CHAPTER 23

16 2 0
                                    

KYLE

"Is this also a part of your plan?" namaywang ako at hindi mawaring nagtanong kay Alison na prenteng prente na nakaupo sa sofa sa paanan ng kama ko habang nginingitian ako nang kakaiba.

Wala pa akong matinong pahinga since paglapag namin dito. Kararating pa lang namin ng Pinas at dumeretso kaagad kami sa mansyon kasama ang bisita na hindi ko inakalang kilala ako at magkakilala pala ang mga pamilya namin. We weren't supposed to be flying back here this soon at plano nga namin na magtagal sa states hanggang bagong taon, pero dad decided na dito nalang icelebrate ang pasko at new year kasama ang pamilya ng kaibigan niya na napagalaman ko na si Narcisus pala ang pangalan.

Tito Narcisus Borjas to be exact. Nicholai's father.

Ang nakakagulat pa ay ang mga sumunod na pangyayari kahapon noong nagkabungguan kami sa may 5th Street.

"Hello, Kyle. Kamusta ka?" agap niya na nagpakunot ng noo ko.

Napagtanto niya siguro ang labis na pagtataka sa mukha kaya inilahad niya ang kamay sa aking harapan. "Paano niyo po nalaman yung pangalan ko? And not to be rude po but, who are you?"

Ngumiti siya sa akin nang maliit at nilahad ang kamay sa harap ko.

"Narcisus Borjas. Does that ring a bell?" nagtaas siya ng kilay.

Inabot ko ang kamay niya at nakipagkamay dito pero hindi pa rin matanggal sa isip ko kung sino ang lalaki na 'to. He has the same surname as Nicholai, "I'm guessing kayo po ang dad ni Nicholai?" nag aalinlangan kong balik sa kaniya.

Lumawak ang ngiti niya sa mukha at tumango, "Yes! Yes, do you remember me now?" mga mata niya na kumikislap sa antisipasyon.

Alam kong siya ang dad ni Nicholai dahil halata naman sa itsura niya na kamukha niya nga si asungot, hindi rin naman mapagkakamalan na kapatid niya since kita ko sa buhok nitong si Narcisus ay maroon siyang kaunting puti puti.

I was about to say something when my phone rang inside my pocket. Humingi ako ng sandali sa kausap at kinuha ito para sagutin ang tumatawag. It was dad calling me. I frowned even more kasi hindi naman nito ugaling tumawag sa akin pagkagising, baka siguro ay may ipapabiling something bago ako bumalik sa condo.

"Si Armando ba yan?" napatingin ako sa lalaking kaharap na sumusulyap sa screen ng cellphone ko.

I'm not that surprise if this guy knows my dad. Kung kilala niya ako ay siguradong kilala niya rin si dad. Baka even si Alison ay kilala niya rin. My father is just that type of person na mahilig makipag usap, well that's a huge requirement when you're running a huge company.

Tumango na lamang ako at sinagot ang tawag.

"Yes, dad. Ano yun?"

There was a brief moment of silence before he answered. "Nasa labas ka right? Bili ka nga breakfast natin, tinatamad daw kapatid mo na magluto." Rinig ko ang pagod at antok sa boses niya. Paano ba naman kasi, alas-tres na ng madaling araw nang umuwi silang dalawa ni Alison galing sa inuman at casino.

"Sure dad." Tumingin ako saglit kay Narcisus na binigyan lang ako ng maliit na ngiti. "And uhmm dad. May naka salubong ako na guy here sa 5th street. Kilala ka niya, friend mo ata?" marahan kong salita.

"Friend? What's the name? Baka naman kung sino sino lang yan na nagpapanggap para mauto ka ha. Sinasabi ko sa'yo Kyle mag ingat. Ano pangalan, tanong mo." May pagbabanta sa tono niya.

"Narcisus Borjas."

Muling natahimik saglit ang kabilang linya kaya kunot noo kong tinignan kung nasa call pa ba ako. Hindi pa naman niya binababa kaya binalik ko sa tenga ang phone.

Fated Alchemy: Across the Timeless PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon