CHAPTER 30

79 2 0
                                        

NICHOLAI

Bumukas ang pintuan ng condo ni Wave and he entered with his tired face. Tahimik namin siyang pinanood na magtanggal ng sapatos at binato ang bag sa lapag bago sumalampak sa solo sofa.

"You look like shit, dude." Ani Alex na nakakunot ang noo.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Alex at tumingin siya sa akin at tumuro. "Ikaw. Puntahan mo si Kyle sa condo niya ngayon na. I saw him with a man kanina habang pauwi ako."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig at nanigas ang katawan. I don't know what should I feel after hearing those words. Si Kyle? May kasamang ibang lalaki? Wait, I don't want to jump in to any conclusions yet. Baka naman kaibigan niya iyon or baka naman si Neil, or maybe yung kaibigan ni Alison na si Dave. Kilala ko si Darcy kahit papaano, I know he's not that the type of person to entertain someone while seeing me.

Kinakabahan man ay kumunot lang ang noo ko. The boys were shocked as well from the news. Mahinang sinintok ni Seb ang balikat ni Wave at tumawa nang bahagya, it was an uncomfortable laugh.

"Baka naman si Neil yung nakita mo." Pagsabat ni Callix na tinanguan ko nalang din.

Wave scoffed and rolled his eyes. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bulsa at binato iyon sa akin na nasalo ko naman. Humilig siya sa sandalan ng sofa at humalukipkip.

"I took a photo. Ikaw nalang maghusga kung si Neil yan or kung sino man." he plainly said and looked at me boredly.

Mabilis naman na kumumpol ang tatlo kong kaibigan para tignan din ang picture na sinasabing kinuha ni Wave. I clicked the gallery on his phone and it showed me so many gym pictures of him bago ko nakita sa pinakadulo at latest ang isang litrato na sinasabi niya.

It's a photo of Kyle and a man na parang nakita ko na sa kung saan pero hindi ko lang matandaan. I felt a lump on my throat habang tumatagal ang ttig sa photo nilang dalawa. Kyle was laughing with the man and it somehow ripping my heart in more ways than one. Hindi ko alam kung dapat ko bang isipin na niloloko lang ako ni Kyle sa mga sinasabi niya at pinaglalaruan lang talaga ang nararamdaman ko.

I don't know. At this point, I don't even fucking know what to do. Halo halong emosyon ang umiikot at lumulunod sa isipan ko at nahihirapan akong mag-isip nang tama. Gusto kong magalit, pero kanino? Gusto kong magwala at suntukin ang lalaki na kasama niya, pero what if si Kyle mismo ang gumustong makipagkita?

Fuck this! Why, Kyle? Alam ko naman wala akong ginawang masama sa kaniya na pwede niyang kaayawan sa akin kaya bakit? Is this the fucking karma that I deserve for all the hearts that I broke? Kung ito man nga then please, I'm begging all the saints na patawarin na ako dahil ayoko ng ganito. I don't want to see him in another man's arms after losing him for a very long time.

Naramdaman ko nalang na may mabigat na tumama sa ulo ko at nakita ko ang bag ni Wave na lumipad na pala papunta sa akin. I looked at him at gusto ko siyang suntukin sa ginawa niyang panggagatong sa galit ko.

"The fuck dude?! Tangina nito, gago ka ba-"

"Shut the fuck up and puntahan mo na sabi si Kyle sa condo niya. Para hindi ka magoverthink diyan, ikaw mismo ang umalam. Tigilan mo kakaisip ng kung ano ano diyan and find the goddamn answer you fucking idiot."

Nang hindi niya ako nakitang tumayo ay inabot niya naman ang remote na nasa ibabaw ng lamesa at ito naman ang binato sa akin. Inis akong umilag saka tumayo.

"Fine! Tangina kapag ito talaga fake news magsusuntukan talaga tayong dalawa." Pagamok ko kay Wave na nginisihan niya naman.

"I like to see you try. Eh mas malaki ako sayong gago ka." Natatawa niyang sambit bago tumayo rin at nakipagsukatan ng laki sa akin.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon