CHAPTER 6

30 2 0
                                    

NICHOLAI

I reached for my phone inside my pocket when I felt it vibrate. Dismissal na ng huling klase ko ngayon araw at napagisipan na bumisita muna sa kapatid. Binuksan ko ang cellphone at nakita ang mga messages sa group chat namin mga boys.

They were inviting me to drink later tonight sa bahay ni Wave to celebrate some minor successs with his business.

Wave is a very strict peron at talagang makikita sa kaniyang tindig na isa siyang seryosong tao. He had women in the past pero lahat ng iyon ay mga serious relatioship. He's not actually the type to play around dahil maraming siyang bagay na kailangan asikasuhin, and fucking girls left and right is something he considers a huge waste of time.

Sa aming magkakaibigan, si Wave talaga ang pinakamayaman dahil simula palang noong senior highschool kami ay naghahandle na siya ng business na ipinamana sa kaniya ngayon ng papa niya. Although all of us are rich naman and can afford to get the things we want, but compare to him and his family, kahit pagsama-samahin ata lahat ng yaman namin ay baka hanggang kalingkingan lang ito ng kanila.

Nakasanayan na namin na maginuman every little victory any of our friends get. Although we're not those type of deliquents na walang pakelam sa pag-aaral. There are just times lang talaga na need ng kaunting celebration as a commendment of the hard work.

This kind of attitude ay nakuha namin lahat sa kapatid ko. He was once part of our group since junior high school, pero unfortunately... he doesn't belong to us anymore.

Nicholai:

Can't go today. It's the day of the year today, remember?

Alexander:

Oh shit, I forgot sorry sorry.

Wave:

Ah, oo nga pala. Samahan ka namin?

Nicholai:

It's okay dude. I can go alone naman na.

Callix:

Of course sasamahan ka namin. Meet you there sa parking.

I shake my head because of pure amusement.

Kahit na ilang beses na namin pinag usapan na kaya ko naman puntahan yung kapatid ko, they still insist to go with me everytime. Well I guess they consider him as part of the group. Sabagay, naging sobrang malapit din siya sa kanila kaya talagang ganito siya kahalaga sa mga kaibigan namin.

Naglakad na ako palabas ng room at dumeretso sa parking lot. Nadaanan ko pa nga si Alison sa labas ng building nila, pero I was occupied by the thought of my brother kaya kumaway lang ako at ngumiti.

She smiled back at me with her model smile. Her smiles always feels warm everytime na nakikita kong nakatuon para sa akin. Hindi na ako nagtagal pa at binilisan na ang lakad dahil naririnig ko na rin ang ingay ng mga boys.

"We have to bring something dude, kahit siguro flowers?" suwestiyon ni Alex kay Wave at tumango naman ang huli.

"How lang was it nang huli natin siyang nakita?" si Sebastian na naka kunot ang noo trying to remember the last time he saw my brother.

Callix was about to answer him when he saw me close to them.

"Nico! Ano, let's go?" ani Alex at tumingin sa akin nang malambot.

Gusto ko sanang magbigay ng comment sa mga pinagsasabi nilang plano pero I just shrugged it off. Kung gusto nilang magbigay ng kahit ano sa kapatid ko ay wala naman problema sa akin.

As a matter of fact, it makes me happy pa nga knowing my brother was loved before he left. We, especially him, knew that he had these people around him that supported him throughout his happiest and craziedt times. At alam niya sa sarili niya na hindi namin siya iniwan kahit na ilang beses niyang pilit na isinasarado kami sa buhay niya when everything started going down the hill. But in the end... we were too late and it was all useless.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon