Natatawa siyang umiling sa akin at tinapik ulit ang balikat ko.

"Hindi. Kaya tara na baka magalit pa si coach. Pupunta rin yun baka natraffic lang." pangungumbinse niya sa akin.

I sighed deeply at dismayadong tumango. Nauna na siyang naglakad at sumunod nalang ako sa kaniya. Bago kami tuluyan makapasok sa loob ay sumipat muna ako ulit sa huling pagkakataon at baka sakaling makita na siya, pero mas lalo lang akong nalungkot nang wala akong makitang anino ni Darcy.

Lakad patakbo ang ginawa namin dalawa ni Wave papunta sa may players locker room. Pagkapasok namin sa loob ay nakita namin ang ibang boys na nag-aayos, yung iba ay nagsstretching pa. Lahat sila ay busy sa mga sarili nila at talagang walang nagpapansinan.

Nakita ko si Callix na nakasandal sa locker at magkasalubong ang kilay habang nagttype sa cellphone niya.

Napapansin namin na he's been like this for a few months now, pero hindi namin siya tinanong kasi mas better na siya mismo ang magsabi at ayaw naman namin makialam sa problema niya. He knows that we are all here to support him at handa kaming makinig sa kaniya kahit anong problema man iyon. Iniintay lang namin siya na magopen up sa amin, but I guess he wants to handle it on his own based on how long he's been keeping it away from us.

I placed my duffle bag sa ibabaw ng bench at inisa isang nilabas ang jersey ko at sinimulan na magpalit. Lumapit si Wave sa akin habang naghuhubad ng suot niya at mahinang bumulong.

"Kayo na ba?" he curiously asked.

Kunot noo akong napatingin sa kaniya, I tried to stifle my smile pero nakita niya ang maliit na ngiti na pilit kong pigilan. Binaling niya ang mata sa dibdib ko at nakita ang suot kong necklace na may initial ng pangalan ni Kyle. Lumabas ang pilyo niyang ngiti sa akin at umiling.

"Okay na wag mo na sabihin, alam ko na. Siya pala yun katabi mo sa kama. Now I know." tumango tango siya sa sarili at bahagyang natawa, tinuloy ang pagpalit ng damit at hindi na ako pinansin.

Marahan ko siyang siniko kaya napatingin ulit siya sa akin, the playful smile on his lips never faded at mas lalong nakakapangasar ang itsura niya.

"Shut up. Hindi pa namin pinapaalam." I glared at him and gave him my warning tone.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon