CHAPTER 25

19 3 0
                                    

KYLE (R-18)

Nagising ako at dahan dahan na minulat ang mata nang may naririnig ako mahihinang hilik sa tabi ko. I was lying on my side kaya kunot noo akong tumingin sa kana kung sino yun. Pagkatingin ko ay sinalubong ako ng mahimbing na natutulog na asungot.

Tuluyan na akong tumagilid sa kanan paharap sa kaniya. My bed was quite big for the two of us, kahit sa laki ni ni Nico ay halos kasya pa nga ang isang tao sa ginta. He's sleeping peacefully on his back beside me, medyo malayo sa akin at nasa side niya ang kabuuan ng comforter ng kama.

I smiled a little at dahan dahan na umusog palapit sa kaniya. Maingat kong inayos ang aking higa sa tabi niya para titigan siyang matulog.

This is actually the first time that I get to stare at his face this close. Kahit dati ay hindi kong magawa na titigan siya kasi iniiwasan ko na yumabang na naman 'tong asungot na 'to kasi feel na feel niya na ang gwapo niya.

Well, I can't lie. Hindi ko na kailangan pa na itanggi na gwapo nga siya kahit naiinis ako sa itsura niya minsan. I watched his mouth agape while snoring lightly. His defined jawline na kayang kaya makahiwa kung matalim lang, mga ilong na matangos at saktong sakto lang laki para sa kaniyang parisukat na mukha. He has a short clean hair cut na mas lalong nagpagwapo sa kaniya, mas bumagay sa kaniya ang ganitong hairstyle dahil medyo brusko ang kaniyang itsura.

Pinanood ko kung paano mag taas at baba ang kaniyang dibdib sa paghinga, his chests are very chiseled kahit nakasuot siya ng itim na tshirt. Tinapunan ko rin ng tingin ang kaniyang kamay na nakapatong lang sa kaniyang sikmura, malaki ito kumpara sa akin at maugat din dala siguro na hilig niya sa pagwwork out.

I sometimes can't control myself from heating up and feeling the butterflies in my stomach tuwing hahaplos ang mga magaspang niyang kamay sa akin. There's just something about the roughness that brings me shivers and makes my skin raise some goosebumps.

Bumalik ang mata ko sa mukha niya at napag isip nang malalim.

Who would have thought that this person sleeping beside me was the same person na kinaiinisan ko months ago. Hindi ko rin lubos na akalain na itong lalaki na 'to ay naging isang malaking parte pala ng aking buhay nang hindi ko man lang alam. Pero looking at him now and then comparing him from old Nico I used to know, I can really say the fact that he's a different person than what I remembered him to be.

Umayos ako ng higa at tumingala sa kisame. My mind started to go back to some of the memories of my childhood with him, mga alaala na hindi naburang tuluyan ng aking isipan. I closed my eyes and tried to vividly let the so called rewind of my past to replay in my mind.

Mabilis akong tumakbo papalabas ng mansion para salubungin si Nico mula sa sasakyan niya. Dad told me that tito Narcisus and his family will be visiting us today for some meeting na I can't understand.

I'm just so excited to see Nico kasi I want to show him my new toys na lutu lutan na sa kwarto ko. Even though he doesn't like those kinds of toys ay nakikipaglaro pa rin siya sa akin at hinahayaan akong paglutuan siya habang kumakain kami ng favorite niyang peanut butter sandwich.

Napangiti ako nang malapad habang nakatayo sa may bukana ng malaking pintuan namin habang nakatingin sa malaking kotse nila na itim na umikot sa fountain sa tapat. Nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng hagdan ay agaran akong tumakbo pababa para sunduin si Nico sa loob.

"Anak, don't run baka mahulog ka." Rinig kong sabi ni mommy na nakasunod sa akin pero hindi ko siya pinansin at tumakbo pa diretso sa kotse.

Bumukas ang pintuan sa likod ng kotse nila at lumapad ang ngiti ko nang nakita si Nico na lumabas. Lumapit ako sa kaniya at tumalon ako para yumakap ng mahigpit. I felt his slender arms around me and embracing me as well. Tumingala ako sa kaniya kasi he's super tall kahit na nasa grade 4 pa lang kami. It's also the reason why so many girls sa classroom namin ang nagkakagusto sa kaniya, kaya nga ako laging nakakapit sa kaniya para ako lang ang tignan niya at hindi yung mga girls na 'yon.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon